(11) Hug

4.9K 155 1
                                    

Hindi ko napansin ang oras. Pareho kaming tahimik habang siya ay patuloy lang sya sa pagswing sa duyan. Hindi ba sya napapagod? Sya naman kaya ang pa-upuin ko. Baka mamaya ay na ngangawin na sya, nahihiya lang siyang magsabi. Gayon pa man, dahil sa ginagawa niya ngayon ay para bang nakalimutan ko bigla lahat ng problema ko ng ilang sandali lang. Nakalimutan ko ang kahihiyan na ginawa ko kanina.

Huminga ako ng malalim at saka lumingon sa kanya. Napatingin din siya sa akin ng makita niya ako. Tila nagtanong ang kanyang mata sa akin.

"Icy, alam mo, Ilang months and weeks na tayong magkasama pero di pa kita kilala masyado." Panimula ko. Natigilan siya. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkagulat niya pero naku-curious talaga ako kung sino sya. All I know about him is his name.

"Tell me something about yourself." Dagdag ko. Nanatiling nakatingin sa akin si Icy. Wala akong idea sa tumatakbo sa utak niya ngayon. Masyado bang confidential ang pagkatao nya? Nakikita ko kase iyon sa mga mata nya. Di ko alam kung bakit bigla ko nasabi yun kay Icy. Ang alam ko lang hindi ko siya kilala.

"Tungkol sakin?" Napatitig ako sa kanya sa unang salita na sinabi niya. Nanatili akong nag-intay sa sasabihin niya. Saglit siyang natigilan at umakto na para ang nag-iisip. Siguro mali yung tanong ko. Nakakahiya tuloy sa kanya. Baka mamaya ay iniisip niya na pinipilit ko siya.

Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay pinahinto ko ang pag-swing niya sa pamamagitan ng aking paa. Tumayo ako at humarap sa kanya. Sinenyasan ko siya na ma-upo sa duyan. Nuong una ay umaayaw siyang ngunit hinatak ko siya pa-upo. Feeling ko masyado akong rude.

Nagsimula akong i-duyan sya.

"Don't pressure yourself Icy. It's okay kung di mo masagot yung tanong ko hindi naman na kita pipilitin----"

"I don't have parents since I was a child. They left me." Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi siya masyadong nagku-kwento. Mula sa kinatatayuan ay ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses ni Icy. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil nagtanong pa ako sa kanya. 

"I'm sorry." Malungkot na tugon ko. Natahimik na siya habang ako naman ay patuloy na nagduduyan sa kanya. 

Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Tahimik din ang paligid namin bukod sa naririnig naming ingay mula sa school namin na medyo malapit lang dito. For sure, masaya talaga duon. Paniguradong nag-eenjoy ngayon sina Ariel at ate. Pero ayos na ito, at least hindi ko makikita si Xyrus ngayon. 

Tahimik lang din ngayon si Icy. Ano kayang pumapasok sa isipan niya? Ano kayang iniisip niya ngayon? Minsan talaga hindi ko maiwasang ma-curious kung ano ba ang iniisip g isang tao sa ganito katahimik na lugar.

"About you?" tanong nya sakin. Halos mapatalon ako ng bigla siyang magsalita. Kanina lang ay iniisip ko sya. Nakakagulat naman to. Bigla-biglang nagsasalita.

"Tungkol sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong tumango siya sabay tingin sa akin. Napa-lipbite ako saka nag-isip ng sasabihin.

"Bunso ako sa aming magkakapatid. Actually, 1 year lang ang gap namin ni Kl. Minsan ate tawag ko sa kanya." Bungad ko. Tahimik na nakikinig sa akin si Icy. Muli kong ipinagpatuloy ang pagsasalita ko.

"Syempre may part na malungkot ang buhay ko. Lagi kaseng nasa Bussiness trip sina Mommy. Once a month lang namin sila nakakasama. Minsan pa nga umaabot ng halos ilang months bago namin makita. Buti nga ngayon tumagal sila sa bahay." Wika ko. Tumango lang sya saka inihinto ang pagduyan ko gamit ang paa niya. Nagulat ako ng humarap siya sa akin at saka inilahad ang kamay nya. Inabot ko naman yun at nagsimula kaming maglakad.

"I have a brother also, kaso..." Napahinto sya. Tiningnan ko siya ng mapahinto siya.

"Kaso?" 

"W-Wala." sagot nya saka ngumiti. Napakunot ako dahil parang ayaw niya i-kwento ang part na iyo. Gayon pa man, hindi ko na siya pinilit pa na magsalita. Nakakatuwa lang na malaman na may kapatid pala to. Minsan nga pumunta ako sa bahay nila. Hihihi!

"Saan ka nakatira?" Tanong ko. Kumunot lang ang noo nya saka kasabay ng "Bakit?" Napangiti ako dahil sa iniisip ko. Wala naman sigurong masama. Magkaibigan naman kaming dalawa e.

"Gusto kong pumunta sa bahay nyo." Masaya kong tugon. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha nya. Bakit? may masama ba akong sinabi? 

"Sa bahay talaga?" Tanong nya. Ayaw nya ata akong papuntahin sa kanila. Pero hindi pwede. 

"Bakit ayaw mo? Damot mo naman. Wag kang mag-alala, papupuntahin din naman kita sa amin eh." Sambit ko. Diniinan ko pa ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Sige." Napalingon ako sa sagot nya. Seryoso ba sya?

"Totoo?" Saka ako napayakap sa kanya. 


Icy's POV

Natigilan ako ng bigla niya akong yakapin. Halos hindi ako nakagalaw. Hindi ko inaasahan na bigla niya akong yayakapin. Mabuti nalang at walang tao sa paligid.

"K-Kc" Wika ko. Pero nakayakap lang sya sakin. Medyo napaisip ako. Mukhang masaya talaga siya. Saka, seryoso ba syang pupunta sya sa amin? I mean, this is my first time to bring a girl In my house.

"Ay, Sorry." sabi nya sabay ayos ng sarili. Napa-iwas pa siya ng tingin na tila nahiya sa nangyare. Agad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Bakit di ko to agad napansin? May itsura din sya. Maputi saka--

"Hey, Icy? Sabi ko kelan kako?" Sh*t. 

"Sa s-sabado." Tumango siya sa akin saka ngumiti. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Talaga?"

"Yup. Sunduin kita dito." 

************************************

"Oh! Hijo, anong nangyari at may bumabagabag sayo?" Sabi ni Manang Lorie. Sya ang nanny ko na nag-alaga sa akin since birth. Bale, sya ang tinitingala ko bilang magulang.

"Wala lang po. Kase..." Bigla kong naalala yung kanina. Yung yakap ni KC. Bakit ganun? Di yun maalis sa isip ko? Simpleng hug lang naman yun. A Friendly hug.

"Naku! Kabataan nga naman." Napalingon ako kay Manang. Anong point nya? Ni-hindi nga nya alam yung--- teka, baka mamaya iba nanaman iniisip nito.

"Manang pupunta rito sa sabado yung kaibigan ko."

"Ilan?" 

"Isa lang sya."

"Babae?" Tumango lang ako.

"Hay salamat naman at magdadala nang babae ang binata ko. Naku!" Anaknang? Seryoso ba sya?

"Manang?"

"Sorry." Sabay peace sign. Natawa nalang ako. Ganito kaming dalawa. 

Umupo ako sa sofa saka tumingala sa kisame. Bigla nanamang nagsink-in sa akin yung hug na yun. Arrgghh.. Nakakainis!

*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon