Chapter 22

26 1 0
                                    

Chapter 22


"Here, put your other finger here, then the other one here... then strum up and down three times then shift from this to this. Got it?"


Nakanguso akong tumango kay Sam habang mariing nakikinig at sinusunod ang sinasabi nya. I tried doing what he said but my face squinted when I didn't produce any unnecessary sound. I groaned and Sam chuckled.


"Wala naman e!" angal ko.



Nilingon ko si Sam sa likod ko pero mabilis din napaiwas ng tingin dahil sa lapit namin. Lumunok ako bago kinunot ang noo ko.



Sam is teaching me how to play a guitar. Akala ko madali lang kasi mukhang madali lang naman sa kanya. Pero ang hirap pala. Ang sakit sa daliri at hindi pa nakakatulong na sya ang nagtuturo at hindi ako makapag concentrate.




"Don't press it too hard. Just do it gently." sabi nya. Ngumuso ako.



"I wonder why it seems like easy for you while it's really hard doing! You think life is unfair?" I asked.



He arched his brows and smirked.



"Life is always unfair." he said before pinching my nose. I pouted even more.



"Whatever."



Ginulo nya ang buhok ko kaya napairap ako. Humalakhak naman sya.



"Mamaya na lang ulit? Magluluto muna ako ng meryenda natin."



Napatango naman ako. Mag-iisang oras na din simula noong turuan nya ako at nakakagutom pala. I was studying before he suddenly came into my apartment. Tatlong araw din kasi kaming hindi nagkita dahil parehas busy.




Tumayo sya at kinuha sa akin ang gitara. Sinundan ko naman sya ng tingin.



"Anong lulutuin mo?" I asked.



"Baked Mac." kibit balikat na aniya. Namilog ang mata ko sa excitement.



"Talaga? Maalam ka?"



Ngumisi sya sa akin.



"Ako lang to oh. Yakang yaka." he then winked at me. I wrinkled my nose and he only laugh.



Hinayaan ko syang makiaalam sa kitchen habang nakasubsob naman ako sa inaaral ko kanina bago sya dumating. I was sitting on the floor while facing my iPad in the mini table near the couch.



Abala ako sa ginagawa kaya hindi ko namalayan ang oras. Nang nasulyapan siya, napangisi ako nang makita na suot nya ang pink apron ko. Nag-angat sya ng tingin nang mapansin na nakatingin ako. He smirked and I pouted.



Palihim ko syang kinuhanan ng letrato habang abala sa ginagawa.



I posted it in my Instagram and smiled to myself.


sabamethyst_alcazar:

ily, my chef



Ngumisi ako bago binaba ang cellphone at nagpatuloy na. Another hour passed before Sam finished cooking. Ako naman, kanina pa nakasubson ang mukha sa table dahil hindi ko na kaya ang inaaral. Too much information that it made my head aches!



Tumabi si Sam sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. I pouted when I saw that he's not already wearing my apron.



"You look cute wearing my apron." I said nonchalantly. Ngumisi sya sa akin.



Hey, My Coffee Loverحيث تعيش القصص. اكتشف الآن