(39) Escape

3.2K 96 0
                                    

Pag-uwi ko ng bahay ay bumungad agad sa akin si Mama. Agad ako nakaramdam ng hiya. Hindi na ito gaya ng dati. Iba na ang pakiramdam ko sa bahay na ito. Wala na yung dating saya.

"Musta ang school?" Sabi nito habang pinupunasan ang shelf sa salas. Pinagmasdan ko lang si mama. Bakit ganon? Paano niya nagagawang magpanggap na para bang walang nangyare? Totoo bang kinakalimutan na nila ang nangyare sa nakaraan? Sariwa pa rin ba ang mga sugat ng kahapon? Paano kung malaman ko nalang na talikuran nila ako? Sa sinabi ni ate nung nakaraan, nasaktan ako. Paano pa kaya sa bibig ni mama at papa?

"Anong tinitingin mo dyan? Hala!, kumain kana." Saka ibinalik nya ang kanyang atensyon sa ginagawa. Normal na pag-uusap lang namin ito, noon. Nagkibit-balikat nalang ako at nagtungo na sa kusina. Sakto naman na nagtitimpla ng kape si papa.

"Hi. Long time---" sabi ni papa saka hinigop ang ginawang kape.

"I'm fine, papa." Mahina kong sabi. Habang kumukuha ako ng kobyertos ay ginamit ko na ang pagkakataon para maitanong ito sa kanya.

"Papa, anong meron sa inyong dalawa ni Divina?" Diretso kong tanong. Nagulat siya sa tinanong ko. Muntik niya pang mabitawan ang hawak na baso.

"Bakit mo natanong iyan? Paano mo nakilala si Divina?" Hindi siya makapaniwala sa nalaman ko. Huminga ako ng malalim at saka pinakalma ang sarili.

"Bakit sa BDG? Hindi ba sila ang may dahilan kung bakit ako nabaril?" Pagkasabi ko nun ay bigla syang mapatingin sakin. Hindi ko inaasahan na titingnan niya ako ng ganon.

"She's my first love." Iyon lang ang nasabi ni Papa. Hindi na ako naghanap pa ng sagot. Malinaw na sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit magkasama sila ni Divina sa video ni Xy. Ngayon alam ko na kung bakit sya ang naging donor ko.

Everybody is a cheater.

"Bakit sa kanila papa? Nung binaril ako, hindi ka manlang nagalit? All this time akala ko ikaw ang may sala kaya nila ginawa iyon. Papa, nadamay ako. Hindi ba dapat magagalit ka sa kanila? What did you do?" Halos nangiyak-ngiyak na ako sa pagtatanong. 

"Rivas is my best friend. He is the reason why I have this." Sabay pakita niya ng tattoo. Hindi na siya nagsalita pa. Napapikit nalang ako.

"Are you still in them? After all this time?" Hindi siya sumagot. Kita ko sa mata niya na naguguluhan siya. Hindi ko alam kung bakit. 

"I feel sorry for Rivas. For betraying him and having an affair with Divina. Gusto kong bumawi sa kanya ngunit mahal ko si Divina. At the same time, nagagalit ako. Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang ako?" Kita ko sa mata ni Papa ang pagod. Ganon din ang lungkot at pagsisisi sa boses niya. 

Tama si ate. Tama nanaman siya. Hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat. Napakatigas ng ulo ko. Binabalik ko nanaman ang masakit na nakaraan dahil sa paghahanap ng kasagutan. 

I can't help it. I have this desire to know the truth.

Napalingon ako sa likuran namin. Nakatayo na duon si mama at kita ko sa mata niya ang lungkot. Pagkatapos ay umiwas siya ng tingin at muling nagtungo sa sala. This is the consequence. I'm such stubborn.

Mabilis akong umakyat sa taas. Ngayon dahil sa ginagawa ko ay masisira na ang pamilya ko. Great Kc, great.

"Oh? Anyare?" Sabi ni ate. Hindi ko sya pinansin at kinuha ang backpack ko at inilagay ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?" Lumapit sa akin si ate at pinigilan ang kamay ko. Tinabig ko sya saka pinunasan ang luha ko.

Pagkatapos ko iimpake ang lahat ng gamit ko ay bumaba na ako.

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon