16

21 2 0
                                    

Chapter 16
Zari

"You want to court me?!"

Gulat akong napatingin ngayon kay Gin na nasa harapan ko. He really looks serious about saying those words.

Bakit nya ba ako gustong ligawan? Is there something in me that he saw that I cannot see it?

"Yes," he said in a serious tone.

Napaawang ang labi ko. I was about to dump him again but suddenly he spoke first.

"I know that you're gonna dump me immediately after I tell you my feelings. But, please," kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito nang marahan. "Let's just try it. I know this will work. I'll be a better suitor. I won't pressure you on saying yes immediately. I'll wait patiently."

Nakaawang ang labi kong nakatingin ngayon kay Gin na nasa harapan ko. I was lost of words. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang bastedin sya ulit. I can really say no immediately, right? Pero nong sinabi nya ang mga salitang yun....nakaramdam ako bigla ng init sa malamig kong puso.

I just told Gin that I'll think about it. He respected me naman. Hinatid nya lang ako papunta sa bahay bago sya umuwi na. Nakatingin pa rin ako sa likod ng sasakyan nyang gumagalaw na papalayo sa bahay namin. I sighed. Hindi ko talaga maintindihan si Gin.

Pumasok nalang ako sa bahay. I just shouted 'I'm home' as usual. Pupunta na sana ako sa kuwarto ko pero nakita kong nakaupo lamang si Mama sa bench ng garden namin. She was staring on her flower like it was her life. Halatang malalim ang iniisip nya kaya dahan-dahan akong lumapit sa banda nya at marahang tinawag sya.

"Mama?" tawag ko ulit kasi di sya tumugon sa unang pagtawag ko.

Hindi pa rin tumutugon si Mama kaya wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan sya sa balikat. As expected, napatalon sya dahil dito. Nakahawak pa sya sa dibdib nya, halatang nagulat talaga sa ginawa ko. I just smiled apologetically on her.

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry. Tinawag kasi kita kanina. Hindi mo naman ako pinansin."

"Oh, sorry. I was just thinking about something." She smiled before sitting back again on the bench. "Kamusta pala ang date nyo?" she gave me a teasing smile. "Did you kiss your man?"

"Mama!" namula ang pisngi ko. Natawa naman si Mama sa reaksyon ko. "He's not my man. Hindi rin kami nagkahalikan."

She chuckled at me. "Dalaga ka na talaga, Zari."

I smiled at what my Mama said. Dalaga na nga ako. Tama sya. That's why, I'm afraid right now. Takot talaga akong tumanda. Takot ako kasi hindi ako handa sa responsibilidad na dapat kong harapin kapag matanda na ako. I knew nothing.

"Nililigawan ka na ba?" biglaang pagtanong ni Mama sa akin. She was caressing her flower.

I bit my lips. "He wanted to."

"Then? You dumped him?"

"I didn't." napangiti lalo si Mama sa sinagot ko kaya napairap nalang ako. "Because I was taken aback by his words."

"Or you also like him?" nanlaki bigla ang mga mata ko kay Mama kaya natawa sya. "Gotcha!"

I pouted. "Hindi naman sya mahirap gustuhin."

"Kung ganoon," hinagod ni Mama ang likod ko. "Bakit takot kang hayaan syang mahalin ka?"

"Kasi takot akong magmahal, Ma." tanging sabi ko.

Natahimik si Mama sa sinabi ko. I felt like she understood what I'm saying or she's trying to understand it right now. Pumunta nalang ako sa kuwarto kasi naisipan na rin ni Mama na pumunta sa library. May aasikasuhin daw sya sa laptop nya.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon