Chapter 29

14 1 0
                                    

Chapter 29


I got sick the day after that night.



Siguro nahawa ako kay Sam at siguro na din dahil sa sama ng loob kaya sumama ang pakiramdam ko.




Isang linggo din akong hindi bumisita sa kanila. The reason is that it took me four days to be okay again. Mahirap kasi akong magkasakit, ayokong uminom ng gamot at isa pa, mag-isa lang din ako. I didn't tell Mama and Papa about it though.



Nag-aalala na nga sila para sa amin ni Sam, ayoko ng dagdagan pa.



I chose not to visit him the following days after I got better. Pinapakiramdaman mo pa kasi ang sarili ko. Ayoko pa ulit masaktan.



The last time he talked to me, it's as if he just slapped me real hard for telling me that he cannot remember falling in love with me.



And that really hurts the most.



Because he was the one who always remind me how much he loves me before. But things got different now.



Nagsimula na din ang pasukan. It's my third year. They said this year is the most crucial. At ramdam ko yun first day pa lang. Tatlong recit ata akong walang nasagot dahil hindi naman ako nakapag advance study. Napagalitan tuloy ako unang araw pa lang.




Good thing, Jasper and Zoey are there to lift up my mood. Pero ang bigat pa rin kasi talaga.



When I finally decided that I am ready enough to meet him, I went to their house again. Kagaya noong una, kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman nya sa isang linggong hindi ako nagpakita.



I don't know if he's happy that I am finally gone, or if he ever looked for me even just for once.



Nag-door bell ako at si Manang ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako at lumawak ang ngiti sa akin.




"Sab! Bakit ngayon ka lang bata ka! Nag-alala kami, akala namin ano na ang nangyari at hindi ka na nagparamdam." nag-aalalang aniya. Tipid akong ngumiti.




"Nagkasakit kasi ako manang. Ayaw ko namang mahawaan kayo, lalo na si Sam kaya nagpagaling muna."



"Ganon ba? E okay ka na ba ngayon?" nag-aalalang aniya. Tumango naman ako.



"Yes. Thank you manang." I said and hugged her. She hugged me back and my heart clenched.



For the first time, I don't feel like being the unwanted visitor in this house.



Papasok na sana kami ni manang sa likod ng biglang may tumawag sa akin. Nagulat ako ng makita ko si Jasper sa likuran ko at nakangisi sa akin.



"Hi!" masayang aniya. Kumunot ang noo ko.



"What are you doing here?"



Nagkamot sya ng ulo bago lumapit sa akin. Bahagyang lumayo si manang habang bumulong sa akin si Jasper.



"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" he whispered as if it's a big secret he's telling. Hinampas ko ang dibdib nya at tumawa sya.



"Bawal nga! Ayaw nya pa ng ibang bisita."



Ngumuso si Jasper na parang bata. I squinted my face.



"You aren't here for that right? What is it?" tanong ko. Sumulyap sya sa akin bago ngumisi. Ginulo nya ang buhok ko kaya kinurot ko ang tagiliran nya.



Hey, My Coffee LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon