(23) Why's?

3.8K 117 1
                                    

I can't believe this. All this time akala ko si Icy ang kasama ko. Si Xyrus pala? Hindi ako makapaniwala. Sobrang daming trauma ang nangyare sa akin ngayon. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit kailangan niyang magtago ng pagkatao? 

"Hey Ms. Pres, okay ka lang?" Sabi nung isa sa mga kasama nila. Tiningnan ko lang ito. Hindi ko naman kilala iyon kaya hindi ko siya sinagot. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan sila. I really can't believe this.

"Mukhang okay naman sya. Let's go. Baka mahuli tayo nung mga kasama nila." Sabi ni Josh saka nauna nang tumakbo. Sumunod na kami kahit nasa state of shock parin ako. Para bang kusang kumikilos ang katawan ko habang tumatakbo kasunod nila. Bigla naman akong hinawakan sa kamay ni Xyrus pero dahil sa gulat ay hinatak ko ang kamay ko. Napatingin naman sya sakin.

Malamang na nagulat din siya sa pagbawi ng kamay ko. Bakit ba kase hindi ko napansin iyon? Una palang alam kong may pagkakahawig sila. Pero to the point na iisa sila, ibang level na iyon. Paano niya nagagawang maging magkaibang tao. Paano niya ako nalinlang ng ganito?

"I explain everything, later." Sabi nya saka ako hinila. Natahimik naman ako. Hindi ko na rin hinatak muli ang kamay ko dahil para bang nakadikit na ito sa kamay ni Icy--- Xyrus. Ayaw na rin gumalaw ng katawan ko. Para bang may sarili itong utak. Ayaw na nitong sumunod sa akin.

Namalayan ko nalang na nasa kotse na ako papunta kung saan man. Akala ko magiging masaya ang sabado ko pero hindi pala. Marami na nga akong school jobs, pati ba naman itong mga nasaksihan ko. 

Kung ganon pala, iyong Cattleya na namatay noon ay kasali sa grupo nila Icy--- Xyrus. Ibig sabihin pati rin si Dad? Hindi ako maaaring magkamali. Yung logo ay kaparehas lang ng nasa wrist ni Dad. What's going on?

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang halos mansion na bahay. Sa tingin ko ay ito ang bahay nila Miss Dayn. Ano naman kayang gagawin namin dito?

"Welcome back Ms. Dayn Allison and Sir Xyrus." Bati ng isa sa mga maid.

Pumasok na kami sa bahay nila na nakapagdagdag ng gulat sakin. NAPAKALAKI NG BAHAY nila na akala mo nasa palasyo talaga ako. May mga maid na sabay-sabay humilera at yumuko. Napataas tuloy ako ng kilay.

"Oh, nandito na pala kayo." Wika ng isang may edad na matanda. Hindi naman siya mukhang maid. Siguro ay nanay nila or lola. Wait---, what? She's familiar to me. Nakita ko na siya. Saan nga ba... oh my!!

"You?" Turo ko sa matandang babae. Napatingin siya sa akin. Tama! Siya yung sa airport dati nung sinundo ko sila Daddy. Hindi ako makapaniwala na magkikita ulit kami. Wait, don't tell me---

"Teka, hindi ba't ikay yung dalaga na nakilala ko sa airport? Kamusta kana? Magkakilala kayo ng alaga ko?" I knew it. Ibig sabihin ay si Icy--- Xyrus yung sinusundo niya noon. What a great coincidence!

"Teka, what's going on? Magkakilala kayo?" Singit ni Icy--- Xyrus. Natahimik ako bigla dahil sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi pa ako handa na makausap siya. Mas lalo lang akong naiinis dahil sa presensya niya. Sa school nga naiinis na ako, ngayon nalaman ko pa na sya si Icy. I need my Icy!

"Uhm, bakit hindi kaya muna kayo kumain? Mukhang pagod na kayo." Nakakapagod naman talaga ang mga nangyare. Napapagod na ang utak ko kaka-process sa nangyayare.

Madami ang inihandang pagkain ni Manang na akala mo ay may piging na nagaganap. Paniguradong maubusog ang lahat sa mga masasarap na pagkaing ito. Nagsipunta na rin sa kani-kanilang upuan yung mga kagrupo nila. Umupo naman sa pinaka punong upuan si Miss Dayn. Medyo nakakatakot ang aura niya kapag nasa labas ng school.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan tingnan yung dalawang hindi ko kilala pa. Yung isa yung nagtanong sakin tapos yung isa ay malamang na kasama lang din nila. Hindi ko rin maiwasang pagmasdan silang lahat. Lalo na si Icy--- Xyrus. Argh! Kailan ba ako masasanay na tawagin siyang Xyrus kahit sa mata ko ay siya si Icy? Err...

"Don't worry Kc. Ipapakilala namin sayo ang lahat. So now, all you have to do is to eat." Sabi ni Miss Dayn at kumain na. Tumango lang ako. Hindi ko maiwasang mamangha sa kakaiba niyang ngiti. Para bang palagi nalang may sinasabi ang ngiti niya. Agad akong nakaramdam ng kakaibang tibok ng puso. Pasimple ko itong hinawakan at minasahe.

Natapos na kaming lahat kumain at ngayon ay nasa sala kami para ipaliwanag ang nangyayare. Syempre may trauma pa rin ako sa nangyare kanina kaya kailangan nila ipaliwanag iyun isa-isa.

Pinakikiramdaman ko lang ang lahat na halos parang walang umiimik. Maski si Xyrus. Umakyat kase muna ni Miss Dayn para magbihis daw. Inilibot ko naman ang paningin ko sa lawak at laki ng paligid. Nakakamangha. 

"Ahm, Kc. Ito nga pala si Ivan and Alexis ." Tukoy ni Lian sa dalawa. So, Alexis pala pangalan nung magtanong sakin.

"Hi." Bati nila. Ngumiti lang ako. Sinulyapan ko naman ng tingin si Xy na ngayon ay nakatingin sakin. Umiwas naman ako ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Naiirita pa rin ako sa presensya niya. Lalo na sa ginawa niya. Malaking kasalanan iyon sa akin. Akala ko talaga magkaiba sila. Ngayon ay pakiramdam ko ay nawalan ako ng kaibigan. Pilit hinahanap ng sarili ko si Icy ngunit kahit anong gawin ko, wala na sya. Dahil ang totoo, hindi naman talaga siya nag-eexist.

Pero kahit ganon pa man, I didn't feel it. Why? Bakit pakiramdam ko magkaiba silang tao? Bakit pakiramdam ko ay totoo ang Icy na kaharap ko noon at hindi pagpapanggap lang? Argh! My braincells!!!

Maya-maya ay bumaba na rin si Miss Dayn.

"Let's start it. You can ask questions if you want." Bungad niya. Halos matunaw naman ako ng tumingin silang lahat sa akin. The heck?!

"Bakit may barilan kanina? Bakit may mga kalaban kayo kanina? Bakit sinasabi nung mga goons na nasan daw yung lider ko? Baki---" Naputol ang pagtatanong ko ng magsalita ang isa sa kanila.

"Woah! Isa-isa lang!" Reklamo nung Ivan. Sinamaan ko siya ng tingin. Questions daw. May 's' kaya malamang marami. 

"It's okay. I can answer all of that. We suppose to use a guns for self-defense. Yung mga iyun ay pinadala lang sa amin sa lugar na yun. Kaya ka nila tinatanong kung nasaan ang lider mo. Actually, we want you to know everything about us so pinapunta ka namin duon. Nagkataon na may nakarinig ng usapan tungkol don kaya nagpadala sila ng alagad nila." Nakangiting wika ni Miss Dayn. Halos hindi ako makahinga sa narinig ko. Biglang umusbong ang sandamakmak na katanungan sa isip ko. Bakit? Bakit at para saan?

"Anong pinadala? Bakit? Sino ba sila? Sino ba KAYO?" Emphasize ko ang word na 'kayo'.

"Kc, We are a gang. Its name is BDG." Lalo nanlaki ang mata ko. So, gang ang BDG. Edi kasali si Dad duon? Kase meron siyang logo na gaya nung kay Josh. Hindi ako maaaring magkamali.

"Kalaban namin yun. Malaki ring association yun kaya kinakalaban kami." This time si Xy na ang sumagot. Nanatili lang tahimik yung apat. "BDG means Black Demon Gang." Dugtong pa ni Xy. Naningkit ang mata ko. Bakit kailangan sya pa ang sumagot? At saka hindi ko naman tinatanong ang ibig sabihin ng BDG.

"Okay! Gets ko na. So, why are you disguising as Icy Perez?" Hindi nakasagot si Xy. Tumingin sya kay Miss Dayn na ngayon ay nakatitig sakin. Nakatingin naman yung apat kay Xy.

"To protect you."

***

"I'm home." Naabutan ko sina Daddy and Mommy sa sala. Kiniss ko sila at umakyat na sa kwarto ng may maalala ako.

"Narinig nyo na po ba yung BDG, dad?" Nang marinig ako ay halos naisuka nya yung iniinom nyang kape. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"S-Saan mo nalaman yan?" Sabi nito. Natawa nalang ako sa reaction nya. "Nothing." Sagot ko saka umakyat na sa room.

Pagpasok ko sa room ay nakita ko si ate na nagko-kyutiks.

"Hey, sis. How's  your day today?" Bungad niya.

"Super-duper shock!" Natawa naman si Ate.

"Oh! Really? That's why you look so tired?" Tumango lang ako.

"Okay, pahinga kana." Sabi nya. Tinungo ko na yung kama ko saka sumalampak.


*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon