Chapter 29

18 0 0
                                    

"Alam kong, hindi ka talaga nawalan ng alala. So please sabihin mo sa akin kung ano talaga yung nangyari?" sabi ni Eunice na ikinatigil ni Camilla.

Isang linggo na rin ang lumipas ng naospital si Camilla at tatlong araw na ang lumipas ng umuwi sila sa bahay nila para dun ituloy ang pagpapahinga niya. At maayos naman siya nakakalakad pa rin naman si Camilla ngunit tama ang sinabi ng kaibigan niya nagkunwari lang siyang may amnesia para layuan siya ni Calix. At sa nakalipas na isang linggo ay hindi nga siya pinuntahan ni Calix.

"Nung niyakap ka ni Calix nung magising ka nakita ko sa mga mata mo ang sakit. Kaya alam ko na hindi ka talaga nawalan ng alala, at hindi ko na lang pinansin at sinakyan ko yung gusto mo dahil alam ko may dahilan ka kung bakit mo nagawa iyun. So tell me bilang kaibigan mo, ano talaga yung nangyari nung gabi na yun." sabi ni Eunice at hinawakan ang kamay niya.

Wala nang nagawa si Camilla dahil nahihirapan na din siyang sarilin ang sakit na nararamdaman niya. At wala din naman siyang maitatago pa kay Eunice kaya ikinuwento niya dito ang lahat lahat.

Niyakap ni Eunice ang kaibigan, pagkatapos i-kwento ni Camilla sa kanya ang lahat."Eh napakawalang kwenta naman talaga ng lalaki na yan eh!....G*go siya! Iniwan at pinabaya...... pinabayaan ka lang niya at h-hindi man lang tinulungan......K-kaya pala.......kaya pala, hindi niya masabi sa a-amin yung dahilan yun pala......yun p-pala." Hindi na naituloy ni Eunice ang gusto pang sabihin dahil sa labis na pag-iyak.

"K-kahit ako Eunice.... H-hindi ko alam na kaya niya akong lokohin....Eunice mahal na mahal ko siya eh.....Alam mo yan, p-pero nasaktan pa rin ako.... S-sinaktan niya pa rin ako......Kaya tama lang na wag na siyang magpakita sa akin......Dahil ayoko ng makita ang p-pagmumukha niya!"galit na sabi ni Camilla.

Nang mailabas ni Camilla lahat ng sakit na nararamdaman niya ay nagpasya muna siya na wag munang sabihin sa mga magulang ang katotohan para di na ito mag-alala pa. At nang makaalis si Eunice dahil may duty pa ito kaya nagpahinga muna si Camilla galing sa labis na pag-iyak.

"Ahhhhhh! Ayoko na!.......A-Aray........Ahhhhhh!"sigaw ni Calix dahil umatake na naman ang matinding sakit ng ulo niya.

Nagmamadali pumasok ang ina ni Calix at inalalayan siya pinipilit na pakalmahahin."A-Anak please!... Look at me.....Just breath...... Manang yung gamot ni Calix......Manang bilis!.....Anak please..... A-Anak.....Manang!"

Hindi alam ni Calix kung paano siya nakauwi ng paalisin siya ni Eunice ng araw na magising ni Camilla. At nang makita siya ng ina na hapong-hapo at may sugat sa gilid ng labi ay doon na niya ikinuwento dito ang lahat ng nangyari at naiintindihan naman siya nito. At sa labis niyang pag-iisip ay nawalan siya ng malay at nagising na nasa kwarto na niya at mukhang cheneck-up siya ng family doctor nila dahil may nakatusok ng IV sa kanya at nakita niya din na umiiyak sa tabi nito ang ina niya at pilit na pinapakalma ng daddy ni Calix. Nakita niya din si Kristina.

Sinabi ni Kristina ang lahat ng nalaman niya kaya napahagugol ng iyak ang ina ni Calix at si kahit si Calix ay ayaw maniwala dito nung una. Ngunit ng magpa-second opinion sila ay doon na niya nalaman na may brain tumor siya. At kaya hindi na nakakabisita si Calix kay Camilla ay dahil tumindi at dumalas ang pag-atake ng sakit ng ulo nito. Kaya hinang hina na siya,gusto man ng magulang niya na ipagamot siya ay hindi nito magawa dahil masyado ng malala ang sakit ni Calix at parang nag-iintay na lang sila kung kailan ito kukunin sa kanila.

Nang makainom si Calix ng pain reliever ay medyo nawala ang sakit ng ulo niya ngunit nanghihina pa rin siya dahil hindi na siya magana kung kumain. Kaya kung titignan siya ay sobra ang ipinagbago ng katawan niya.

"A-Anak pumayag ka na kasi.....baka....baka s-sa America m-magamot pa natin yang sakit mo....K-Kahit gumastos tayo ng malaki basta.....b-basta gumaling ka lang."pakiusap ng ina ni Calix sa kanya.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon