(2) First Day of School

13.4K 271 9
                                    

"Ito sayo bibi Kc." Inabot sa akin ni Mama yung T-shirt na galing pa daw abroad. Kulay pink na may Bunnybear yung tatak. I like it! I like stuff like this. Kahit kailan talaga, never akong nadisappoint sa gift ni mama.

"Thanks Mama. Anyway, papa ano gift mo sakin?" *pout*

"Hay nako baby Kc, makakalimutan ba kita? Syempre meron ka mula kay papa mo." Tapos may kinuha syang box sa bag nya. Pa-square sya na kulay gold kaya naexcite ako. Ano nanaman kaya ito? Dati ang dinala nya sa akin ay isang branded bag na binili nya pa sa mismong store.

"Here." Sabay abot ko sa box. Pag-open ko ay medyo natuwa ako na nadismaya.

"Jewelries papa? Seryoso po kayo? E hindi naman ako nagsusuot nito eh!" Hindi naman sa nag-iinarte. Hindi talaga ako mahilig sa jewelries. Kahit anong pilit mong gawin, you will never make me wear that thing.

"Ay, oo nga pala. Sorry but you can use it sometime in your school activities. Like the Grand ball." Nginitian ko nalang si papa. At the same time, hindi ko maiwasang mapatanong. Anong gagawin ko dito? Nakatambay lang yan sa kwarto ko. Bigay ko nalang kaya to kay Ariel tutal mahilig sya sa ganitong bagay. Pero syempre tama si Papa, magagamit ko to pagdating ng panahon.

"Salamat po Papa." I said then hug him tightly. Miss ko na talaga sila ni mama. Kaya masaya talaga ako ng dumating na sila rito.

"Ang unfair. Dapat kasama kami ni Mama eh." Saka nagpout si ate KL. Si ate parang bata. Minsan napapa-isip ako kung sino ba talaga naunang ipinanganak sa amin e.

"Tara na nga. Group Hug." Sana di to matapos. Sana di mawala ang happy dito sa family namin. Masaya talaga ako. Sila lang talaga ang first love ko.

************************

Kinagabihan...

"Matulog na Kc, maaga pa bukas baka nakakalimutan mo. 4th year kana bukas." Bigla kong naalala yung ale kanina sa airport. Nakita na nya kaya yung Alaga nyang lalaki? Saan kaya iyon nag-aaral? Sana magkita ulit kami nung ale.

"Nakikinig kaba?" Nabalik ako sa reyalidad. Ay oo nga pala, 4th year na ako bukas kaya for sure may mga new friends nanaman kami ni Ariel. 

"Malalim iniisip nyan mama. Hayaan mo na, excited yan tignan mo yung pamasok nya. Boom prepared!" Nakakainis si ate. Para talagang bata. Sinimangutan ko nalang sila habang si Mama ay tawa ng tawa sa amin. Bahala sila. *pout*

"Good night sa inyo. Sleep na ako." Sambit ko at saka nagtalukbong ng kumot.

*****************************

*tiktilaok tiktilaok*

*mulat-mulat*

"Umaga na!" Ang ganda ng panaginip ko, may lalaki daw na nagkagusto sakin sa new school ko, tapos naging kami. Hihihi! Sana magkatotoo pero sabi nila kung ano ang panaginip mo syang baliktad sa totoong buhay. Hays!

"Maligo kana! 5:30 am na." Napatingin ako kay ate, may towel na sya sa buhok. Hay nako, sinong mas excited samin dalawa ha? 

"Oo na." *pout* nakakaloka talaga si ate. hmmmp >o<

~lalalallalallallala
Lalaalalalaaalaa~

Ang lamig grr, bakit malamig ang tubig? Parang ayaw ko na tuloy maligo, grrr. Eto talaga problema ng mga estudyante tuwing umaga e. Hays! Bakit ba di muna ako nag-init ng tubig? Nakakaloka!

After a couple of hour, nakalabas na ako. Ang lamig. Pagtingin ko sa table clock ko ay 5:50 am na. Ganun ba ako katagal maligo at inabot ng 20mins. Oo na, ako na matagal sa banyo.

Nagbihis na ako para makakain na. 7am pa naman start ng pasok ko eh!

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko si Papa, Mama, at ate na nag-aagahan na. Bakit naka office suit si Papa? Magtatrabaho agad sya? Kakagaling nya lang sa abroad ah? Which means sa Business trip nila. Nakasimangot nalang akong umupo.

"Why sweetheart? What's with that face?" Tiningnan ko nalang sila at kumain na.

"Kc, bakit di ka sumasagot sa ama mo?" Tiningnan ko nalang si mama at alam kong di ako mananalo sa kanya.

"Papa kase, kahapon galing kayong Business trip tapos ngayon aalis ka nanaman? Magpahinga naman po kayo!" Sabi ko saka yumuko. Napangiti naman si Papa saka hinimas ang buhok ko.

"I'm fine baby Kc." Ngumiti ako bilang tugon. Siguro naman totoo. 

Pagkatapos ng breakfast ay umalis na kami. Si papa pa ang naghatid samin ni Ate kase madadaanan naman daw nya yung school. Pagdating namin sa school ay bigla akong kinabahan. Duper, kase nakita ko yung mga studyante. Nakakakaba, yung iba nago-own ng sariling kotse, yung iba ay with their drivers. Bumaba na ako at nagkiss sa pisngi ni papa, ganun din si Ate saka umalis. Mabilis ko ng hindi mahagilap si ate, syempre may friends nayun hayss! Pumasok na ako saka naglakad-lakad. 

Same kase ng school ang college and high school. Medyo iba lang ang high school dito dahil may tinatawag pa silang middle school. Iyon yung high school na nasa around 1st year to 3rd year of high school. Ako naman ay nabibilang na sa high school talaga o yung tinatawag na senior. Nakakatuwa kapag tinatawag ka ng mga middle schooler na ito na 'senior'.

Si ate naman ay nasa 1st year college na pero dahil sa iba ang pananaw ng school na ito, parang nasa 5th year high school lang sya. 4th to 6th year ang high school o ang senior. Nagegets nyo?

"BFF!" Napalingon ako sa sumigaw na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Ariel. Best friend ko sya, at the same time, kinakapatid din.

"Ariel!" Sigaw ko rin. In front of the crowds, nagyakap kami na akala mo di nagkita nung sabado.

"Miss na kita Bff, musta? Nakauwi naba sina Ninang?" Nagnod lang ako saka nauna ng maglakad. Napansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya. 

"Nga pala bff, ano schedule mo? Tingnan mo baka mamaya malate ka." Ngumiti lang ako bilang tugon. Di naman ako madaldal eh, saming dalawa sya ang napakadaldal. Di ko alam kung kelan mauubusan to ng kwento eh. Pero, siguro iniisip nya na ang weird ko. Kase kanina ang ingay ko tapos ngayon bigla akong tatahimik. Bwahahaha!

"Bff, mauna na ako ha. Malayo pa building ko eh." Tumango nalang ako saka nauna ng umalis. Ngayon, ako nalang magisa. Mas gusto ko pang kasama yung babaeng yun kahit madaldal eh. Kesa mabingi sa katahimikn este--- kaingayan ng paligid.

Kinuha ko ang notebook ko para malaman kung saan ang classroom ko. Nasa building ng Business, Room 134. Asan naman ngayon yung building ng business? Nga pala, business yung kinuha kong course for senior. Well, we have a business.

Naglalakad ako para makahanap ng mapagtanungan ng masalubong ang medyo nerd na lalaki. Kaya lumapit ako sa kanya at nagtanong. Hindi ko rin alam kung akit sa dami-dami ay sa kanya ako lumapit. Para kase syang magnet e.

"Excuse me! Pede po ba akong magtanung?" Pero tinitigan nya lang ako na kala mo inaalam yung figure ng mukha ko. Medyo nakaramdam naman ako ng ilang dahil sa tingin niyang iyon. Siguro he feel annoyed.

"Excuse me..." Ulit ko na nagpabalik sa reyalidad nya.

"A-Ano po yun?" Tanong nya. Napakaamo nya. Parang wala rin syang friend.

"Alam mo ba kung saang room to? Saka building nato?" saka ko inabot yung notebook ko.

"O-Oo, alam ko. Yan din kase y-yung room ko." Mahina niyang sabi. Napangiti ako. Parehas kami ng room at building. Great! 


*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon