Chapter 24

16 0 0
                                    

"Uyy, babe kausapin mo naman ako! Hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap eh. Bakit ba? May problema ba tayo na hindi ko alam sabihin mo sa akin. Hindi yung bigla mo na lang akong hindi kinakausap." malungkot na sabi ni Calix kay Camilla dahil iniwan siya nitong mag-isa habang nakikipag-usap siya sa mga kakilala niya.

Sa isang resort na pagmamay-ari nila Calix silang dalawa ni Camilla naisipan mag-bakasyon. Ang mga kaibigan ni Calix ay may kanya kanyang bakasyon sa ibang lugar samantalang si Eunice naman ay naisipan pang mag-bakasyon sa ibang bansa. Dahil iniiwasan nito si Ar-jay yung pinsan ni Camilla. Andito pa kasi si Ar-jay sa Pinas at minsan ay pumupunta ito kila Camilla at ayaw ni Eunice na mag-krus ang landas nilang dalawa.

Mahigit one month ng nagbabakasyon sila Camilla sa resort nila Calix sa may Batangas. Ipinagpaalam siya ni Calix sa mga magulang niya kaya kaagad itong pumayag.

"Babe, kausapin mo naman ako, di ba sabi ko sayo kapag may tampuhan tayo o di pagkakaunawaan ay kailangan ayusin natin agad. Please babe kausapin mo na ako!" nagmamakaawang sabi ni Calix.

Tinaasan siya ni Camilla ng kilay."Pwede ba wag mo na akong kausapin! Doon ka na lang makipag-usap sa mga kakilala mo! Tutal halos idikit naman ng mga babae dun yung dibdib nila sa'yo!"

"Yun lang! Eh hindi ko nga pinansin mas lalo naman hindi ko yun tinitignan. "

Mas lalong sumama ang mukha ni Camilla sa sinabi ni Calix. "Wow! Yun lang!....... Yun lang, eh nung nakita mo nga sila parang wala kang kasama eh. Kaya nga umalis ako dun eh baka nakakaistorbo ako sa mini reunion niyo!"

"Exactly! Ipakilala sana kita sa kanila kaso bigla ka na lang umalis doon. Kaya nga nung hinanap kita wala ka na dun, tapos nakita kita dito."

"Ay sus! Wag mo nga akong pinaglolo-loko sobra ka na nga landin nung babae na naka-fling mo noon eh. May pahawak hawak pa sa braso mo at ikaw naman di man lang tinatanggal! Ano nage-enjoy ka ba! Huh! Akala mo wala kang girlfriend!" galit na sigaw ni Camilla.

"Wag ka nang mag-selos, wala lang naman yu--"

"Selos?......FYI lang huh! hindi ako nagseselos dun sa babae na yun. Naiinis lang ako sa inasta mo!"

"O sige na hindi ka na nagseselos at na-iinis ka lang, pero please kausapin mo na lang ako. Hindi ko lang naman tinanggal yung pagkakawak sa akin dahil baka maging rude ako at ayaw ko siyang ipahiya. Pero unti-unti ko naman tinggal yun eh para di niya masamain. Then wala akong pakialam sa mga sexy na babae dun dahil para sa akin,ikaw lang pinakamaganda at pinaka-sexy. At gaya nga ng sinabi ko eh, ipapakilala dapat kita sa kanila kaso umalis ka naman. Kaya please patawarin mo na ako!" paliwanag ni Calix kay Camilla.

Camilla sighed before turn to face Calix."Okay you forgiven, you know that I can't mad at you for long. Sorry kung iniwan kita doon at nainis ako."

Ngumiti si Calix at niyakap si Camilla."It's okay babe, I love you!"

Sumagot si Camilla habang nakayakap kay Calix."I love you too."

Ilang minuto pang tumagal ang yakapan nila bago siya binuhat ni Calix. At naglakad papunta sa isa sa mga pool.

"Oh my! Ibaba mo ako! Calix ano ba! Hahaha!" tiling sabi ni Camilla.

Hindi nakinig si Calix at nakakalokong ngiti lang ang ibinigay sa kanya."Not until we are on the pool!"

Walang nagawa si Camilla at nang maibaba siya ni Calix sa pool ay doon sila naghampasan ng tubig na parang mga bata habang nagtatawan. Kahit na mag-away pa silang dalawa ay maliliit na bagay lang at hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagkaka-ayos dahil ayaw ni Calix na may tampuhan sila sa isa't-isa.

Ganun ang naging ganap ng bakasyon nila Calix at Camilla. Masaya sila na ine-enjoy ang unang vacation nila as a couple. Kahit na medyo malungkot si Camilla dahil mas pinili ni Eunice na hindi siya makasama ngayong bakasyon dahil sa pag-iiwas nito kay Ar-jay. Pero sinabi naman ni Eunice na wag siyang alalahanin at mag-enjoy lang si Camilla sa bakasyon nila ni Calix. Pero hindi pa rin maiwasan ni Camilla na mag-alala dahil alam niya na nasaktan ito.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon