Chapter 17

39 7 1
                                    

Stupid Chase


Yung bumbunan ko nag-iinit, hindi pa rin ako maka move on sa pangyayaring iyon! Lalo na sa Rafiya na feeling santa-sanita! Kainis lang, simula ng araw na ‘yon pansin kong laging kinukuha ni Rafiya ang pansin ni Gremory kapag nababaling iyon sa akin. Para siyang nasa kompetisyon!

Tuwing sinusubukan kong kausapin at lapitan si Gremory ay nakaharang ito lagi. Tulad nalamang ngayon.

Tumikhim ako upang makuha ang pansin nito. “Gremory––”

Bigla nalamang sumabat si Rafiya na may inosenteng ngiti. “Gremory tawag ka ni ma'am!”

Nadagdagan ang pagka-irita ko. Naramdaman ko rin ang pagsipol ni Feitan animo'y sinasabing ‘wag akong papatalo. Ito ang friendship.

Gremory's brows were knitted. “Huh?” Mukhang pati ito'y naguguluhan sa nangyayari. Hindi ko inaasahang lingunin niya ako, madalas ay dedma ito lagi. Pero habol ako ng habol.. “What is it Dorothy?” Aniya.

Lumunok ako, hindi isang beses kundi limang beses. Mabuti nalamang ay hindi ako nasamid sa sariling laway dahil katangahan na ang tawag doon. “M-May ipinabibigay kasi si Deiry sayo..” Kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito.

Ang totoo'y wala talagang balak na ibigay ni Deiry ang reviewers na ito, gusto nga nitong humanap si Gremory at mahirapan pero dahil malakas ako sakanya ay pinilit ko ito. Daan para makalapit at may dahilan para makausap siya.

“Well, what is it?” Tipid siyang ngumiti. Sapat na ang maliit na galaw sa gilid ng labi nito para kiligin ako. “Dorothy?” Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag sinasambit niya lalo kapag may halong lambing at hindi laging nakasigaw.

Dahan-dahan kong inabot ang folder sakanya saglit na nagdampi ang aming mga balat. “A-Ayan na..” Nag-iwas ng tingin dahil kinikilig.

Ang sunod na pangyayari'y hindi ko inaasahan dahil ang lalaking may lahing sama ng loob at yelo ay ngumiti! Ngumiti ng hindi pilit! “Thanks.”

Nagdadabog na lumabas si Rafiya marahil ay hindi nagustuhang naungusan ko siya ngayon. Pero wala akong pake, ang ayaw ko sa lahat ay ang mga nagbabait-baitan lang at may tagong ugali. Akala ko pa man din..

Dalawang araw mula ngayon ay prom na namin, excited na akong isukat iyong gown. Ngumisi ako, gugulatin ko sila sa prom. Napawi ang aking ngiti kahit ata gaano kaganda ang araw ko'y marami talagang sumusubok na sirain ito.

Magkahawak kamay.. Natulala ako habang pinagmamasdan sila, para bang may kung anong bagay ang pumipigil sa normal kong paghinga, ang puso ko'y naninikip sa tanawing iyon.

Huminga ako ng malalim at itinabi nalamang ang box kung saan nilalaman nito ang salaming pinaayos ko dati. Iyong salaming nabasag noon, na alam kong mahalaga para kay Gremory. Mas lalong nanlamig ang aking buong sistema ng biglang maglapit ang mga mukha nila, maghahalikan ba sila?

Natulos ako sa kinatatayuan ng biglang mandilim ang aking paningin, may tumakip ng aking mata dahilan upang hindi ko makita ang pangyayari. Ramdam ko ang bigat ng hininga nito, nagpipigil. “Tss.” Ang planong pagprotesta ay hindi ko na nagawa, nagpaubaya nalamang.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now