17

23 2 0
                                    

Chapter 17
Zari

"Ha?! Kayo na?!"

Napatakip ako sa tenga ko dahil sa malakas na pagsigaw ni Suji ngayon sa harapan ko. I told her earlier about the score between Gin and I. As expected, nagulat sya sa sinabi ko.

"Himala!" maarte syang nagpunas sa mga pekeng luha sa pisngi nya. "Hindi na takot sa commitment ang pinsan ko!"

Nahihiya akong napairap dahil sa sinabi nya. "T-Tumahimik ka nga," namumula na ang pisngi ko.

Natawa lang sya sa sinabi ko at patuloy pa rin sa pagsabi na hindi talaga sya makapaniwala. Even me, I was also shocked at what I did. I'm really scared when it comes to taking risks. I always avoid it. That's why, Gin was my first boyfriend.

Kasi sa kanya lang ako nagkaroon ng tapang noon.

I really loved him.

"Hi, love." bati ni Gin sa akin bago sya umupo sa tabi ko. Napangiti ako sa kanya nang hinalikan nya kaagad ang noo ko. He stared at my face for a second. "Ang ganda naman."

Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi nya. "T-Thanks,"

"Hala, naiinggit!"

Napalingon kami kaagad ni Gin kila Eros at Suji na nasa harapan namin. Naiirita na ngayong tinitignan ni Suji si Eros. Natawa naman si Eros kay Suji. Nang ibinalik ulit ni Suji sa amin ni Gin ang tingin nya, nagulat sya.

"Hala!" nanlaki ang mga mata ni Suji. "Don't mind us! Isipin nyo nalang na isang diyosa at isang langaw lang ang meron sa harapan nyo ngayon!" siniko nya kaagad si Eros nang umepal ito sa pagtawag ng langaw ni Suji sa kanya. "Mag chukchakan na kayo! Okay lang talaga sa amin ng langaw ko."

Eros scoffed. "Ang guwapo ko namang langaw."

Nalukot ang mukha ni Suji. "Ay, clown."

Natawa nalang kami ni Gin sa kanila. They're really so messy. Kaya minsan hindi ako sigurado kung sila ba o hindi. Because, I know that Suji's not that kind of messy when she's with the man she loves.

Kumain nalang kaming apat bago nag attend na sa mga klase namin. After the classes ended, hinatid na kaagad ako ni Gin sa bahay. Our exam is approaching. Kailangan muna naming mag focus sa pag review.

"Anak," pumasok si Mama sa kuwarto ko habang may dalang isang tray na may mga platong may lamang pagkain na nakapatong rito. "Eat this while you're reviewing. It's good for the brain."

Napaangat ang tingin ko kay Mama. "Thank you, Ma." I smiled at her.

Nilagay lang ni Mama ang pagkain sa tabi ng laptop ko. Kinakain ko naman ito habang nagrereview. Si Mama naman ay binabasa na rin ang mga ibang libro ko. Papa's not home pa kasi. Bored daw si Mama.

"Anak, kamusta kayo?" napatili kaagad si Mama pagtanong sa akin nito.

I took some rest for my brain. Mamaya na muna ulit ako magrereview. "We're good po."

"Hay, naku! Napaka guwapo talaga ng jowa mo, Zari. Mana ka talaga sa akin! Magaling pumili!" natawa si Mama.

Mama and I just talked about Gin. Namumula pa ang mga pisngi ko kada tili ni Mama sa kuwento ko. I told her how Gin treated me good. I couldn't ask for more, actually. Sapat na sa akin si Gin. The way he loved me made me loves him more.

Dati, takot ako. I thought that I'll be treated badly once I fall in love. But it turns out that I was wrong about it. I judged love immediately. Fear made me jump to conclusions. I was thankful that I tried breaking the walls for Gin.

"Milo, come here!" sigaw ko, tinatawag si Milo.

He's already big right now. Hindi ko na sya makarga so I just put some leash on him. Pupunta kasi kami ni Gin sa park. We wanted to tour it with Milo. We're already on reviewing so we decided to have some date.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon