12

26 5 0
                                    

Chapter 12
Zari

"Congratulations!"

We greeted each other. Suji hugged me, umiiyak. Akala nya talaga naka graduate na sya ng college! May grade 12 pa naman! Sabagay, may karapatan nga siyang magdiwang tutal STEM yung strand na pinili nya. Hindi madali.

Nagsiiyakan pa ang mga classmates ko lalo na ang mga babae. They said that they did not expect themselves to survive this strand. May mga siraulo kasi sa amin na nag STEM lang kasi maganda pakinggan.

"Akala ko talaga makakashift ako sa ABM! Buti nalang nasali ako sa with honors!" napaiyak lalo si Suji sa tuwa.

Kasama namin sila Gin at Eros ngayon. Nasa malayo nakaupo ang parents namin. Nakikipag-usap rin sa kanya-kanyang magulang namin. Natawa nalang sila Eros at Gin sa sinabi ni Suji.

"Oh, ano namang problema sa ABM? Ayaw mo non, makakasama mo na ako sa isang classroom! Crush mo naman ak-Aray! Gagi, Suji! Joke lang! Ano ba! Joke lang! Aray naman! Mama, oh! Hinahampas ako ng daughter in law ny-Aray! Joke nga lang, eh!" napapaiwas nalang si Eros sa sunod-sunod na hampas ni Suji sa kanya.

Napailing nalang kaming lahat sa kanila. Pumunta na lamang kaagad sila Reign at Syrine sa parents nila habang sila Suji at Eros ay patuloy lamang sa pag-aaway na parang mga bata. Napalingon ako kay Gin at napakunot ang noo nang nakangiti sya ngayon habang nakatingin sa akin.

"What?" I asked.

He chuckled and reached for my hand. I felt so many butterflies in my stomach when he intertwined our hands. "I'm so proud of you,"

Natawa ako sa sinabi nya. "Para namang naka graduate na ako sa college niyan,"

"What?" napakunot ang noo nya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "With honors ka, Zari. Proud ako sayo. Mahirap ang STEM diba pero nakaya mo pa na masali sa with honors." he kissed the back of my hand. "You need to be proud of yourself, also."

I gently smiled because of what he said. Dahil sa pagkatuwa, tumingkayad ako para maabot ang pisngi nya bago sya binigyan ng halik doon. Nagulat sya sa ginawa ko kaya napakagat ako sa labi ko. Nahihiya na tuloy ako sa ginawa ko.

"Thank you," I said sincerely. "I'm also proud of you. Uh, aalis na ako. See you on Friday."

Nakaawang pa rin ang labi nya, nagulat pa rin sa ginawa ko. I just went straightly on Suji. Kaagad ko syang hinila para makapunta na kami sa mga magulang namin. Nagulat pa sya kasi hinila ko sya pero nilakihan ko lang sya nang mga mata ko kaya wala syang ibang nagawa kundi ang hayaan akong hilain sya patungo sa banda ng mga parents namin.

"Hinalikan mo lang sya sa pisngi, umalis ka na kaagad." pang-aasar nya sa akin. Nagulat ako kasi nakita nya pala! Natawa sya sa reaksyon ko at tinuro ang mukha ko. "Naging kamatis ka na!"

"Manahimik ka nga!" suyaw ko sa kanya. Baka kasi marinig kami ng mga parents namin! Ayokong maging issue to! Pupunta pa naman kami mamaya kila Lola!

May pinag-usapan pa ang mga parents namin bago kami umalis na. When we arrived in Lola's house, nabuhay kaagad ang kaba sa puso namin. Nandito kasi ang kotse nila Tito Rey. The moment we stepped inside the house, we're not schocked anymore when we heard Lola screaming.

"Ang kakapal ng mukha ninyo! Nandidiri ako sa inyo! Marcellus, bakit mo naman inimbita rito ang anak at apo ng kabit mo?!" galit na saad ni Lola kay Lolo.

Napahinga nang malalim si Lolo. "Anak at apo ko rin sila, Allegra. Gusto kong makasama sila ngayon!"

"Edi magsama kayo pero huwag dito sa bahay! Doon kayo sa bahay ng kabit mo!" sigaw naman ni Lola kay Lolo.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon