Chapter 16

28 0 0
                                    

After a couple of months...

"Cleirrrrrrrrrrrrr, hintay!" sigaw ni Eunice para marinig ng kaibigan.

Naglalakad na si Camilla papunta sa parking lot ng mapahinto siya dahil sa sigaw ni Eunice sa kanya.

"Hoy, anong trip mo at sumisigaw ka dyan? Di ba sabi mo sa parking na tayo magkita."sabi ni Camilla kay Eunice ng makalapit ito sa kanya.

Habol ang hininga ni Eunice bago magsalita dahil sa ginawang pagtakbo. "Hehehe, s-sorry na nakita kitang naglalakad kaya naisipan kong tawagin ka na lang para sabay tayong pumunta ng parking lot."

Tanging iling na lang ang sinagot ni Camilla sa kanyang kaibigan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"By the way, anong ganap mo para sa sembreak natin for 2 weeks?" tanong sa kanya ni Eunice ng makapasok sila sa kotse niya. Walang dalang sasakyan si Eunice kaya sumabay na lang ito sa kanya.

"Wala, siguro magpapahinga lang ako sa bahay. Eh ikaw ba?" balik tanong sa kanya ni Camilla.

Eunice sighed "Actually, hindi ko pa rin alam kaya baka dun muna ako sa inyo kung okay? Mabo-bored lang ako sa bahay kapag andun lang ako."

Tinignan saglit ni Camilla ang kaibigan bago binalik ang tingin sa daan. "Oo naman, atleast may kasama na rin ako."

Ngumiti si Eunice sa kaibigan bago natahimik at hinintay na makarating sila sa bahay ng kaibigan.

"Mom? Dad? I am here." tawag atensyon ni Camilla sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ni Eunice sa kanilang bahay. Ngunit si Lewis na nasa sala ang sumalubong sa kanila.

Nagulat si Camilla ng makita ito. "L-Lewis, I didn't know that you're here?"

Lewis looked at her and Eunice." Yes actually, I am here because of your cousin who dragged me here and I didn't know why but now.... " he paused and looked at Eunice. "But now I know what is his reason. By the way, he is in the kitchen."

Nagtaka si Camilla sa sinabi ni Lewis pero di niya ito pinansin pa. "Oh okay, maiwan ko muna kayo dito at pupuntahan ko lang yung pinsan ko baka kung anong kabaliwan na naman ginagawa nun." Sabi niya at tinignan si Eunice bago pumunta ng kusina.

Nang makaalis si Camilla para pumunta sa kusina ay lumapit naman si Eunice kay Lewis.

"Lewis Martin, is that you?" Eunice said out of shock.

Lewis smirked at the reaction of Eunice."Yes it's me! Ms. Eunice the talkative and crazy kid...But you are now a lady.Hahaha."

Nainis si Eunice sa sinabi sa kanya ni Lewis. "You arrogant! Ikaw nga si Lewis dahil di ka pa rin nagbabago mapang-asar ka pa rin. Bakit porket nagka-muscles ka lang huh!? Don't you remember that you are a chubby kid before."

Sa sinabi ni Eunice kay Lewis ay natahimik ito at nawala ang ngisi sa mukha.

Nakita ni Eunice ang naging reaksyon ni Lewis kaya patuloy niya itong inasar. "Hahahaha, ano hindi ka na nakapagsalita dyan?

"Ikaw talaga na babae ka, alalahanin mo din na umamin ka sa crush mo na ang turing sayo ay kapatid lang. Hahahaha"ganting pang-aasar ni Lewis kay Eunice na siyang nakapagpa-inis dito kaya hinampas siya nito ng unan. Kaya kumuha na rin si Lewis ng unan at nakipag-hampasan kay Eunice.

Naghahampasan ng unan sila Eunice at Lewis ang naabutang eksena ni Camilla at Ar-jay sa sala. Natawa na lang si Camilla dahil sa pag-aasaran ng dalawa. At hindi naman maipinta ang reaksyon ni Ar-jay sa kanyang nakita.

"What's with that face huh couz?" tanong ni Camilla sa pinsan habang nakatingin sa kaibigan na hindi pa ata nararamdaman ang kanilang presensya kaya hindi pa tumitigil.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon