Chapter 27

17 1 0
                                    

Chapter 27



Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Matagal bago ako nakabalik sa tamang wisyo. Tears started to form in my eyes because of too much worry for them, for Sam.



Mabilis akong pumunta sa ospital na sinabi ni Nicia. Kahit parang wala pa ako sa sarili, pinilit ko na makapunta agad. Malapit na sila dito kaya naman madali akong nakapunta.




Naabutan ko si Nicia na nakatulala sa waiting area. Mabilis ko syang nilapitan at niyakap. She cried when I hugged her. She's trembling in fear and I can understand why.




Puro galos sya at may mantsa din ng dugo. Mas lalong binalot ng takot ang puso ko.



I asked Nicia about Sam and she guided me in the ICU.



Mabibigat ang bawat hakbang ko. I feel like each step, I am breaking. My throat hurts because of the tears that I am trying to hold back.



Lumunok ako bago ko hinigpitan ang kapit kay Nicia ng makarating kami sa ICU. I gasped upon seeing Sam lying there with so many apparatuses in his body. Mula dito kita ko ang mga galos at sugat na tinamo nya.



I looked away and I cannot help but to break down in tears. Niyakap ako ni Nicia at para akong nanghina sa nakikita ko.



Kanina lang kausap ko pa sya. Kanina lang nakikipagbiruan pa sya sa akin. Kanina lang sabi nya hindi na sya makapaghinatay na makita ako, na miss na miss na nya ako.



Kanina lang nakita ko pa syang masaya at nakangiti.



But now...his body felt hopeless there. And even from looking, I can see that he's hurting.



Matagal bago ako kumalma. The doctors are still inside and I am already having an anxiety here. I want to go inside and hug him, or talk to him, or hold him.



Basta gusto ko lang masiguro na maayos ang lagay nya.



I am hoping and praying that he's okay. That he'll be okay.



The doctor advise us to let Sam rest. He's still in coma. Malala daw ang tinamo nyang head injury kaya hindi pa nagkakamalay hanggang ngayon.



Wala akong lakas at nakatulala lang mula dito sa labas ng glass window. My tears can't stop falling and I stopped preventing them awhile ago. Seeing him hurt doubled the pain in me.



Kung pwede lang na ako na lang, baka mas kaya ko pa.



Days passed and Sam is still unconscious. Nilipat na sya sa normal room dahil stable na ang lagay nya pero kailangan pa ding obserbahan. Sa mga araw na yun, hindi ako umalis sa tabi nya.



I already talked to Mamita to told her what happened. We cried together as we say our worry for Sam. Si Mamita na din ang hinayaan kong magsabi sa parents ni Sam. Mabuti na lang, nakasuporta sa akin sina Mama at Papa. Sa ospital na namin dinaos ang pasko.



And swear, that was the saddest Christmas in my entire life.



Nasa loob kami ng room ni Sam at nagakakaroon ng maliit na salo salo noon. Papa is talking about how proud he is with Sam and how he's preparing for our future. Tahimik lang akong nakikinig habang nakatitig kay Sam.




Kung kailan malapit na kami, saka naman parang ang layo layo nya.



Dikit na dikit ang mata ko kay Sam habang nakikinig kay Papa, dahilan para madali lang para sa akin na makita ang unti unting pagdilat nya.



Hey, My Coffee LoverWhere stories live. Discover now