(37) Nerd

3.2K 86 0
                                    

After ng party na iyon ay hindi ko na alam ang totoo. Maski sila mama at papa. Pakiramdam ko napakarami pa ang sikreto na hindi ko nabubuksan. Hindi ako makapaniwala na sa tagal kong nagka-amnesia, napakarami na nilang nabuong lihim. Minsan ayaw ko na lang malaman para hindi ako masaktan. Mas masakit kase kapag nalaman mo pero parang hindi totoo.

Oo masakit ang katotohanan, pero paano mo masasabi na ang nalalaman mo ang siyang katotohanan? Kahit nasasaktan ka?

"Kc, tara na sa baba. Kakain na." Narinig kong sigaw ni mama. Hindi ko sya pinansin at nanatili lang akong nakaupo sa kama ko. Muli kong nilibot ang kwarto namin ni Ate. Wala namang kakaiba. Ganon pa rin, ngunit ang pakiramdam kong ito, iba.

Ilang oras lang ay lumabas na ako. Paglabas ko ng kwarto ay wala nang tao sa hallway. Nasa baba na sina mama at papa kaya pasigurado walang tao sa kwarto nila.

Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto nila Papa at binuksan iyon. Totoo nga ang kasabihan na 'curiousity kills you' . Dahil sa lintek na kuryosidad, pinapatay ko na ang sarili ko. Well, matagal na akong patay.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang mga gamit na sa tingin ko ay masyado ng matagal. Sa gilid naman ng aparador ay may baul duon na malaki. Iyon agad ang nilapitan ko. Pakiramdam ko kase iyon ang matagal ko ng hinahanap. Hindi pa kase ako nakakapasok sa kwarto nila mama.

Pagbukas nun ay bumungad ang mga gamit ko. May mga picture din ako na mukhang nerd? Bigla kong naalala yung mga alalala nung na-coma ako. Isa akong nerd na binubuli lang. Gaya ni Icy. Lahat ng assignment sakin pinapagawa. I never thought na isa akong dating nerd. It's nt really a big deal. Medyo nakakatawa lang kase na dati ako pa nagse-save kay Icy knowing na ganon din ako dati.

Nakita ko ang mga nerd thingy ko duon. Bakit nandito iyon? Dahil sa maiksi lang ang oras ko, naghanap ako ng sako para ilagay dun ang mga gamit ko ng hindi nila napapansin.

After ko mailagay dun ay lumabas na ako. Good thing nasa dining room pa sila.

Pagpasok ko sa room ay agad kong tiningnan ang mga gamit ko. Tanging kaming tatlo nalang nila Alex, Ate at ako ang nasa picture. Wala na si Xy. Agad akong nalungkot. Malamang na eto na iyong time na nasa states sya kasama nila Icy.

Dahil sa mga nakalap kong information, lahat ng nakuha kong bagay na makakatulong sa pagpapaliwanag ng lahat ay inilagay ko sa kama. Nilock ko rin ang pinto para hindi makapasok si ate.

Nilagay ko sa kama ang nakuha ko sa mansion nina Alexander. Pati na rin yung sa bahay namin sa Bulacan. Pati ang dala ko ngayon. Lahat! Inalala ko rin lahat ng natuklasan ko at sinubukang ipagsunod-sunod iyon.

Magkakaibigan kami nina Ate, Ako, si Xy at si Alexander. Soon, nagstate sina Xy kaya hindi ko sya nakasama. At tanging si Alex at ate nalang ang nakasama ko. Then, ang mama ni Alex ang pinagmulan ng lahat ng gulo. Nalaman ko na magkapatid si Alex at Xy sa ina. Si Xy naman at Miss Dayn ay sa ama. Dating mag-asawa si Miss Divina at Sir Rivas. Hindi ko alam kung anong meron sa pagitan nila Dad at Ma'am Divina. Napatay ni Ma'am Divina si Xy dahil sa iniisip nyang wala dapat sa kanila ni Sir Rivas ang kumuha kay Xy.  Ang kasama ko ngayon ay ang impostor na Xy. 

Si Icy Perez na sa pagkakaalam ko ay stepbrother ni Xy. Kaya pala nung nagkwentuhan kami dati ay may mama at papa sya kaso namatay at may kapatid syang lalaki.

Nabaril ako at nagka-amnesia. May sakit din ako sa puso. Naging donor ko ang mama ni Alex. Pero bakit? This is a mystery to me. Is it because of something connection between Dad and Ma'am Divina?

Napaluhod ako sa mga naiisip ko. Bigla kong naalala si papa. May tatoo sya ng BDG. Ibig sabihin, kakampi nila si Papa? Kung sabagay, nalaman kong close si Dad sa papa ni Xy. Malamang na kasali sya.

Argh!

"Kc, will you please open the door. Kanina pa ako kumakatok. Ano ba?!" Agad kong niligpit ang lahat ng gamit ko at itinambak sa ilalim ng kama ko. Pagkatapos ay pinagbuksan ko na ng pinto si Ate.

"What the heck!? Ano ba ang ginagawa mo?" Tanong ni ate. Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta sa kama.

"Akala mo ba hindi ko alam ang nangyayare sayo. Alam kong naaalala mo na. Well, sooner or later kailangan mong mamili. Sa responsibilidad o sa kagustuhan mo." Sabi ni ate saka pumunta sa aparador nya saka may kinuha. Hindi ko na sya pinansin at inisip ang sinabi nya. Sa responsibilidad o sa kagustuhan lang. Ang responsibilidad ko ay ang Dark Diamond. Samantalang ang kagustuhan ko ay nasa kabila. Si Icy.

"Ate..." Out of nowhere ko syang tinawag. Huminto sya sa ginagawa nya at humarap sakin.

"Do you love Xy?" Nagulat siya sa tanong ko. Mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko sa kanya iyon.

"Bakit mo naman iyon natanong?" Walang emosyon niyang tanong. Umayos ako ng pagkaka-upo at tumitig sa kanyang mata.

"Matagal ko ng gustong itanong. Nakalimutan ko lang."  Malamig kong tugon sa kanya. Napa-awang ang bibig ni ate dahil sa sagot ko. Pagkatapos ay saka siya dahan-dahang tumango. 

"Nagbalik na nga ang alaala mo." Sambit niya saka lumapit sa kanyang kama.

"As I said, he is my first love. Until now..." Natigilan ako.

"What do you mean? So, you are in love with Xyrus Hartfor---"

"I mean for the real one." Natigilan ako. Napatitig ako sa kanya dahil sa sagot niya. Ibig bang sabihin nito ay alam niyang hindi totoong Xyrus Hartford ang nasa school? Why she didn't tell me this? 

"Ate, kung may alam ka sa lahat. Tulungan mo ako." Sambit ko. Huminga siya ng malalim at saka tumayo. Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat.

"I can't." Medyo nasaktan ako sa sinabi nya. Hindi nya ako kayang tulungan? Bakit? Kapatid nya ako. Dapat nga tinutulungan nya ako.

"But why?" 

"Sometimes, you also need to forget the past. I can't help you because it tortures me about what happened. Kc, the wound is still not healed." Mula sa mga salitang binitiwan ni ate, natauhan ako. Tama siya. Dapat ay hindi ko na binabalikan pa ang mga alaalang iyon. Dahil habang pinipilit kong balikan iyon, hindi lang ako ang nasasaktan. Pati na rin ang mga tao sa paligid ko.

"I'm sorry." Bulalas ko. Naramdaman ko ang yakap sa akin ni ate. This time, nakaramdam ako ng labis na kalungkutan at kasiyahan.

"I'm so sorry Kc. All this time, I hate you." Napahiwalay ako sa sinabi ni ate. Para bang umurong ang luha ko. Anong sabi nya? She hates me?

"The owner of that heart is a selfish person. She took two important people to me. My Xy and Chichi." Wika ni ate. Nakita kong umiiyak na siya. Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. I thought we're family. What is this? Bakit sinasabi ni ate ito?

Hindi ako si Divina.

Hindi ako siya.

Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Mama at Papa?

Galit din kaya sila sa akin? Should I be dead?

Nakita kong lumabas ng kwarto si ate. Naiwan akong tahimik at halos hindi makapagsalita. Hindi ko na dapat inalala ang mga nakaraan. This is the wrong move I ever done. Akala ko masasaktan ako dahil sa mga nakalimutan ko. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa nakaraan. Pero ang kasalukuyan ang mas masakit. 

Ang reyalidad na may poot silang nararamdaman sa akin.

Kinuha ko ulit yung mga gamit na inilagay ko sa ilalim ng kama. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga litrato. Muli akong nakaramdam ng strange feeling about those pictures. I think Divina is already regretting what she has done.

Pagkatapos ay niligpit ko lahat ng gamit ko. Nakita ko naman yung T-shirl na may tatak na bunny na pasalubong sa akin ni mama dati nung umuwi sila. They hate me. Sa bibig na ni ate nang-galing iyon. Sooner or later, pipiliin nilang saktan ako upang mabawasan ang sakit na dinulot sa kanila ni Divina.

Iniligpit ko na ang mga gamit na hindi ko inaakalang sa akin. I want to start again. I want to show them that I am not Divina. 

*Swipe for the next chapter*

That Nerd is a Gangster? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon