(18) Knowing

3.8K 120 0
                                    

Halos isang linggo na akong President at medyo mahirap ito kaysa sa inaakala ko. Maraming traaho ang palaging itinatambak sa lamesa ko. Minsan kailangan ko pang mag-ikot para mag-ronda sa mga pasaway na estudyante. Yun nga lang, medyo hindi ko na rin nami-meet si Ariel at ate. Pati na rin si Icy. Kapag pumapasok ako ay wala siya. Minsan kase may subject na hindi na talaga ako pumapasok kase minor naman. 

Naalala ko tuloy yung last meeting namin. Humingi sya ng sorry, for what naman? Hanggang ngayon ay naguguluhan parin talaga ako sa mga sinabi niya. Hindi naman niya kasalanan na naging President ako. Hindi nya kailangang dalhin ang konsensyang iyon. Ano bang iniisip nya?

Nasa office ako ngayon at magsisimula palang ng daily routine ko. Ang mag-ikot at sumuway ng mga matitigas na ulo sa hallway. Panibagong problema nanaman ito kapag may nakita akong pasaway. 

Nagsimula na akong maglakad palabas. May ilang estudyante akong nakakasalubong at umabati sa akin. Nginingitian ko lang sila. At least nakalimutan na nila ang kahihiyang nagawa ko noon sa foundation day. 

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad ng may nakita ako sa dulo ng hallway sa fifth floor ng Building ng Arts. Napakunot ang noo ko dahil may grupo duon ng mga kalalakihan. Mukhang may inaaway sila. Hay nako! Eto na nga bang sinasabi ko. Ayoko talaga nito.

"Hoy! Aba't siraulo ito ah." Wika ng isang lalaki at saka sinuntok ang isa pang lalaki. Nakaluhod ito at nakatalikod sakin kaya di ko nakita kung sino ito. Mga bullies nanaman.

"Dahil sinumbong mo kami kay Ma'am Asuncion, mag-umpisa kanang magdasal." Wika ng isang kasama ng nanuntok kanina at saka nila sinipa yung lalaki at akmang hahampasin ng matigas na kahoy ng lumapit ako.

"What the hell are you doing here?" Kalmado kong tanong. Halata namang nagulat yung mga lalaki at napa-atras. Nakataas ang kilay ko sa kanila habang isa-isa silang pinagmamasdan. 

"Ms. President." Gulat nilang sabi. TPagkatapos ay saka sila tumakbo at naiwan kami nung bugbog saradong lalaki na nakaluhod parin. Hindi ko pa nga sila napapagalitan e. Hay nako! Hindi ko pa natatanong ang mga pangalan nila. Hindi bale, narinig ko naman ang tungkol kay Ma'am Asuncion. Sa kanya ko nalang itatanong.

Anyways, sino naman ba ito? Kawawa naman.

"Hey! Stand up." Utos ko. Saglit itong natigilan at saka dahan-dahang tumayo. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito.


ICY' POINT OF VIEW

"ICY?" gulat na sabi nito sakin. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na parang di makapaniwala sa kalagayan ko.

"Gosh! Bakit ganyan ang itsura mo. Let's go to the clinic." Aangal pa sana ako ng higitin na nya ako papuntang ground floor kung nasaan yung clinic. Wala na akong nagawa dahil kahit magpumilit ako ay malamang na hindi matatahimik ang babaeng ito. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Kahit kailan talaga, palagi nalang siyang sumusulpot kapag may ganitong pangyayare.

"Bakit nagpabugbog ka? Dapat lumaban ka. Lagi kaba nilang ginaganon? Shocks!" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Kc. Nakayuko lang ako at hindi kumikibo. Nakaramdam naman ako ng parang may kung ano sa puso ko na parang kinakabahan ako na ewan. Siguro ay dala lang ito ng sakit na nadarama ko sa mga suntok at sipa ng mga lalaking iyon. 

"Thanks, Nurse." Sabi ni Kc sa nurse na nag-asikaso sakin. Ngayon ay kami nalang ni Kc ang nandito at halos hindi nagkikibuan. Pwede na rin naman niya akong iwan dito at ituloy ang trabaho niya. 

*SILENCE*

Matagal namayani ang katahimikan sa amin ng basagin nya ito.

"Ahm! Icy, tungkol nga pala sa nakaraan nating pag-uusap, sabi mo sorry..." napaayos ako ng salamin. Inaasahan ko ng itatanong niya ito. Hindi ko inaasahan na ganito kaaga. "I just want to know why?" Sabi nya saka inayos ang mga first aid kit. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay ginagawa nya lang busy ang sarili niya.

"You don't have to worry aout that. Sasabihin ko naman sa iyo iyon kapag ayos na ang lahat." Sabi ko saka pilit na tumayo. Napatingin siya sa akin at kita kong halatang nagulat siya. Hindi na rin siya nagsalita pa kaya naman nagtangka akong maglakad. Nakaya ko naman kaya umalis na ako. 

I don't know why but I feel bad about it. Lalo na sa paraan ng pagkakasabi ko non sa kanya. Ewan ko pero siguro maaga pa naman para malaman nya yung mga ganoong bagay. Isa pa ay wala pa naman siyang gaanong nalalaman tungkol sa akin.


***

"Oh! Napaaga ang punta mo rito. Teka, anong nangyare sa mukha mo?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Sila nga ang maaga dito e. Ano naman kayang ginagawa nila dito? Tapos na ba sila mag-ikot sa buong school at makarinig ng tilian ng mga babae?

"Paniguradong nabugbog nanaman iyan. Tsk! Hindi ka ba nagsasawang masapak? Gusto mo bang masira ang gwapo mong mukha, Xy?" Wika ni Lian. Sinamaan ko siya ng tingin at saka binaba ang makapal na salaming siyang nagtatago sa tunay kong katauhan.

"Why don't you stop pretending like you are Icy?" Sabat naman ni Josh habang umiinom ng softdrink. Siningkitang ko siya. Ano bang problema ng dalawang ito? Bakit ba trip nanaman nila ako? Tsk!

"What are you try to say? Huh?" Tanong ko kay Josh. Huminto siya sa pag-inom ng softdrink at saka lumapit sa akin. Kinuwelyuhan niya ako na siyang hindi ko inaasahan. Mabilis na pumagitna sa amin si Lian. Pilit kaming inaawat. Wala naman akong balak patulan siya.

"Tol, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Past is past. Di na mababalik ang dati that's why---" Mabilis ko siyang itinulak upang lumayo sa akin. Bumitaw na rin siya sa pagkaka-kwelyo sa akin. Wala siyang karapatang sabihin ang mga bagay na iyun. Hindi ngayon.

Saglit akong tiningnan ni Josh at saka mabilis na lumaas sa aming hideout. Sinundan naman sya ni Lian. Naiwan ako mag-isa dito sa kwartong ito. Pabagsak akong umupo sa sofa. nang makita ko ang nakabukas na alak sa side table ay agad ko itong kinuha at saka ininom.

"Wala kabang kasama?" Napalingon ako sa nagsalita. Napa-irap ako ng makita kung sino ito. She's here again.

"Mukha ba?" Sarkastiko kong pagkakasabi. Napahalakhak siya at saka umupo sa tabi ko. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras na paalisin siya. Hindi rin naman siya susunod sa akin.

"Ang lalaking kagaya mo ay hindi dapat nabubulok sa kwartong ito." Sabi nito saka tumayo. Hinatak niya ako patayo. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. mabilis na gumapang ang oras at nakita ko nalang ang sarili ko sa isang convenience store. Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako dito.

"So, balita ko gumawa na ng plano si Miss Allison. Totoo ba?" Tinanguan ko siya bilang tugon. Nakatitig lang ako sa ice cream na binili nya sa akin. Seriously?

"Can I got her name?" Tanong niya.

"Para saan? Gagawin mo yung gaya ng dati? No way!" Tumayo na ako at lumabas ng store. Naramdaman ko naman na sumunod siya kaya naglakad ako papunta sa maliit na eskinita sa likod ng isang establishment. Nang marating namin iyon ay agad kong nilabas ang baril ko at pinaputukan sya. Good thing ay may silencer ang gamit ko kaya napapadali sakin ang mga bagay gaya nito.

"Sasabihin ko sa iyong hindi mo na ulit magagawa iyon." Wika ko sabay tawa sa walang buhay na katawan ni Cattleya, sa sa mga taga-sunod ni Allison.


*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon