(8) Trouble

6.3K 178 2
                                    

Isang Buwan na ang nakalipas at ganun parin ang routine ng buhay ko. May bago, may nakakalungkot, at minsan syempre masaya. Pero pagdating sa academic, ganon parin talaga. Walang bago. Araw-araw nakakaboring.

"SISTER! Malapit na this." Sabay takip nya ng papel sa muka ko. Bakit ba ito sigaw ng sigaw? Palagi nalang.

"Baka makita ko?" Wika ko. Sa mukha ko ba naman idikit yung papel na iyon. Ang babaeng ito talaga.

"Eh? Sorry. Look." Siningkitan ko siya ng mata at saka tiningnan ang papel na ipinakita nya sa akin. Ano nanaman ba ito? Bakit mukhang masayang-masaya ang gagang ito?

"The Hartford State University is having a Foundation week this coming Thursday. We suggest that everyone come to that celebration. Thank you!" 

Hmm? May foundation day pala rito? Last year kase wala. Meron na ngayun. Anong klaseng foundation week celebration naman kaya ito ngayon. 

"Sobrang nakaka-excite. Tara Kc, punta tayo." Nag-puppy eyes pa sya habang nakatingin sa akin. Mukha syang asong galis.

"Pag-iisipan ko. Alam mo naman na wala akong hilig sa ganyang mga lakad. Wala akong gagawin dyan." Totoo naman. KJ talaga ako sa mga ganyan na okasyon. Hindi naman sa nag-iinarte pero, I'm swear di mo ako mapipilid dito.

"Luh? Hindi ka pupunta?" Napatingin naman ako kay Ariel na mukhang nakasagap ng masamang balita.

"Yes yes Ariel. Ewan ko dyan. Napaka-KJ." Wika ni ate habang sinasamaan ako ng tingin. Hay nako. Kahit kailan talaga.

"Tsk! Ano naman kaseng gagawin ko dyan?" Wika ko. Nakita kong medyo nagningning ang mata nilang dalawa dahil sa sinabi ko.

"Malamang magpapakasaya." Napaface palm nalang ako. Akala ko naman something important ang sasabihin nya. Napa-iling nalang ako. Muli nanaman silang nagkwentuhan tungkol sa pinapangarap nilang mangyare sa 'precious' foundation week nila. Hindi ko naman sila masyadong pinapakinggan. Wala rin naman akong paki-alam e. 

"Sana pumunta si Xyrus." Bulalas ni Ariel. Napatingin ako sa kanya. Kung sabagay crush nya pala yun. Pero kung ako sa kanya, huwag na nyang pangarapin kasama ang airconditioning human na iyon. Baka tangayin lang siya ng masamang hangin.

"Sana si Icy din." Bulalas ko. Nang marealize ko kung anong nasabi ko ay saka ako tumingin sa kanila. Nakita kong nakatingin sila sa akin at mukhang hindi inasahan ang sinabi ko.

"Alam mo, tama ka nga. Gwapo yung Icy na sinasabi mo. Medyo hawig din sila ni Xyrus sa mata." Natigilan ako at natahimik. Gwapo naman talaga si Icy. Palagi lang nakasalamin kaya hindi kita. 

"O sya, tama na nga yan. Matutulog na ako. Matulog na rin kayo." Pamamaalam ko sa dalawa. dito kase matutulog sa amin si Ariel. You know, sleepover thingy.

*****************************

"Asdfhgjkl..." Sigawan sa classroom. Wala kase teacher namin kaya para silang nasa palengke. Syempre good girl ako kaya di ako maingay. Nilabas ko nalang yung cellphone ko at nagsoundtrip ng sarili. Di pa man gumagana yung tugtog ay nakarinig ako ng malalakas na tilian mula sa labas. Mukhang nararamdaman ko na ang presensya ng bagyo.

"Oh myghadd, Bakit ang gwapo nilang tatlo?"

"Oo nga eh. Lalo na si Xyrus."

"Lian is mine."

"Sayo na, Si Josh naman yung akin."

Sabi ko na nga ba e. Bakit ba nagugulat pa ako> Kapag may tiliang nagaganap, asahan nang silang tatlo iyon. Aber, ano naman ginagawa ng mga iyon dito? Manggugulo?

"Sino dito ang kasali sa Drama club?" Tanong na malakas ni Lian. Nasa gilid lang si Xyrus at parang tangang nakayuko. 

"Me!" Sigaw nang mga grupo ng kababaihan sa gilid ko. Napapikit nalang ako. Bakit ba hindi ko nalang patugtugin ang kanta? Gayon pa man, kahit nakasuot ang earphone ko ay hindi ko parin nagawang patugtugin ang kanya. Naku-curious ako sa mangyayare.

"Okay. I'l check it." May listahan pala sya, bakit nagtatanong pa? Kahit minsan talaga may pagka-bobo to. Isa-isa nyang binasa yung mga nakasulat duon. Lahat ng mata ay nasa kanila. 

"Kinchi Camilla Rivera?" Napakunot ang noo ko. Wait, don't tell me--- 

"Me?" Wala akong maalala na sumali ako sa club na iyan.

"Yes." Tinanggal ko ang earphone ko saka tumayo. Muli ko siyang tiningnan ng may pagtataka. Ramdam ko na rin ang matatalim na tingin ng mga fans nila. Wala talaga akong maalalang sumali ako dito.

"All members, we have a meeting in room 408. Okay?" Nagtilian muli sila (yung malalantod kong katabi). Wala akong nagawa. The typhoon turns into a disaster itself. Di naman talaga ako kasali eh. Padabog akong naglakad palabas at nagpunta sa library.

Pagdating ko duon ay nakita ko si Icy. Nilapitan ko agad sya. Ang swerte. Teka, bakit andito sya?

"Hi!" Napatingin siya sa akin at saka ngumiti.

"Hello." Maikli niyang sagot. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan niya saka ngumiti sa kanya.

"Punta ka foundation day?" Mabilis siyang tumango. Nanahimik nalang ako. Mukha kase syang busy. Isa pa ay wala rin naman kaming magandang pag-uusapan. Nagpunta lang naman talaga ako dito para maka-iwas sa nangyare kanina. Argh! 

After a minutes may lumapit na grupo sa pwesto namin. Napatingin ako sa kanila. Mukha silang mga sigang grupo ng estudyante.

"Hoy nerd! Gawin mo nga to." Sabay lapag ng notebooks nila sa harap ni Icy. Yumuko nalang si Icy saka tiningnan ako. Don't tell me gagawin nya talaga ito. 

"Hoy! Alam nyo bang masama yan? Bakit hindi nyo gawin iyan sa sarili nyo?" Buong tapang kong sabi sa kanila. Masama naman talaga ginagawa nila. Hindi pwedeng hindi ko ito palampasin. Kaibigan ko si Icy at hindi ko hahayaang gawin nila ito sa kanya.

"Pake mo ba? Sino kaba?" Matapang na wika ng isa sa kanila. Tinaasan ko ito ng kilay at saka tumayo. Napansin kong inaabot naman ni Icy ang kamay ko. Ngunit hindi ko siya pinansin. Teka, di pa nga pala ako nagpapakilala sa kanila.

"I'm Kinchi Camilla, Kc for short." Sarcastic kong sagot sa tanong niya. Nakita kong medyo na-inis ang lalaking iyon kaya naman agad nya akong sinamaan ng tingin.

"Aba't ginagago tayo nito ahh.."

"Upakan na ba natin to?"

"Aabangan kita kala mo.." Akala ba nila matatakot nila ako? Sila kaya bangasan ko? Sila pa may ganang magalit eh mali naman ginagawa nila. 

Aambangan na sana ako ng suntok ng isa sa kanila ng saby-saby kaming napatingin kay Icy. Nakatayo na siya ngayon at nakayuko. Kitang-kita ko rin ang pagkuyom niya ng kamao.

"P-Please tama na. G-Gawin ko na..." Sagot niya saka tumingin sa akin. Natigilan ako. What does it mean? Wait, hahayaan nya nalang ito? This is bullying. 

"Good boy!" Sagot nung lider ata ng mga bugok na to. This is unacceptable. 

"Icy? Balik mo sa kanila yan. Tamad ba kayo? Kayo gumawa nyan." Wika ko. Natatawa pa ang mga ito dahil sa sinabi ko. What's funny? I can't stand here knowing na may bullying nangyayare sa harap ko. Tsk! Si Icy kase. Masyadong mahina. Akmang susuntukin sana ako ng lider nila ng may umawat mula sa likod. Pagtingin namin ay sina Lian at Josh yung dumating at inawat yung mga siga. Sa isang iglap ay nakahinga ako ng maluwag.

"Aalis ka o aalis?" Banta ni Josh. Siga din pala ito? nakita kong medyo natakot ang mga sigang ito sa kanya. Hindi ko alam kung mala-superior ba si Josh sa campus na ito but it doesn't matter. At least wala na yung mga bully. Mabilis na umalis ang mga iyon. Naiwan kami ni Icy. Agad din kaming nagpasalamat sa dalawang bagong dating.

"You're welcome bro!" Sabay himas sa balikat ni Icy. Medyo napansin kong sinamaan ng tingin ni Icy yung dalawa. Ang weird. Wait, as of now, malamang na wala na agad si Icy for no reason. gaya dati. 

"Ahahahaha! Salamat..." Medyo hindi pa kumbinsido ang ngiti ni Icy. 


*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon