Chapter 14

22 3 0
                                    

Chapter 14


"Miss, umiiyak ka ba?"


I shook my head immediately. Yumuko ako para hindi ako makita nung lalaki sa harapan ko. The audience are still chanting Sam and Karina's name that's why my heart still clenches.



"Uh, naiihi ka diba?" I asked with my lips trembling.


"Yep. Bakit?" kunot noong tanong nya.


Bumuntong hininga ako bago kinuha ang bag ko. I grabbed his hand and I saw him looking at me with his wide eyes.



"Tara." sabi ko na lang at kinagat ang pang-ibabang labi ko.



"Saan?" takang tanong nya. I sighed.



"Sa CR. Sasamahan kitang umihi!" inis na sabi ko at hinatak sya paalis doon.


Kumunot ang noo nya at magp-protesta sana pero wala na syang magagawa dahil hinihila ko na sya paalis. I heard Jed calling my name when I passed by him but I didn't look back.



The guy on the other hand keep on speaking his protest on me.


"Bakit ka sasama? Uh, miss wag na."


Hindi ako sumagot. I just want to get out of here.


"Miss... Teka bakit palabas tayo? Nasa labas ba ang CR?"


I sighed and didn't answer.


"Hanep. Anong pinasok ko?" rinig ko pang bulong nya sa sarili.


Mabilis ang lakad ko palabas ng resto bar. Hindi ako tumigil hanggang sa naririnig ko pa ang tutog sa loob.


The image of Karina and Sam suddenly flashed in my mind. And even though I don't want to cry, my tears just can't stop falling.



"Teka miss. Hindi pa ako ready. Saan mo ba ako dadalhin?" parang batang aniya at hinihila na ang kamay nya sa akin. Napabuntong hininga ako.


"Just follow me." I said. Ramdam ko ang pagprotesta nya.



"Ha? Ayaw. Alam kong gwapo ako pero kakikita pa lang natin."


Kumunot ang noo ko. Lasing ba sya?


"Miss. Kab-break ko lang. Di pa ako ready."


Napangiwi ako. I just want to get out and nothing more. Once we're finally out, I'll let go of him too. Ano namang gagawin ko sa kanya diba?


Kumalas sya sa hawak at mas lalong kumunot ang noo ko sa pinagsasabi mya.


"Hindi talaga ako gwapo. Miss, maganda ka pero wag mo sana akong pagnasaan. Isa pa ano... Bad breath ako! Hindi ako maalam humalik!" sunod sunod na aniya.


Umawang ang labi ko. Nilingon ko sya at parang naiiyak na sya habang nakatingin sa akin.


"Bitawan mo na ako please. Hindi ako masarap! At isa pa, virgin pa ako!" malakas na sigaw nya.


Legit na napatigil ako sa sinabi nya. Mabilis na napabitaw ako sa kanyang kamay bago napaiwas ng tingin.


Some people passing by are looking at us. Some laughed, while some are whispering. Napakagat ako sa labi ko.


Just what the hell?


Nilingon ko sya ng bigla syang tumalikod. He groaned and scratch his head.


Hey, My Coffee LoverWhere stories live. Discover now