(36) The Party

3.2K 94 1
                                    

Linggo Araw na ng party ng BDG. Napag-isipan kong pumunta pa rin kahit alam ko ang kapahamakang naka-atang sa akin. I guess I'm just a dumb girl.

"Tara na." Sabay hila sa akin ni Ariel. Pagkakataon ko na ito para malaman kung sino talaga si Xyrus.

"Oo teka lang." Sagot ko kay Ariel saka pumasok na sa loob ng Mansion nila. Sinalubong naman ako ni Manang Lorie na may malapad na ngiti.

"Mabuti at nakapunta kayo. Hala, pumasok na kayo para makakain na kayo." Sabi sa amin ni manang. Ngumiti kami parehas at pumasok na sa loob.

Nakita ko naman ang grupo nila Lian kasama ang iba pang BDG. Agad akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Kakaibang pagdabog ng puso ko na gustong kumawala sa akin.

"Hi Miss President." Bati ng isa sa BDG's na sa pagkakatanda ko ay si Alexis.

"Hello." Si Ariel na ang nagreply. Nginitian naman sya ni Alexis at umalis na.

Pinagmasdan ko ang paligid. Masaya ang lahat at akala mo walang problema na darating. Agad namataan ng aking mata ang lalaking bumababa sa hangdan. Si Xyrus Hartford. Pero dapat ko ba siyang tawagin sa ganoong pangalan kahit alam kong hindi siya ang totoong Xyrus Hartford?

Kasama nya si Dayn Allison na nakaformal dress. Lumapit ako sa kanila at kinamayan sila.

"Thank you for coming. Kumain ka lang ng marami, okay?" Sabi ni Miss Dayn. Nginitian ko sila at tumango. Umalis narin si Miss Dayn at kami nalang ni Xy ang magkaharap. Hindi mapagkakaila na ang gwapo ng dating nya. Bagay na bagay sa kanya yung suot nya ngayon na Formal Attire. Hindi ko makita sa kanya ang Xy na kababata ko. He's totally a different person.

"Hey! Baka tumulo laway mo nyan." Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ako katulad ng ibang babae na nakilala nya.

Nagpunta na kami ni Xy sa lamesa at iginuide nya ako sa upuan. Nagpasalamat naman ako at nanahimik. Nasa harap ko sina Lian at Josh na gwapong-gwapo sa mga suot nila. Well, gwapo naman talaga nila sa suot nila.

Ilang oras lang ay namatay na ang mga ilaw at tanging sa stage lang ang may ilaw. Lumabas nun si Miss Dayn na may hawak na microphone.

"Ladies and Gentlemen. Thank you for coming. We are now remembering the creation of this gang in the name of my father, the founder of this gang. Mr. Rivas Hartford. The Black Demon. I know na marami ang nawala sa atin na mga pinakamamahal nating miyembro pero natutuwa ako dahil nasa atin na ang alas..." sabay tingin ni Miss Dayn sa akin. Seryoso akong nakatingin sa kanya at walang bahid ng anumang emosyon. Naramdaman ko naman ang pasimpleng paghawak ni Xyrus sa kamay ko at saka iyon pinisil. 

"Well, sana mag-enjoy kayo sa gabing ito. Welcome sa mga bago." sabay tingin nya kay Ariel. Ngumiti lang si Ariel kay Miss Dayn. Ibig sabihin ay kasali na dito si Ariel? Kaya ba siya hindi manlang nagulat sa mga narinig nya sa conversation namin noon?

"...and also welcome Ms. Rivera." Sabi ni Miss Dayn. Narinig ko naman ang palakpakan nilang lahat. Ngumiti din ako sa kanila at nanahimik na. Hindi pa rin inaalis ni Xyrus ang kamay niya sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko inaalis ang kamay niya. 

Nagsimula na ang tugtugan at sayawan. May nag-iinuman na din kaya masasabi mong nagsimula na ang party.

Hindi ko na rin nahanap pa sina Ariel at paniguradong nakihalubilo sya sa mga taong ito. Bakit ganun? Ang sabi nya gusto nya sila makilala. Kaya ba iba na sya ngayon? Naglilihim ba sya sakin? May alam na kaya sya sa pagkatao ko?

Sa kakaisip ko ng dahilan ay napansin ko ang isang anino ng lalaki sa second floor. Dahil madilim ang part na iyun, malabong may makakita sa lalaking kanina pa nagmamatyag sa amin. Kahit madilim ay alam kong nakatingin ang lalaking iyon sa akin. Biglang umalis ang lalaking nakasilip lang kanina kaya may kung anong bagay ang tumakbo sa isip ko. Kuryosidad.

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon