(3) A sudden company with the famous

10.2K 255 1
                                    

After ng class ay nauna ng lumabas ang mga kaklase namin. Ilang minuto ang ay kami na lang ni Icy ang naiwan dito. Medyo awkward nga lang ang atmosphere kase kami lang.

Napag-alaman kong Icy Perez pala ang name nya. Magkaklase pala kami kaya naman kinuha ko na ang pangalan nya. Hindi naman siya mahirap pakisamahan kase tahimik sya at parang one question, one answer lang syang tao.

"Ano next subject?" Nanatili parin syang nakayuko. Bakit ba to nakayuko? Kanina pa sya nakayuko.

"History." Nakayuko parin nyang sabi. Bakit ba ayaw nyang humarap? Di naman sya panget. Kase kanina nung tinanong ko sya may itsura naman sya.

"Ahh ganun ba?" Iyon na lamang ang naisagot ko sa kanya. Wala na rin naman akong masasabi. Baka mamaya ay gilitan na niya ako sa leeg dahil sa pangungulit ko.

"Sige mauna na ako." Napatingin ako sa kanya ng makita nyang tumayo at mabilis na naglakad papunta sa pinto.  Ang daya naman. Bakit nauna sya? Sabay dapat kami, kase magkaklase kami. Wala ba syang sense na ganon? Siguro nya naiirita na sya sa presensya ko.

Lumabas na rin ako dahil ayaw kong mabulok sa room na yun. Pagkalabas ko, may naalala nanaman ako. Di ko alam kung saan yung next room. Paano iniwan ako ni Icy eh! Nakakainis.

Bat ba kase iba-iba ang room? 

Naglakad-lakad ako. Chineck ko na din kung anong oras next subject ko. I have 30mins Vacant before my next subject. Kaya may time pa para hanapin yun next room ko. Sa kakalakad ko, napansin ko nalang na nasa soccer field na pala ako. Cool, kahit papaano malaki itong school. Pero teka, saan nga pala pumunta si Icy? 

Luminga-linga ako sakaling makita ko si Icy pero wala.

Tumingin ako sa wristwatch ko para makita ang oras, 25mins to go.

"Omo, Si Xyrus!"

"Shit! He's so goddamn hot!"

"I'm so speechless!"

Sino naman yung sinisigawan nila? Di ako tsismosa pero curious lang. Nakita kong nahawi yung crowd sa gitna at niluwa non ang tatlong naga-gwapuhang nilalang. Siguro yung Xyrus na sinasabi nila ay yung nasa gitna. Palagi namang ganon e.

"Lian be Mine!"

"Josh I love you!"

"Kyaaaa~"

Sino kaya sa dalawa yung Lian at Josh? Nakakaintriga.

"Excuse me!" Napalingon ako sa likuran ko. May limang babae na nakamake up ang tumambad sakin. Wait, anong meron? Saka bakit may clowns dito?

"B-Bakit po?" Hindi ko maiwasang manginig. Nakakatawa dahil ramdam sa boses ko iyon. Mukhang nangangamoy away ah!

"Get out on our Way." Sabi nya habang nakataas ang kilay. Gumilid naman ako para di na humaba. Nakarinig naman ako ng bulungan. Pero di ko nalang yun pinansin. Ayoko talaga sa mga away. Hangga't maaari ay umiiwas ako.

"Babe!" Sigaw nung babae sa Xyrus ba yun?

"Wait babe!" Pero imbis na sagutin ay di sya pinansin, instead lumapit yung tatlo sakin. As in sakin, Uh-Oh. Wait, what?!

"Sorry po, wala po akong kasalanan. Nagtatanung lang po ako. Di ko po inaway Gf nyo saka---"

"Let's go." Nagulat ako. Bigla ba naman akong higitin? Pero eto pa. Sinabi nya daw na Let's Go? Aba? Malelate na ako sa next subject ko.

"Ahh Sir, kase yung next subject ko 15mins lang eh! Malalate ako lagut ako!" *pout*

Pero imbis na huminto at ako'y kausapin ay nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Yung dalawang guy naman ay nasa likuran lang namin.

Nakarating kami sa room 209 which means my next class. Teka? Pano nya nalaman?

"Wait? Pano nyo po nalaman?"

"Nalaman ko lang." Bored nyang sagot. Pero pansin ko, di sya tumitingin sakin. As in iniingatan nyang magkaroon kami ng eye contact. Bakit? Di naman sya panget. Tama lang.

"O-Okay, sabi mo!" Pagkasabi ko ay umalis na sila. Nagwink pa nga yung isang guy na medyo chinito eh.

"Gosh! Kaano-ano sya ni Xyrus?"

"Oo nga eh! Newbie palang sya pero grabe na sya kay Xyrus."

"Ang landi nya naman!"

Nakakarindi naman yung mga bulungan na yan. Ugh! Pasalamat sila, may phobia ako sa away kung di, nasapak ko na sila. 

Sino ba kase yung tatlong iyon? Sikat ba dito iyon? Jusko, malamang Kc.

"Okay class, Lets start." Nagulat ako ng marinig ang titser namin. Bigla ba namang pumasok. Ganito ba talaga kapag nasa higher level kana? 

Nagsimula na ring magturo ang titser. Salita lang siya ng salita hanggang sa di ko na naintindihan yung mga sinabi ni Ma'am. Paano ba naman, binabato nila ako ng crumple paper. Kasura!

Pinulot ko yung isa at ang nakalagay...

HOY NEWBIE! BAGO KA PALANG PERO NILALANDI MO NA SI XYRUS NAMIN?

Tiningnan ko yung may gawa. Nakatingin sila sa akin na akala mo kakainin ako. Kaya sa inis ko, yumuko nalang ako. Grabe, di ako makapaniwala sa lakas na taglay ng fanbase ng kung sino mang Xyrus na iyon. 

Mabilis na natapos ang klase. Pag-ring ng bell ay mabilis akong naglakad palabas. Baka kapag natira ako dito ay hindi na talaga ako tuluyang makalabas ng buhay. Kailangan kong makausap si Ariel. Mababaliw ako. Sya lang ang tagapagtanggol ko.

Papunta na ako sa canteen upang hanapin si Ariel ng biglang may humatak sakin at hinila ako sa sulok. Pagtingin ko kung sino ang may sala, bumungad sa akin ang isang sikat na nilalang.

"Xyrus?" Nanalaki yung mata ko. Grabe di ako makapaniwala. Anong ginagawa nya rito? Bakit nya ako hinatak dito? Mamaya makita nanaman kami ng mga fans nya. Nako!

"Saan ka pupunta?" Ano bang pake nya? Bakit nya ako bigla-biglang tinatanong. Wait--- we're not even friends. What's wrong with him? Saka saan ba dapat pupunta yung mga student pag lunch time? Diba sa Canteen? 

"Dito sa canteen." Sagot ko. Nagnod lang sya saka hinatak ako. Ulit...

"Tara." Saka nagpunta kami sa Canteen. Bakit ang hilig nyang manghatak? Nature nya ba iyon? Feeling close? Hays! Mamaya ko na ngalang kakausapin si Ariel.

*****************************

Canteen...

"Ang sarap!" Hindi ko napigilang masambit iyon. Ngayon ko lang narealize na masarap pala kumain dito. Para syang mcdo na jollibee. Ang yaman talaga ng school na ito.

"You like it?" Nagnod lang ako. Busog ako kaya di ko sya masasagot.

"Kumain kapa , oh!" Saka naglagay pa sya ng chicken sa plate ko. Seryoso ba sya?

"Ayaw ko na." Reklamo ko. I don't care kung anong rason nya at feeling close sya, basta nabuusog ako ay ayos na. Tinaasan nya lang ako ng kilay. Di ko na sya sinagot. Teka? Familiar yung mata nya. Saan ko nga ba nakita?

"Why?" Tanong niya sa akin. Mas lalo ko lang siyang tinitigan sa mata na dahilan kaya agad din siyang umiwas ng tingin.

"Familiar yung mata mo." Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Gayon pa man ay gumagawa sya ng paraan para mas lalo akong hindi ma-intriga.

"Kumain kana lang dyan." Sambit niya at saka binuhos ang mga manok sa plato ko. 


*Swip for more chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon