Chapter 17

19 0 0
                                    

"So, ano na ang balak mong gawin ngayon?" tanong sa kanya ni Eunice ng makauwi sila at pagkatapos niyang i-kwento dito ang napag-usapan nila ni Brian kanina sa mall.

Camilla sighed and looked at her."Actually, I really don't know. Gusto ko siyang kausapin ang kaso nahihiya ako."

"Eh, anong point niyang hiya mo huh? Eh kakausapin mo lang naman yung tao para magkaayos kayo kasi ang sabi mo ayaw mo ng mag-tanim ng sama ng loob....Oh my gosh!! Don't tell, gusto mo na rin siya?" gulat na tanong ni Eunice kay Camilla.

Tumango si Camilla, anong pang point kung magde-deny siya eh alam niya naman na mahahalata nito kung nagsisinungaling siya o hindi.

"Buti naman at hindi ka nag-deny, eh halata naman nung una palang na gusto mo siya eh. Una nagni-ningning yung mga mata mo ng malaman mong gusto kang ligawan ni Calix. Pangalawa naman nung iniwasan ka na ni Calix dahil yun yung gusto mong mangyari pero di ka naman masaya. At pangatlo ayan, alam ko naman na gusto mo talaga siya dahil nung sinabi ni Brian na gusto ka din Calix sumaya yang mukha mo. Camilla, ikaw lang naman ang makakapag-decide kung susundin mo ba yang nararamdaman mo eh. At tsaka ang question is kung napatawad mo na ba siya sa ginawa niya sayo?" paliwanag ni Eunice sa kanya.

"Syempre bes, andun pa rin yung hiya dahil alam ko nasaktan ko din siya. And yes I already forgive him, what's the point kung papairalin ko pa yung pride ko eh. Gusto ko na yung tao."saad ni Camilla.

"Eh yun naman pala eh, gusto mo siya at gusto ka din niya. And of course napatawad mo na siya. So kailangan niyo na lang mag-usap para magkaayos na kayo." suggestion ni Eunice.

Nung araw din na iyon ay napag-isipan ni Camilla na dapat na niyang patawarin si Calix para sa ikagagaan ng loob niya. Nang gabi din na yun ay nag-message sa kanya si Brian na gustong makipagkita sa kanya ni Calix. Kaya pumayag na din siya dahil yun na yung paraan para makapag-usap silang dalawa.

Sa isang restaurant nakipag-kita sa kanya si Calix, hapon na siya nakipag-kita dito dahil nag-work pa siya sa kumpanya nila. Kaya ng matapos siya ay dumiretso na siya agad sa lugar na napag-usapan nila at nang makarating siya doon ay nandun na si Calix at halatang kanina pa nag-iintay.

"Sorry I'm late, kanina ka pa ba?" tanong ni Camilla ng makalapit siya dito.

Matagal muna siyang tinitignan ni Calix bago ito nagsalita."A-Ah hindi naman, akala ko di mo na ako sisiputin. Salamat at nakipag-kita ka. And I'm sorr--."

Pinutol ni Camilla ang iba pang sasabihin ni Calix ng magsalita siya."Pwede mamaya na tayo mag-usap mag-order na muna tayo." sabi ni Camilla at tinawag ang waiter.

Tahimik lang sila ng makapag-order at nung umalis ang waiter para ihanda ang kanilang pagkain ay nagsalita muli si Camilla.

"I'm sorry...... I'm very sorry Calix." Camilla said

Umiling si Calix."Ako nga ang dapat humingi ng tawad sayo eh. Masyado kitang nasaktan sa mga kagaguhan na ginawa ko sayo. Wala ka namang ginawang kasalanan sa akin pero sinaktan pa rin kita. Kaya I'm so sorry Camilla, sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ko."

Ngumiti sa kanya si Camilla." Naipaliwanag na sa akin ni Brian ang lahat. So stop saying sorry, you already forgiven. Pero siguro di pa tayo makakabalik sa kung ano mang turingan natin noon.

Tumango si Calix."Okay lang, masaya na akong malaman na napatawad mo na ako. Maraming salamat."

Masayang nag-uusap habang kumakain sila Camilla at Calix medyo nakakapagpalagayan na sila ng loob at gumaan na rin ang pakiramdam ni Camilla dahil wala na siyang dala-dalang bigat sa kanyang loob.

Sa sobrang tagal ng pag-uusap nila Camilla ay gabi na siya naihatid ni Calix.

"Salamat sa paghatid." Sabi ni Camilla sabay baba.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon