Chapter 14

20 0 0
                                    

Hindi malaman ni Calix kung paano nalaman ni Camilla ang usapan nilang magkakaibigan. Alam niya na sobrang galit ang nararamadaman nito sa kanya at mahihirapan siya na kausapin ito na mapatawad siya.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Calix at galit na humarap sa mga kaibigan niya. "Kayo ba ang nagsabi kay Camilla ng usapan natin!? Hindi pa ba malinaw sa inyo na umaatras na ako sa anumang usapan natin! Sa inyo na yung punyetang sasakyan na yun!"

Si Kendrick ang unang sumagot "Bro' pwede kumalma ka mun--"

"Put*ang ina! Paano ko kakalma sige nga! Huh! Paano!?"

"Maniwala ka man sa amin o hindi.....Hindi kami ang nagsabi nun kay Camilla. Kahit kami wala ng pakialam sa kung ano mang pinag-usapan natin." pagpapaliwanag ni Brian

Nagmamadali na kinuha ni Calix ang mga gamit niya at pumunta kay Camilla para makausap ito. Hindi na niya na isip na pumasok sa klase niya. Nararamdaman niya na nakasunod sa kanya ang mga kaibigan niya ngunit hindi niya Ito binigyan ng pansin.

"Calix!" Tawag atensyon ng isang studyante sa kanya kaya na palingon siya dito.

Galit niya itong hinarap."What do you want!?"

"Nakita ko kanina si Camilla na kausap yung ex niya si Anthony Ferrer sa Business Ad..Nakita ko na nagtatalo silang dalawa bago ka sinugod ni Camilla sa cafeteria kanina."sagot nito.

Iniiip ni Calix kung anong kinalaman ni Anthony at nalaman ni Camilla ang tungkol sa pustahan nilang magkakaibigan. Kaya imbes na tumuloy siya sa department ni Camilla ay dumiretso siya kanilang department para kausapin si Anthony.

"Asan si Anthony Ferrer!?" Kaagad niyang tanong sa mga kaklase nito ng dumating siya sa department nila.

"Wala dito si Anthony, Calix. Ang alam ko pinuntahan niya yung girlfriend niya para sabay silang umuwi. Wala na kasi kaming klase para sa araw na to'." sagot ng isa sa mga kaklase nito.

"Oh Fvck!"galit na sambit ni Calix at sinuntok ang pader.

"Tama na 'yan bro. Kumalma ka muna bago mo harapin si Anthony , lalo na si Camilla. Wala naman na tayong klase para sa araw na ito. Kaya mag-relax ka muna."pagpapakalma sa kanya ni Brian.

Kaagad naman nagpahila si Calix sa mga kaibigan niya para na din kahit papaano ay kumalma siya. Kapag nalaman niya lang na may kinalaman si Anthony kung bakit galit  sa kanya ngayon si Camilla ay baka di niya mapigilan ang kanyang sarili sa anumang magawa niya dito.

Hindi na pigilan ni Calix na sapakin si Anthony ng makita niya ito pagkarating nila ng parking lot. Buti na lang ay naawat siya nila  Kendrick at Brian.

"Oh my gosh! Why did you do that" Vanessa hissed. And help Anthony to stand up.

"T*ang ina, ano bang problema mo huh!" Galit na sigaw sa kanya ni Anthony ng makabawi ito mula sa pagkakasapak ni Calix.

Calix smirked."You are asking me why I do that! Oh damn!..Anong sinabi mo kay Camilla kaya galit siya sa akin ngayon!?"

Mukhang nakuha naman ni Anthony ang dahilan kung bakit siya sinapak ni Calix."Alam mo na pala, bakit totoo naman huh? Wag kang mag-feeling na mabait. Eh isa ka pang gago!"

Akmang sasapakin ulit ni Calix si Anthony ng maawat siya ni Brian.

"Mas gag* ka!, Paano mo nalaman yun huh!?"

Ngumisi si Anthony. "Narinig ko ang usapan niyang dalawang kaibigan mo."at kaagad na itinuro sila Kendrick at Brian na halatang nagulat sa kanilang narinig. "Narinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa ng pumunta ako ng C.R dun ko nalaman na pinagpupustahan niyo lang si Camilla."

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon