Chapter 10

55 10 0
                                    

SL 10| Tita Karina



"Bakit po ako nag-iimpake tita?" Tanong ko kay Tita Mercedes. Tahimik lamang mag-mula kaninang umaga. "Tita?" Sinamaan niya ako ng tingin, "pasensya na po.." Nasagot ko na lamang dahil mukhang naiinis na ito sa pagiging palatanong ko.

Hindi ito kumikibo magmula kanina, basta nalamang nitong sinabing kailangan ko nang magimpake at aalis na ako sa kanila. May konting lungkot akong nararamdaman bagamat hindi maganda ang trato nila sa akin pero hindi mawawala ang katotohanang labag man sa loob nila'y kinupkop pa rin nila ang isang katulad ko.

Magkasabay kaming bumaba sa sala at doon ko naratnan si Tita Karina na nakaupo animo'y may hinihintay. Teka.. Teka ito ba ang sinasabi sa akin noon ni Tita Mercedes?! Pinigilan kong yakapin si Tita Karina, isa ito sa mga mababait na taong nakilala ko. Kahit na hindi ko ito kamag-anak ay gusto ako nitong kupkupin ngunit hindi nangyari dahil may bigla itong inasikaso.

Dati siyang nasa kombento kasama iyong mga kapwa madre niya.. Pero bakit ngayon parang hindi siya nakasuot ng pang madreng damit?

Bahagya akong itinulak ni tita Mercedes kaya't napatayo si tita Karina. "Sige na, " anito at nag iwas tingin. "Sumama ka na sakanya. Salamat naman at wala na akong papakainin pa." Aniya naramdaman kong sa pagtulak nito'y may isinilid siya sa aking bag. Nakatingin na sina Betty sa akin at ang iba pa nitong mga anak.

Lumapit na si Tita Karina at walang salitang inakay ako hanggang sa makalabas kami ng kabahayan ay tahimik lamang ito tila malalim ang iniisip. Sumakay kami sa nakaparang tricycle, saan kaya kami pupunta?

Tinignan ko ang arko ng Sitio Ibuka may mga halaman ng pumupulupot dito, kailangan ng pinturahan. Kaya kami pinagkakamalang ghost town at sitio ng mga mangkukulam. Inabala ko ang sarili sa pagtanaw ng mga puno't kabahayang nadadaanan namin. Hanggang sa tumigil ang sinasakyan naming tricycle sa isang simbahan sa Sitio Tirik Mata.

“Pasok muna tayo Dorothy may aasikasuhin lang muna ako..” Saad niya at sabay kaming pumasok sa may pasilyo ng kumbento. Tumigil si Tita Karina sa isang pinto at sinabing maupo muna raw ako sa may bench at hintayin siya.

Nakatulala na lamang, masyadong mabilis ang pangyayari kaya't nalulutang ako. Piping nanalangin na sana'y sa Sitio Ibuka/Buka pa rin ang lugar kung saan nakatira si Tita Karina dahil hindi ko ata makakayang malayo kina Deiry at Achie. Speaking off, hindi rin ako nakapag paalam dahil super suprise ang nangyaring pag iimpake.

Napalingon ako sa isang batang babae na naka suot ng long sleeve at mahabang palda. Sa tiyansa ko'y matanda ako ng ilang taon sakanya. Sampong taong gulang siguro ito.  “Hey.” At bigla nalamang naupo sa tabi ko.

Nakatango ako habang na weirdohan sakanya. May hawak-hawak kasi itong maliit na botelya na mayroong label na holy water may rosaryo rin siyang nakasabit sa leeg. Bigla akong natakot dahil alam kong napakarami kong kasalanan kay lord. “H-Huh..”

Her eyes were fox like, “sinong hinihintay mo? One of the nuns?” Tanong niya kaya napatango ako. “Same, I'm waiting for my tita who's a nun here..” Tumango ako, naging tahimik ulit kaming dalawa. Pinigilan ko ang sariling magdaldal dahil baka isipin niyang feeling close ako. “I'm Quiovanna Ingrid Reckzone.. You can call me Vanna but not Ingrid.” Inilahad nito bigla ang kamay sa akin.
“Please, I'm serious don't call me Ingrid it's so weird. Parang si mommy ang tinatawag nila.. ”

Natulala ako pero may kasama ring takot. “Uh...” Nag-iwas ako ng tingin, ayaw ko namang sabihin niyang masungit ako. “D.. Dorothy Smile Felipe..” Bumilog ang mga mata nito. “Ilang taon ka na?” 

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now