(42) The Battle

518 14 0
                                    

"Paano mo ito nagagawang sabihin? Matapos niyang gawin ang lahat ng bagay na gusto mo." Sigaw ko sa kanya. Nakatalikod siya ngayon sa akin habang hinahaplos ang buhok ni Xy. May mga machine sa tabi nito na siyang bumubuhay sa kanya. 

Agad akong nag-wala dahil sa sama ng loob. Halos masira ko na ang higaang ito dahil sa kanya. Bakit ba ayaw niyang humarap?

"Nagkakaganyan ka dahil sa isang lalaki? Kanina lang ay ayos na tayo. Nagkaintindihan na tayo. Pareho lang kayong dalawa. You are also a cheater." Wika niya sabay harap sa akin. Hingal na hingal ako dahil sa ginawa ko. Kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga matanggal yung mga tali. Bullsh*t!

"I. am. not. a. cheater." May diin sa bawat bigkas ko. Wala akong niloloko kundi ang sarili ko. 

Tumawa lang siya saka lumapit sa akin.

"Say that in front of your dead body." Natatawa niyang sabi. Pagkatapos ay sinenyasan niya ang mga doktor bago lumabas. Gumapang ang kaba ko. I'm scared. 

I'm sorry, Xy. I'm scared. Hindi pa ito ang tamang oras. Ayokong may masaktan ni-isa sa kanila sa labas. 

Nakita kong may hinahandang syringe ang isang nurse. Wala akong idea sa kung anong laman nito ngunit ayoko pa. Hindi pa ito ang tamang oras.

"Please, pakawalan nyo po ako. Para nyo nang awa." Hindi ko na mapigilang umiyak. Naghalo-halo na rin ang nararamdaman ko. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad kina Mama.

Imbis na pakinggan ako ay ipinagpatuloy nila ang ginagawa nila. I have no choice. Pinilit kong makawala sa isa sa mga tali. Kahit medyo masakit ay pinilit kong tanggalin ang tali na nasa kanang kamay ko. Iniiwasan ko ring makagawa ng ingay habang inaasikaso pa nila si Xy. 

Tagaktak ang pawis ko habang pilit na inaalis ang kanang kamay ko. Nagbunga naman ang paghihirap ko dahil na wakas ay natanggal ko iyon. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa kanila.

Pagkatapos ay maingat akong kumilos upang maigalaw ko ang kanan ko papunta sa kaliwa kong kamay. Sinikap kong matanggal ang tali nito. Mabilis ko naman itong nagawa. Agad ko na ring isinunod ang sa paanan ko habang iniiwasang makagawa ng ingay. Nang matanggal ko iyon ay labis ang saya ko.

Sinulyapan ko sila. Busy sila ngayon at mukhang hindi ako napapansin. Dahan-dahan akong bumaba sa kamang iyon at saka kinuha ang mga lubid. Maingat akong lumapit sa kanila. Tila sinapian ako ng kung anong kademonyohan. Walang anu-ano kong ipinulupot sa nurse ang lubid kasabay nito ang pagtulak ko sa doktor. 

I don't want them to die.

Ilang segundo lang din ang lumipas at nawalan sila pareho ng malay dahil sa syringe na itinurok ko sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng balakid sa akin. Dumapo ang mata ko kay Xy na nakahiga sa kama. Iba na ang kulay ng balat niya. Agad ko siyang nilapitan at saka niyakap. Kahit na malamig na ang balat niya.

"Xy..." Tangi ko lang nasabi. Biglang lumambot ang loob ko. Kukunin ni Dayn ang pusong ito para sa lalaking nasa harapan ko. Tama sila. I should die now. Hindi para sa akin ang pusong ito. Para dapat ito sa kanya dahil sya ang anak ng may-ari nito. 

Dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ang kamay nya. 

I miss you Xy. 

Nararapat mong makita ang kagandahan ng mundong ito. Ngunit hindi lahat ng nasa mundong ito ay maganda. Wala akong kasiguraduhan kung maganda ang mundong hahantungan mo pag-gising mo. Dahil ang mundong ginagalawan natin pareho, ay magulo at malungkot.

I'm sorry.

Pagkalabas ko ng kwartong iyon ay nagsimula na akong maglakad ng mabilis. Kailangan ko silang maabutan lahat. Narating ko na ang dulo ng hallway. Sa wakas ay makakalabas na rin ako. Pipihitin ko na sana ang pinto ng mabingi ako sa tunog ng alarm. Mukhang alam na nila na wala na ako dun. Paniguradong nanggagalaiti na ngayon si Miss Dayn.

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon