Chapter 7

31 0 0
                                    

WALANG gana yan ang naramdaman ni Camilla pagkatapos makita si Calix kasama ang mga kaibigan nito.

Hello? Bakasyon namin 'to!

Bakit ba sila andito?

Hindi napansin ni Eunice na andito si Calix dahil pagdating ng pagkain nila kaagad na itong kumain. At malayo sa kanilang pwesto, kung saan  naka-upo sila Calix kaya di ito mapapansin agad ni Eunice.

Wala ba talaga akong karapatan na manahimik man lang?

Hanggang bakasyon ko ba naman, lagi na lang akong sinusundan ng bwisit na lalaki na yun!

Napabalik sa katinuan si Camilla ng bigla siyang tapikin ni Eunice. "Hoy! Cleir, ano ba kanina ka pa  tulala diyan a? Ayaw mo ba sa pagkain mo? Kanina mo pa hindi yan ginagalaw." naka-kunot noong tanong ni Eunice dahil kanina pa di ginagalaw ni Camilla ang pagkain niya.

"Ay sorry Eunice, wala lang siguro akong ganang kumain. Tapos ka na ba pwede na ba tayong umuwi?" nawalan ng gana si Camilla.

Tumango ito."O sige Cleir, malapit na rin akong matapos." sabi ni Eunice at mabilis na ipinagpatuloy ang pagkain. "Sure ka ayaw mo na talagang kumain? Konti pa lang yung nakakain mo. May sakit ka ba?" nag-aalang tanong ni Eunice kay Camilla.

Magkakasakit pa lang, dahil sa lalaki na yun!

Umiling si Camilla."Okay lang sadyang wala lang talaga akong gana. Sige na kumain ka na." sagot ni Camilla sa kanya.

Paano ako hindi mawawalan ng gana, eh alam kong may nakamasamid sa akin na mata!

Bwisit kasi na Calix Williams na yun!

Nagpatuloy na si Eunice sa kanyang pagkain ng biglang nagsalita si Camilla. "Ah Eunice, punta lang muna ako ng restroom." pagpapaalam ni Camilla kay Eunice.

"Okay sige Cleir, magbabayad na rin ako ng pagkain natin."

Tumayo na si Camilla papunta sa restroom dahil hindi na niya matagalan pa ang pagtingin sa kanya ni Calix.

He's irritates the hell out of me!

Samantang si Calix naman ay nakita na tumayo si Camilla at papunta yun ng restroom. Kanina niya pa nakikita na parang walang gana si Camilla na kumain simula ng makita siya nito.

Sige lang Camilla my babe, mailang ka lang dahil sa mga susunod na araw hindi na lang ako hanggang tingin sayo!

Abala sa pagku-kwentuhan ang dalawang kaibigan ni Calix, kaya tumayo siya para sundan si Camilla. Pagdating ni Calix sa may restroom wala masyadong tao. Inantay niya lang si Camilla na lumabas mula sa women's restroom.

Pagdaan ng ilang minuto nakita na niya na lumabas si Camilla. At ganun na lamang ang gulat sa mukha ng dalaga ng makita siya. "A-Anong ginagawa mo dyan?" gulat na tanong sa kanya ni Camilla.

Ngumisi si Calix. "Obvious ba?....Syempre sinusundan kita."sagot niya na ikinataas ng kilay nito.

Pinag-krus ni Camilla ang braso niya."Talaga bang wala kang balak na tigilan ako?.......nang-iinis ka ba talaga! Magka-aminan nga tayo, ano ba talaga ang kailangan mo?" naiinis na tanong sa kanya ni Camilla.

Hindi ko din alam.

Siguro para mapalapit sa'yo at magawa na yung napag-usapan naming magka-kaibigan?

I really don't know.

Aaminin ni Calix na bigla siya sa tanong sa kanya ni Camilla. Pero di niya ito pinahalata at sinagot ang dalaga. "Gusto lang naman kitang makilala tsaka maging kaibigan. Pero ang hindi ko maintindihan,  kung bakit lagi mo akong pinapalayo sayo? Sa tuwing nakikita mo ko para kang laging naiirita sa akin. E, wala naman akong ginagawa sayo." sunod sunod na sabi ni Calix kay Camilla na napa-awang ang bibig sa mga sinabi niya.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon