(26) Newfound... Love?

3.6K 106 1
                                    

Natapos ang klase ng wala namang gaanong nangyare. Nagtuturo lang ang teacher namin sa harap habang ang iba ay may kung anu-anong ginagawa. Hindi rin naman ako gaanong nakapag-focus dahil kay Icy--- Xyrus. Nararamdaman ko kase siya sa tabi ko na panay ang tingin sa akin. Naiilang ako.

Inaayos ko na ang mga gamit ko habang isa-isang lumalabas ang mga kaklase ko. Ayokong magpahuli dito. Ayokong maiwan dito kasama si Xyrus.

Pagtayo ko ay bigla akong nagulat ng hawakan niya ang kamay ko at saka ko hinila paupo. Sa sobrang gulat ko ay hindi kaagad ako nakagalaw. What the heck!

"Look, I'm sorry." Sabi nito. Tiningnan ko siya. Hindi ba siya nahihiya? May mga estudyante pa dito. Bakit ba bigla-bigla nalang siyang nanghahatak ng walang dahilan? 

"Okay, Excuse me.'' Wika ko at saka nagtangkang tumayo. Pero nagulat ako ng harangan niya ang arm chair ko.

"Let's talk." Wika niya. Napakunot ako ng noo.

"Nag-uusap na tayo." Mabilis kong tugon. Natahimik siya. Malamang na narealize niya nag-uusap na kami at walang saysay ang salita niyang 'Let's talk'. Dahil duon ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Mabilis kong inalis ang kamay niya at saka tumayo. Patakbong umalis sa lugar na iyon.

***

P.E CLASS.

Tahimik akong nakatayo habang pinagmasdan ang mga kaklase ko. Grabe! Hindi ako makapaniwala na nag-eexist pa ang subject na ito sa business management. What's the purpose?

Mula sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Icy--- Xyrus na nakapila sa boys. Well, kakLase ko parin sya dito kaya no choice. Naalala kong kaklase ko nga pala siya sa lahat ng suject. Minsan napapa-isip ako. Hindi ba siya nahihirapan? Dala-dalawa ang course na kinukuha niya. Isang Engineering at isang Business Management. 

Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa kanya. Nagulat ako ng mahuli nya ang pagtingin ko sa kanya. Nagtama ang mga mata namin dahilan para saglit akong mataranta. 

"Before we start our activity, I announce that we have a Grand Ball this coming Saturday." Wika ng P.E. teacher namin. Natahimik saglit ang lahat sabay hiyaw. Well, ito naman talaga gusto ng mga estudyante. Makakasayaw nila ang kanilang crush. Makakapag ayos sila ng favorite nilang gowns. Ito na rin ang time para sa mga girls na magpaganda ng bongga.

Sorang ingay na ng mga kaklase ko. Hindi ko maiwasang matawa. Saglit akong sumulyap kay Icy ngunit it's a wrong move. Nakita kong nakatingin din siya sa akin. Muli nanaman akong nagulat at mabilis na umiwas ng tingin at nagpanggap na napunta lang sa kanya ang paningin ko. Bakit ka ba tingin ng tingin sa kanya Kc? What's wrong with you?

***

"Nabalitaan mo ba yung gaganaping Grand Ball?" Masayang tanong ni ate habang nasa hapag kainan kami. I look at her with my annoyed face. Of course, I am the President. Nasa table ko na iyon bago pa i-announce.

"Oh, really? May Grand Ball kayo?" Saad din ni Mommy. Napansin ko naman na tahimik lang si daddy kaya nagsalita rin ako.

"Susuotin ko nga pala yung gift mo sakin, Dad." Sabi ko kay Papa. Ngumiti siya sakin. akit ang tahimik nya ata?

"Okay! I'm sure ikaw ang pinaka maganda doon." Nakangiting sabi ni papa. Kinantsawan naman ako nila mama at ate pero napunta lang ang atensyon ko kay daddy. Ano kayang iniisip nya? Ang tahimik nya lately. 

Napunta ang tingin ko sa pulso nya na may tatoo. Andon pa rin yun at nakalagay ang BDG. Kasama kaya sya sa grupo nila Xy? Anong position nya dun? Hindi naman pwedeng coincidence iyon. Wala akong nababalitaan na may ganitong group. 

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon