Chapter 5

39 6 0
                                    

Chapter 5


I took a bite on my bread while I write down the things that I need to buy today. Basa pa ang buhok ko mula sa pagligo at pinagsasabay ko na ang pagkain pati ang pagsusulat ng groceries na bibilhin ko dahil kulang na ako sa oras.


I am left behind with the schedule I made for myself. Blame it to the korean drama I watched last night. And blame my courage for still watching, now that's midterms is approaching.



My phone rang and my smile widened upon seeing the name of my Mama.


"Hi Ma!" malakas na sabi ko ng sinagot ang tawag. Sa likod nya ay kita ko si Papa na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.



"Pa!" tawag ko at mabilis syang lumingon. I waved my hand and he smiled. Binaba nya ang dyaryo at lumapit kay mama.


"Kamusta ang pinakamaganda kong anak?" tanong nya. Umirap ako.


"Si Papa talaga. Malamang, ako lang naman ang anak mo." sabi ko at parehas silang tumawa ni Mama.


"Sabrina ang kalat ng apartment mo, hindi ka ba naglilinis dyan?" si Mama at nagsimula na syang sermunan ako.


I saw Papa shrugged his head. He kissed Mama's head and blow a kiss to me before signaling that he'll go back reading. I sighed and put the phone down.


"Have you done your laundry? Baka wala ka ng nakakain dyan anak."


"I'll buy groceries today."


"Oh, do you still have allowance?" she asked and I nod. Kumagat ulit ako sa tinapay ko habang patuloy na naglilista ng mga bibilhin ko.


"Yep."


"Sab, yung tubig sa buhok mo tumutulo pa."  she lamented. I sighed.


"Kaliligo ko lang kasi Ma."


"Hay nako Sabrina. I cannot think how I let you live alone. You can't even brush your hair properly." aniya kaya nag-angat ako ng tingin at ngumuso.


"What's wrong with this? It's not as if I am living with someone to be presentable." sabi ko. I heard Papa chuckled and Mama rolled her eyes.



"Still, what if may bumisita dyan bigla. Nakakahiya. Kita ko pa dito yung marumi mong damit na nakakalat."


"Si Zoey lang naman dumadalaw sakin dito." reklamo ko at kinuha yung T-shirt ns nakita ni Mama. Nakalimutan ko lang naman ilagay sa tubalan.


"Wala bang manliligaw nak?" Papa said. Sinuway sya ni Mama.


"Wala Pa. Ikaw lang ata nagagandahan sakin." biro ko. Tumawa sya kaya natawa din ako.


"Wag muna Sab. At kung meron man, pakilala mo muna sa amin ng Papa mo." aniya at bago pa sya magpatuloy sa mahabang sermon nya inunahan ko na sya.


"Don't worry Ma. Wala po. At wala pa din akong ipapakilala. Wag nga kayong excited ni Papa." I said.


"Well, I'm just saying, dapat kasing gwapo ko." Papa added. Ngumisi ako.


"Sige Pa. Hahanap ako." sabi ko kaya napasapo na lang sa ulo si Mama.


She continued nagging me and I have no choice but to listen to her. Si papa naman hindi man lang ako tulungan at tumatawa pa. I know I'm already late on my schedule but I cannot just leave my parents.



Hey, My Coffee LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon