08

38 8 0
                                    

Chapter 08
Zari

"Shuta! Buti naka abot sa passing score yung score ko!"

Napapikit ako sa ingay ni Suji sa tabi ko. She's still holding her papers. Hindi pa rin makapaniwala sa mga scores nya. She was expecting for a zero score. Ewan ko dito. Gusto atang ma zero.

"Ikaw, ilan sayo?" tanong ni Reign sa harapan ko.

"Perfect yan," sabi naman ni Syrine na nasa tabi ni Reign

I rolled my eyes at them. "Basta,"

"Ay madamot." sabi naman ni Suji sa tabi ko.

I just didn't mind her. Malaki naman ang scores ko. Kadalasan sa mga results ng exam ko ngayon ay may dalawang mali lang. But still, hindi pa rin ako mapakali. Maybe because I was pressured by my dad? Alam ko kasing konting mali ko lang sa strand na ito, ang dami nya ng masasabi sa akin. Like I'm a failure kid in our family.

Tumayo na ako kaya napatingin silang tatlo sa akin. I just told them na pupunta lang ako sa Cafeteria para bumili nang juice. I felt thirsty. Bumili naman kaagad ako nang Juice ng makarating na ako sa Cafeteria. Natakam ako nang makitang may nagbebenta ng spag ngayon. I also bought one of it. It's my favorite, after all.

"Kailan kaya matatapos ang meeting ng mga teachers?" biglaang tanong ni Syrine sa kalagitnaan ng pag kain ko.

May mga meeting kasi ang mga teachers ngayon. Maybe, it's about the exam. Wala kaming klase ngayon sa first sub at sa second sub dahil 4 hours raw ang meeting na iyon. Nagulat kaming lahat dahil ang tagal naman non. May mga natuwa rin kasi walang klase pero ang dami pa ring kinakabahan kasi baka may ibang nangyayari na pala sa paaralan namin.

"Alam mo namang 4 hours yung meeting, nagtatanong ka pa." saad naman ni Reign sa kanya.

Syrine glared at Reign. "Alam mo, napakasama ng ugali mo sa akin."

"Deserve mo naman," sabi naman ni Suji kay Syrine kaya nag appear kaagad sila ni Reign.

I just shook my head at them when Syrine immediately left our table. Ganito kasi sya kapag pikon, bigla biglang umaalis. Tinapos ko naman kaagad ang pag kain ko at tinapon ang mga basura ko bago sinundan si Syrine. Nagulat ako nang patungo na sya sa ABM building.

"Syrine!" tawag ko sa kanya para mapatigil sya sa paglalakad.

Gulat syang napalingon sa akin kaya napakunot ang noo ko. "Bakit mo ako sinundan?" mahinang pagkakasigaw nya sa akin.

Napakunot lalo ang noo ko. "Bakit? Bawal ba?"

"Bumalik ka na sa kanila! May pupuntahan lang ako rito!"

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. I tilted my head. "Okay ka lang ba? I was concerned of you. Alam ko kasing napikon ka kila Reign at Suji."

Lumambot ang mukha ni Syrine na nakatingin sa akin. She walked closer to me and caress my shoulder. "Okay lang ako. Sorry nasigawan kita. Pwede ka ng bumalik doon kila Reign. May pupuntahan lang ako."

"Ah, okay." sabi ko nalang.

I was about to leave when I heard someone calling Syrine's name kaya napalingon ako sa taong yon. Napairap ako nang makitang marami pala sila. Kasama na roon sila Gin at Eros. Yung mga magpipinsan na naman.

"Hi, babe." bati ng isang pinsan ni Gin kay Syrine bago hinalikan ang labi nito.

Syrine smiled shyly at this guy. "Hi," she immediately looked at me. "Balik ka na kila Reign."

"Yeah, bye." kaagad na sabi ko.

Hindi ko kilala iyong lalaki na yun. Isa lang ang alam ko. Castres yun. He's also tall, magkasingtangkad sila ni Gin. He has a curly hair at mataas ang ilong nya kaya gumagwapo sya lalo.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon