Ang Wakas

7.7K 141 50
                                    

"Chichi... wake up." Iyon ang unang mga salita na narinig ko. Bakit parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?

"Aalis na tayo. Maiiwan ka." Saan naman kami pupunta? Anong meron? 

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang asul na kalangitan. May pangilan-ngilang bahid ng puting ulap ang nanduon. Nanatili lamang akong nakatitig habang dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin.

"Hoy, Chichi. Bakit nakahiga ka pa rin dyan? Bumangon kana." Wika ng isang batang lalaki na bigla na lamang sumilip sa akin. Natakpan nya tuloy ang magandang kalangitan.

"Huh?"

"Hay nako! Ikaw talaga kahit kailan."

Chichi? Bakit alam nya ang palayaw na iyon? Sino ba sya? Kaano-ano ko sya? Anong ugnayan namin sa isa't-isa?

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Nakakatakot ka kaya." Sambit nya nanaman. Napansin ko lang na napakadaldal nyang bata. 

"S-Sino ka?" Sa wakas ay nasabi ko rin. Nagulat siya sa tinanong ko. Pagkatapos ay saka rin siya ngumiti. Isang napakatamis na ngiti.

"Ikaw talaga Chichi. Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ito..." lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nakaramdam ako ng pamilyar na init at kilig dahil sa ginawa ng batang ito.

"...si Xy." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi maaari. Paano siya nandito? Anong ibig sabihin nito?

"Masaya talaga ako ngayon Chichi. Hindi na ako mag-isa dito. Ang lungkot kaya dito. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtatatakbo o kaya ay umakyat ng puno. Wala akong kalaro." Medyo malungkot niyang sabi. Huminga ako ng malalim at saka siya hinawakan sa kamay. Medyo na-ilang ako dahil ang liit ng kamay niya.

"Pasensya ka na kung mag-isa ka dito."

"Iiwan mo ba ako? Aalis ka rin ba? Malulungkot ako kapag iniwan mo ako." Nakanguso niyang sabi. Hindi ko maiwasang matuwa. Gaya pa rin siya ng dati. Ang cute at makulit na si Xy.

"Hindi. Hindi ako aalis." Mabilis kong tugon sa kanya. Agad bumalik ang sigla sa mata niya. Kasabay nito ang pagtatatalon niya sa tuwa.

Umayos ako ng pagkaka-upo sa malambot na damuhan. Pinagmasdan ko siya habang tuwang-tuwa sa balitang nasagap. Hindi ko mapigilang makaramdam ng labis na kasiyahan dahil sa muli naming pagkikita. Hindi ko man alam ang dahilan kung paano ako napunta dito, ang mahalaga ay kasama ko na siya.

"Xy, I miss you." Bulalas ko. Napahinto siya sa pagtalon at tumingin sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin na akala mo ay sinusuri ako. 

"Ang tagal mo kaya. Sabi mo babalik ka. Matapos mong umalis hindi ka na ulit bumalik. Tapos ngayon ang laki mo na." Nakanguso siya habang sinasabi iyon. Natawa naman ako at hindi ko napigilang kurutin ang kanyang pisngi.

"Pasensya na, nakatulog kase ako." Iyon lamang ang nasabi ko. Mukha namang satisfied na siya sa sagot ko kaya muli siyang ngumiti.

"Tara na. Mahuhuli tayo." Wika niya. Napakunot ako ng noo. Saan naman kami pupunta? Kanina nya pa sinasabi sa akin iyon.

"Saan?"

"Duon sa maliwanag na iyon. May nakita akong matanda na duon pumunta. Sabi nya sa akin maganda raw duon."

"Bakit hindi ka sumama?"

"Kase iniintay kita. Sabi mo babalik ka e." Sagot niya. Agad ako nakaramdam ng guilty. Mukhang sinabi ko nga ang bagay na iyon sa batang ito. Huminga ako ng malalim bago tumayo.

Yumakap sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sa pagbugso ng hangin ay siya namang nagsiliparan ang mga bulalak at dahin ng mga puno. Napakagandang pagmasdan ng paligid. Napakagandang mundo naman ito.

Gayon pa man, may kung anong kirot pa rin sa puso ko. Hindi ko maintindihan kung ano ito. Hindo ko maunawaan kung saan ko nakuha ang labis na kalungkutang ito. 

"Tara na?" Tanong ko sa batang si Xy. Masaya siyang tumango sa akin at saka hinawakan ang aking kamay.

Para kaming mag-ina na nakalaya sa malupit at magulong mundo. Hawak-hawak ko lang ang kamay niya habang masayang naglalakad papunta sa kung anong liwanag iyon. 

Tama nga siya. Mukhang maganda sa loob ng liwanag na iyon. Kaya naman nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakangiti ako habang siya ay naririnig ko pang umaawit. Pamilyar din sa akin ang mga kinakanta niya. Kaya naman hindi ko maiwasang sabayan ang mga kinakanta niya.

Banayad at walang anong hadlang ang nakita namin sa daan patungo sa liwanag na iyon. 

Ilang hakbang na lamang kami mula sa liwanag na iyon ng huminto siya sa paglalakad. Dahil duon ay napahinto din ako. Nagtataka akong tiningnan ang batang si Xy na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba nalulungkot?" Napakunot ako ng noo sa kanya at saka ipinakita ang masaya kong ngiti.

"Bakit mo naman natanong iyan? Mukha ba akong malungkot?"

"Hindi ka ba nag-aalinlangan?" Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Ano ang mga sinasabi niya?

"Hindi kita maintindihan." Sambit ko. Huminga siya ng malalim at saka umiwas ng tingin. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ako nalulungkot o nag-aalinlangan. Ngunit aaminin ko na may kung anong kakaibang pakiramdam ang mayroon sa puso ko. Isang pamilyar na pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Masaya ako dahil nandito ako at kasama ko na si Xy. Alam kong naghintay siya ng matagal. Ayokong sayangin ang paghihintay niya.

Muli na siyang nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod na rin ako sa kanya habang magkahawak ang aming mga kamay. Pagdating namin sa tapat ng liwanag ay sabay kaming huminto. Nagkatinginan pa kami dahil ramdam ko ang kaba niya.

Nginitian ko lang siya upang mawala ang kaba sa puso niya. Bago ako pumasok sa liwanag na iyon ay lumingon muna ako.

Ang mga masasayang alaala kina Mama, Papa, at Ate ay kailan man hindi magbabago. 

Ang  mga lungkot na naradaman ko sa mundong iyon ay hindi ko kakalimutan.

Ang mga poot at galit na aking naramdaman ay inaalis ko na sa puso ko.

Ang mga desisyong ginawa ko ay sisiguraduhin kong aral sa akin.

Gayon pa man, may isang tao akong iiwan. 

Ang taong minsan ko ng sinabihan na huwag akong iwan. Nakakatawa lang dahil ako pa pala ang mang-iiwan sa kanya.

Hindi man kami nagkaroon ng opisyal sa mga nararamdaman namin, alam kong totoo iyon.

Hanggang sa susunod muli, Icyrile.


Ibinalik ko na sa harapan ang paningin ko. Muli kong tiningnan si Xy na ngayon ay nakangiti na. Pagkatapos non ay sabay kaming humakbang papasok sa liwanag na iyon.


Wakas.


                

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon