Chapter 4

61 12 4
                                    

A/N: Disipulo ni Ingrid si Dorothy sa kaharutan at katangahan sa pag-ibig. HAHAH.

This scene brings back so much memories. Nostalgic. I remembered when I was a junior high schooler and my bestfriend use to say, “huwag mong hawakan kamay ko! Hinawakan 'to ni ano..” HAHAHAH.


Things to do to catch Mr. Cold Hearted


Mabait siya sa akin noon pero noong malaman niyang magnanakaw daw ako ay naging mas malupit ito sa akin. Hayy, ang sakit naman magmahal.

“Gusto mo?” Napa-angat ako ng tingin sa pagkakaupo sa may bench ng gym ng may nagsalita. “Hmm?” Anito at inayos ang kanyang salamin, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa hawak nitong chitchirya at sakanya. “Sayo nalang..” Sabi ni Gremory at walang sabi-sabing ibinigay ang chitchirya sa akin at tumabi ng upo.

Nakagat ko ang pang ibabang labi, pinipigilang mapatili sa nangyayari. “U-Uh.. Salamat..” Tumango ito at kumuha pa ng panibagong chitchirya.
“P-Pero ayos naman na ako, ” nanigas ako ng ipilig nito ang ulo't nakatitig sa akin. “A-Ano... W-Wala lang si Deiry kaya wala akong kasama..”

“I see, I've noticed that you're lonely...” Pasimple akong kumamot ng ulo. Mahina ako sa english. “Good for you that you found yourself a friend..” At ngumiti ito dahilan para lumitaw ang puti at pantay-pantay niyang ngipin.

Umiwas ako ng tingin, si Gremory nama'y tumawa ng mahina. Grabe pati pagtawa nakakakilig. “I-Ikaw.. M-May kaibigan ka ba?” Tanong ko, saglit itong natigilan parang napaisip.

“Yes, Xerxes and Rossweisse are my bestfriend. Trio kami pero parang mas close silang dalawa...” Bakas ang lungkot sa boses nito. “Nonetheless no one will change the fact that we are the squad. Though, may mga iba rin akong kaibigan like Troy, Casmos, Alex and Wendell we run on the same hobby that's why.” Nakatitig lang ako sakanya habang nagkukwento ito, hindi siya masungit actually mukha lang. “I want to be a computer engineer but at the same time I also want to invest my things onto the world of music..”

Tila binagsakan ako ng ilang libong bulalakaw dahil sa narinig. “Gusto ko ring maging singer..” Bigla kong nasabi, napalingon si Gremory.

“Talaga?” Aniya, tumango akong nakangiti. “Nice! Apir!” At pinagdikit ang mga palad namin, mamayang maglalaba ako magsusuot ako ng plastic sa kamay.

Kung alam ko na iyon na pala ang kahuli-hulihang pag-uusap nami'y sana ay sinulit ko na. Nag-iba siya at sa akin lang. Para na akong peste para sakanya noong una'y nahihiwagaan ako sa kinikilos ni Gremory. Hindi nito alam na gusto ko siya o feeling ko lang?

“Gremory!” Tawag ko rito kasama niya ang mga tropa niya. “Hi!” Ani ko ngunit hindi ako nito tinapunan ng tingin miski sulyap lang. Bakit?  Iyong kasama niyang nakakulay pink ay bumubulong sakanya habang iyong basketball player ay pinipilit si Gremory na pansinin ako.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now