Chapter 21

21 0 0
                                    

A few months passed...

"Uyy Cleir, magkikita ba kayo ni Calix ngayon?" tanong sa kanya ni Eunice ng magsabay sila ng pasok sa school, hindi na kasi nag-abala pang magdala ng sasakyan ng kanyang kaibigan kaya nakisabay ito sa kanya.

Ilang buwan na rin ang lumipas at kahit busy si Calix ay gumagawa pa rin ito ng paraan para magkita silang dalawa kaya na sanay si Eunice na kung minsan ay nagpapasundo sa kanilang driver o kaya naman nagdadala ng sariling sasakyan. Sa ilang linggo na lumipas ay masasabi ni Camilla na unti-unti na niyang nakilala si Calix. Sa mga simpleng gusto nito at ayaw gawin at kung ano ano pa.

"Hindi, nag-text siya sa akin kagabi at sabi magiging busy siya ngayong araw dahil kailangan nilang mag-practice. Why ba?"sabi ni Camilla.

"Ahh okay, oo nga pala malapit na yung last game nila this season. At maganda ang naging laro niya kasi may inspiration and that is you. Sana all na lang talaga. And kaya ko tinanong ay dahil mukhang hindi ko kailangan magpasundo kasi pwede akong sumabay sayo." masayang sabi ni Eunice sa kanya.

"Ay ganun nakahanap ka ng driver sa katauhan ko. Kainis 'to." kunwaring nagtatampong sabi ni Camilla.

"Eto naman nagtampo agad, ako nga dapat makaramdam niyan eh. Aba naman halos kayo na lang ni Calix ang laging magkasama. Ngayon lang ako nag-lambing ulit tapos kinontra mo pa. Wag mo na nga lang akong isabay!" sabi ni Eunice.

"Uyy joke lang ito naman, nagtampo agad. Matitis ba naman kita. And sorry at hindi na tayo madalas nagkakasama." sincere na sabi ni Camilla.

Ngumiti si Eunice sa kanya."Baliw, okay lang naiintindihan ko naman. At tsaka support nga kita di ba. Okay naman kahit hindi kayo magkita ngayon marami pa namang time para magkita kayo. Sa ngayon girls bonding natin to."

Ngumiti si Camilla  kay Eunice at nagpatuloy na sa kanyang pagmamaneho habang masaya pa rin silang nag-usap ni Eunice.

"Oh sige magkita na lang tayo mamaya huh? Specially lunch then mamaya na lang natin pag-usapan kung anong dapat nating gawin." sabi ni Eunice at nauna na sa kanyang maglakad dahil may kailangan pa siyang daanan sa may faculty.

Sumunod na din si Camilla dahil baka mahuli siya sa kanyang klase. Napahinto lang siya ng may nag-text sa kanya.

From: Calix.

   Good morning. Enjoy your day! Bukas na lang tayo magkita.
Don't stress yourself.

Napangiti si Camilla dahil kahit busy si Calix ay di siya nito nakakalimutan nakakahanap pa rin ito ng paraan para makausap o makapagpadala si Calix ng mensahe para sa kanya.

To: Calix

    Salamat...ikaw din, good luck sa training mo.

Kahit na mahirap ang naging subject ni Camilla ngayong araw ngunit may ngiti pa rin sa mukha niya dahil kay Calix.

"Cleir, bagay ba sa akin to' o etong isa." tanong ni Eunice kay Camilla sabay pakita ng dalawang dress sa kanya.

"Mas bagay sayo yung nasa kanan." sabi ni Camilla.

Naisipan kasi nilang mag-shopping na lang dahil matagal na rin nila ito hindi ginagawa. At medyo maaga din natapos ang klase nila para sa araw na yun at weekend na naman bukas kaya nag-enjoy na lang sila para sa araw na yun.

"Ay sige eto na lang bibilhin ko. At teka kanina ka pa nakangiti dyan huh. Anong ganap?" tanong sa kanya ni Eunice.

"Wala naman, naiisip ko lang na nag-effort pa si Calix na alalahanin ako kahit na sobrang busy na niya."nakangiting kwento ni Camilla.

"Kaya pala kanina ka pa nakangiti dyan, pero mamaya mo muna siya isipin di ba girls bonding natin ito, so we need to enjoy kaya naman pumili ka na dito."sabi ni Eunice sabay turo sa mga dress na naka-display sa boutique na pinuntahan nila.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon