(40) Finding Kc

3.5K 91 0
                                    

Tatlong buwan nalang ay bakasyon na. Isang buwan narin ang nakalipas ng gumulo ang utak ko. Nakahanap na rin ako ng apartment na hindi alam ng kahit sino kung nasaan ako. Nag-christmas ako at nag new year mag-isa. Wala naman akong pake tutal hindi ko na kaya na kasama sila. Silang lahat. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. Nag-iba na rin ako ng number para walang makahanap sa akin.

"Hello?"

"Who's this?"

"It's me, Camilla. Ano, okay na ba yung mga papel na pinasa ko?"

"Opo Ma'am. Pwede na daw kayo magsimula as soon as possible." Napangiti ako.

"Thank you." Saka ko na binaba. May trabaho na ako. Kaya ko pa naman tutal 3 months nalang at ga-graduate na ako. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang namumoblema ako sa sarili ko.

Agad na akong nag-ayos ng sarili ko at umalis. Gusto kong ngayon na magsimula para may pera na agad ako. Duon parin naman ako nag-aaral sa eskwelahan nila Xy--- Icy. Pero magkaiba na kami ng schedule.

Pagpasok ko sa bago kong trabaho ay nagsimula na ako. Sa isang kilalang cafe ako nag-apply. Mas enjoy kong magtrabaho dito tutal mahilig naman ako sa mga smoothies. Hindi rin gaanong mabigat ang trabaho dito.

"So, your Camilla? Well, nice to meet you. This will gonna be your uniform since you'll start here. You know the rules and regulations, right? Just follow it." Sabi ng manager. Tumango ako saka nagbihis na. Marami din palang nagpupunta dito. Maganda ito dahil kapag daw maganda ang performance, tataas ang sweldo.

Tanghali na at tapos na ang shift ko. Pwede na daw ako umuwi. Well, hindi naman ako uuwi. Didiretso na ako sa school. Afternoon shift kase ang pinili ko para sa schedule ko. So, hindi na kami classmates ni Icy. Hindi na rin kami nagkikita ni ate at Ariel dahil morning shift sila  at saka wala din akong planong makita sila muli. Gusto ko munang maging independent.

Pagpasok ko ay maingay sila. Naalala ko dati nung hindi pa magulo ang mundo ko. Nadadatnan namin dati ni Icy ang klase na magulo. Natatawa nalang ako sa reaction nya palagi.

Imbis na mabulok sa pwesto ko ay umupo na ako sa upuan ko. Naramdaman ko naman na may bumato sa akin. Hindi ko sila pinansin. Ganito rin dati nung una naming meet ni Xyrus. May bumato rin sa akin at sinabing inaagaw ko daw ang idol nila. Hay nako! Kung alam lang nila.

"Miss, sorry. Ikaw kase Denver eh."

"Anong ako? Ikaw ang bumato ulol."

Hindi ko na sila pinansin at tumingin sa labas. Pinulot na ng bumato sa akin yung papel sa harap ko. Pagkakuha nya ay tiningnan nya ako.

"Ex President?" nilingon ko sya. Teka, familiar ito sa akin.

"You still remember me? I'm Ivan yung sa..." medyo lumapit sya saka bumulong. "...Black Demon..." pagkarinig ko nun ay pinanlakihan ko sya ng mata. No way!

"Kaklase pala kita. Alam mo bang hinahanap ka ni leader palagi. Ipinahanap ka pa nga sa amin. Saan ka na ba nakatira?" Tinitigan ko lang sya. Paano kapag sinabi nya kina Xy kung nasaan ako? Bakit ba nakita ko pa ang isa sa kanila?

"Don't you dare to tell him that you see me. Understand?" Malamig kong pakakasabi ko. Tinitigan nya muna ako saka nagwika.

"O sige." Sabi nya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Madali lang pala sya kausap.

"Punta na ako dun." Sabi nya. Tumango nalang ako. Siguro kailangan kong magchange ulit ng schedule.

***

Alas-sais nang gabi nang makauwi ako. May ginawa kase kami sa school. Project daw. Alam nyo na, malapit na kase ako gumraduate.

Nagpunta ako sa kusina para magluto ng instant noodles. Yung mga easy cooks lang ang niluluto ko. Tutal busy ako sa school and work.

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon