07

42 8 0
                                    

Chapter 07
Zari

"Hindi ako nagbibiro! May gusto nga sayo si Gin! Seryoso sya, Zari!"

Napasapo ako sa noo ko. Sobrang ingay ni Suji ngayon sa harapan ko. Pilit sinasabi na seryoso nga raw talaga si Gin sa akin. Pero wala naman talaga akong pakialam sa bagay na iyon. I don't care if it's a legit confession or not. What I care about is myself.

Kasi kung magkakaroon ako ng pake sa kanya, sigurado akong masasaktan lang ako sa bandang huli.

"Wala nga akong pake, Arabella." I spoke.

Natahimik si Suji. Alam nya kasi na seryoso na ako pag second name nya na ang itinawag ko sa kanya. She knew about that kaya ang daling bumalot ng takot sa kanya. I just sighed and shook my head at her.

After we had some chitchat, naisipan naming pumunta na sa room. Maaga pa masyado para sa subject namin ngayon pero sinabihan kami last time na magkakaroon daw ng long quiz kaya napagdesisyunan naming magreview nalang sa classroom.

Umupo na kaagad ako sa upuan ko at kinuha ang libro sa bag. Lahat kami rito ay seryosong nagrereview. We're all STEM students. We need to reach our teachers' expectations on us. Na kapag STEM student, matalino.

"May sagot ka sa number 27?" tanong ni Bourbon sa tabi ko.

I secretly looked at him. Mahirap na baka mahuli ako ni Miss. "Letter B."

"Thanks," saad nya at isinulat sa papel ang sagot na isinabi ko. "Eh, sa number 34?"

"Letter C," I said.

He smiled at me. "Thank you."

Tumango na lamang ako sa kanya. After the long quiz, I immediately went to Cafeteria for a juice. Hindi sumama sa akin si Suji. May pupuntahan lang daw sya saglit sa ABM. Even though I am so curious about it, hindi ko nalang sya tinanong kung bakit sya pupunta roon. I just let her.

"Isang orange juice po," sabi ko sa tindera. Napatuon ang pansin ko sa isang pagkaing nasa tabi ng tindera. Nanubig ang bagang ko. "Isa rin po nyan,"

"Ah ito bang kwek kwek? Kinse isa, hija."

I nodded and paid for the juice and food that I brought. Nakalagay sa isang cup ang kwek kwek at may mga pipino pa sa ilalim nito. Binigyan ako ng ale ng suka at asin na inilagay ko naman kaagad sa kwek kwek ko. I just said my thank you before I went to the nearest table for a seat.

"Iniiwasan mo ba ako, Zari?"

Natigilan ako sa pag kain. Napaangat ang tingin ko sa lalaking umupo na ngayon sa harapan ko. He's staring at me coldly. Napatingin sya pagkaing hawak ko bago napatingin ulit sa mukha ko. His expression is cold, but why can I see a ghost smile?

"Hindi," tipid na sabi ko bago kumain ulit.

"Talaga ba? I always call you whenever we passed with each other here on the campus. But, you never pay me attention." sabi nya. "I get it that you don't like me. But, is that enough reason for you to avoid me?"

"Hindi nga kita iniiwasan."

Umusog sya kaya nagalaw ang lamesa. He smirked at me sarcastically. "Sa tingin mo, maniniwala ako? I saw you talk and smile with Eros, pero kapag palapit na ako sa banda nyo, you always said some excuse immediately. Na kesyo iihi ka o di kaya magrereview ka sa room nyo."

I rolled my eyes. Naiirita ako sa kanya. "Just a coincidence,"

Nope, sinadya ko.

"Really? Limang beses nangyari tapos coincidence?" he scoffed sarcastically. "Wow, coincidence."

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon