Chapter 16

38 5 0
                                    


A/N: Late updates.

The love war


Marami akong palakol na grades, isang malutong na buntong hininga ang aking pinakawalan. Lima ang 70+ at apat ang 80+ na grades ko, nakakahiya. Inaasahan kong gigisahin ako't sesermonan ni mama Karina pero kabaliktaran ang nangyari, sinabi nitong ayos lang naman daw atleast ay alam niyang hindi ko pinapahirapan at pinepressure ang sarili ko.

At saka iyong grades pwede naman daw bawiin at galingan pa sa susunod. As usual narito kami ni Deiry sa may bench habang kumakain ito ngayon nalang kami nagkasama ulit sa school kapag recess busy kasi itong magtraning ng magtraning dahil representative siya ng school.

Isa pa malapit na rin ang JS Prom kaya't lahat ay excited ang bilis ng panahon parang pumikit kalang patapos ka na ng highschool.

“May gown ka na?” Tanong niya sa akin, “wala pa ako. Hindi ako aattend.” Umismid ako, sa tingin ko'y mahaba-habang diskosyon na naman ang mangyayari mamaya sa pagitan nila Deiry at Lola D.

Masaya akong tumango pagka announce palang na may JS ay pinagplanuhan na namin ni mama Karina ang susuotin ko. Hindi baleng magpatahi ng gown atleast ay presentable ako, si Achie ang nagdrawing dahil may aking talento ito sa pagdidisenyo ng damit. “Oo..”

Walang interes siyang pumalakpak. “Wow.” Ang lamya halatang hindi interesado.

Umiling nalamang ako, “mamaya pakita ko iyong sketch ni Achie sayo. Ang ganda pinapatahi na ni mama Karina iyon ngayon.”

Tipid siyang ngumiti. “I'm happy for you.”

Nilingon ko siya. “Bakit?”

Nagkibit balikat ito. “Masaya lang ako dahil lagi ka nang nakangiti ng natural ngayon at hindi pilit.”

Masaya ang lahat dahil maliban sa papalapit na JS ay grades at final exam nalang ang pro-problemahin, saglit akong napakamot batok. Alam ko sa sariling slow learner ako, iyong tipong sampong beses mong ituturo sa pang pito ko palang mage-gets.

Puro lakad at kwentuhan lamang kami ni Deiry hanggang sa mahagip ng aking mata sina Gremory. Nakaupo ito sa bench kasama sina Rossweisse at Xerxes.

“Monkeys..” Ani Deiry, hindi pa rin nakaka move on sa pagsakay namin ng Vickings. “Speaking of prom who's gonna ask for a dance? You or Gremory?” Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang nang aasar ito.

Si Gremory aayain akong magsayaw? Sa panaginip ko siguro oo.

Gago, HAHAH!” Malakas ang tawa ni Rossweisse na nakaagaw ng aming pansin. Hinahampas pa nito ang hita at tinutulak si Gremory na napapangiti sa mga kalokohan ng kaibigan.  “Tanginaka talaga Xerxes!”

Natawa na rin ako dahil nakakahawa ang paghalakhak ni Rossweisse, kasalukuyan kasing naka wig si Xerxes na may bangs at mukhang may hiniraman ng palda sa mga kaklase nito. Cosplayer?

Gremory waved his hand. “Stop Xerxes you're making a scene––”

Hindi na nito natuloy ang sinasabi ng bigla nalang tumawa na parang baliw si Xerxes. “ Sawadeh ah, potangina kah..” Anito na nakapagpatawa sa mga taong nanonood. “Joke lang! Iyong si Galatea kasi..”

“Nag-away sila..” Ngising sabat ni Rossweisse. “Crush niya mortal enemy kuno niya..”

Pabiro siya nitong tinampal. “Kung makapanlaglag sa akin akala mo talaga eh no?” Naningkit ang mga mata ni Rossweisse. “Gusto mo ikaw ilaglag ko?”

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now