01

122 12 8
                                    

Chapter 01
Zari

"Zari, late ka na naman! Palagi nalang! Hindi ka nakasama sa amin kanina sa Cafeteria! Kumain pa naman kami nang Mochi!" nakangusong sabi ni Suji, nagtatampo kasi late na naman ako.

I smiled at her. "Sorry." tinapik ko ang balikat nya. "Traffic lang."

Nagtatampo pa rin si Suji kaya napailing na lamang ako. Suji is my cousin. She's gorgeous in her own way. Lahat ng sikreto at mga problema ko, sinasabi ko sa kanya. She's always there for me, mapa-light days or dark days ko man yun.

"Hey, sorry, okay?" panunuyo ko ulit kay Suji. Inirapan ako ng gaga kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hala, pucha, nakakairita."

Malakas syang natawa. I twisted my lips in irritation. "Ano ba yan? Ang dali mo namang mairita."

I just shook my head at her. Kila Mama at Papa lang talaga ako hindi marunong mairita. Pero sa ibang tao, kahit sa mga kaibigan o mga kaclose kong pinsan pa man yan, ang dali ko talagang mairita. Kaya ang tawag nila sa akin minsan ay Miss Minchin.

"Why is it so traffic ba? Always ka nalang late." madramang sabi ni Syrine, nakapatong ang baba sa kamay at nakanguso ang mga labi nito.

"Hala, hindi bagay sayo, girl." pang-eepal naman ni Reign kay Syrine.

Syrine glared at her. "Oh, shut up."

Sila Syrine at Reign ay mga pinsan ko rin. Sila yung mag bestfriend sa aming apat at kami naman iyon ni Suji. Kagaya sa amin ni Suji, opposite rin ang personalities nila. Syrine likes to be conyo kasi cute raw, maarte rin sya minsan kaya naiirita ako sa kanya. Pero sya yung mahilig mag plano ng lakad para sa amin kaya nakakatuwa minsan.

Si Reign naman ang kill joy sa aming apat. She likes sleeping, reading in silence, and being single. She hates men. Kabaliktaran kay Syrine na sobrang hilig sa mga lalaki. They are both gorgeous, pero ang pinagkaiba lang ay si Syrine ginagamit ito, habang si Reign naman ay walang pake rito.

"Hala, 5 minutes nalang bago mag ring yung bell! Tara na, punta na tayo sa mga classrooms natin." saad ni Suji, nakatayo na habang nililigpit ang mga gamit nya.

Yun din naman ang ginawa namin nila Reign at Syrine. Niligpit lang namin ang mga gamit namin bago kami nagkasabay nila Reign at Syrine patungo sa STEM building habang si Syrine naman ay naglalakad patungo sa TVL building.

"Kawawang Syrine. Mag-isang naglalakad papunta sa TVL building." nakangusong saad ni Reign habang naglalakad kami ngayon.

"Sabi kasing mag STEM, ayaw naman." saad ko.

Napahampas si Suji sa braso ko. "Gaga, gusto non mag Chef. Ang pangit naman kung gusto nya matuto kung paano mag humba pero yung matutunan nya ay kung paano mamatay sa Calculus."

"Wala kaming Calculus sa Medical Field." simpleng saad ni Reign.

"Edi sana all," sabay na sabi namin ni Suji sa kanya.

Suji and I wanted to be an Engineer in the near future kaya ang pinili naming strand ay STEM at ang field namin ay Engineering Field, habang si Reign naman na magnunurse ay STEM tapos field nya ay Medical Field. Earth Sci lang ang Science sa Engineering Field, habang General Mathematics lang ang Math sa Medical Field.

Si Syrine naman ay TVL-HE ang pinili. Well, she's good at cooking naman kaya alam namin na makakaya nya iyon.

Basic Calculus ang first subject namin ngayon kaya napapamura na lamang ako sa isipan ko. I cannot even understand this subject. Bakit ba kasi gusto kong mag engineer?

"Gago, nadrained energy ko." napasandal kaagad si Suji sa upuan nya.

We're here at Cafeteria. Lunch break na kasi kaya dito nalang namin naisipang mag lunch. It's kinda awkward though lalo pa at ang daming nakatingin sa banda namin. May it be men or women.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon