11

36 7 1
                                    

Chapter 11
Zari

"In love sya sayo?"

Gulat na tanong ni Suji sa harapan ko. She's smiling while asking me this question. Napairap ako kasi naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya ngayon sa akin.

"Y-Yan yung sabi nya," I said.

Napatili sya kaya napahampas ko kaagad sya. Niyugyog nya ang balikat ko. "Ang taray mo naman! Ano ba yan!" napanguso pa sya. "Kailan ba maiinlove sa akin ang crush ko?"

"In love na sayo si Eros," sabi ni Syrine.

Malakas na natawa si Suji. "Sira! Bobo ka talaga, Syrine!"

"What? I thought the both of you are in love with each other? Sya lang pala?" gulat na tanong ni Syrine.

"Bobo!" binato ni Suji si Syrine nang unan. "Kaibigan lang kami!"

Nandito kaming apat ngayon sa bahay. Sabado kasi at walang klase. I've decided to tell them about this since I don't know how to handle this kind of situation. Sa aming apat, ako pa lang ang hindi pa nakaranas magkaroon ng jowa.

I know that I've already said to myself that I can't love Gin, but some part of me wanted to become a rebel of myself.

"Zari," tawag sa akin ni Reign, hindi pinapansin ang bangayan nila Suji at Syrine. I looked at her. "Nag chukchakan na kayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Reign. "Ano ba, Reign! Mahiya ka nga!"

"Ay 'di pa pala?" napakibit balikat na lamang si Reign.

Napatigil sa pagbabangayan sila Syrine at Suji dahil doon. Inusisa kaagad nila kung ano ang pinag-usapan namin ni Reign. Natawa na lamang sila pareho nang malaman nila kung ano iyon.

"Stupid!" sigaw ni Syrine kay Reign. "Bakit ganyan naman yung tanong mo? Sira!"

"Bobo ka! Syempre nasanay ako sayo na lahat ng naging gusto mo, nakakasex mo." prangkang sabi ni Reign.

Namula ang pisngi ni Syrine dahil doon. "Stupid ka talaga!"

Hinampas ko nang unan si Reign kaya nagtataka nya akong tinignan. "Napaka desisyon mo naman. Hindi ko nga sinabi na gusto ko rin si Gin!"

"Gaga! Kung 'di mo s'ya gusto, hindi mo na kami tatanungin pa kung anong gagawin mo. Bobo mo talaga sa pag-ibig." sabi ni Reign. Nahampas ko tuloy ulit sya nang unan! Bastos ng bibig, eh!

Tinawag kami ni Mama para kumain na nang snacks kasi naghanda sila Manang para sa amin. We just watched some movies on my room. Nang gumabi na, umuwi na rin naman kaagad sila.

My week has been tiring. Biglaang pag quiz at mga oral recitation na hindi ko na masyadong nasasagutan. Because all of it are all surprises! Hindi man lang kami binigyan ng tyansang magreview muna saglit! I wanted to curse so badly because I am so tired already!

Nanghihina akong napasandal sa upuan ko rito sa classroom. Hindi ko magawang lumabas ng classroom. Lumabas na si Suji para pumunta raw sa ABM building bago raw uuwi na. Naiwan akong mag-isa sa classroom. Rinig na rinig ang mga usapan ng mga grupo ng mga babaeng naglalakad sa hallway.

Pero pagod ako kaya hindi ko masyadong napagtuunan ang pinagsasabi nila. Also, I respect their privacy so I didn't mind on understanding them.

Napasandal nalang ang noo ko sa arm ng arm chair ko. Napakagat ako sa labi ko nang naalala ko bigla yung ako ang unang kasama ni Gin mag celebrate sa birthday nya bago sya umuwi sa bahay nila. Kumain lamang kami nang fishball at kwek kwek. Hindi na ako sumama sa bahay nila! Nakakahiya kasi!

"Hey,"

Napaayos kaagad ako nang upo. Nagulat ako nang si Gin ang nakita ko nang mag-angat ako nang tingin. He looked so tired also. Magulo ang buhok nya. Nang mapansing nakatitig ako sa buhok nya, sinuklayan nya ito gamiti ang mga daliri nya. I bit my lips when I realized how hot he is right now.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon