Chapter 30

36 0 0
                                    

"C-Camilla?" gulat na tanong ni Calix ng makabunggo ang dalaga.

Nang marinig ni Camilla ang boses ng binata ay doon na bumuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan. At nakatingin lang siya kay Calix na hindi mabasa kung anong emosyon ang ipinapakita.

"Cleir!" Kaagad na umiwas ng tingin si Camilla kay Calix at pinunasan ang luha niya ng marinig na tinawag siya ng kaibigan at narinig niya ang yabag nito palapit sa kanila.

Humarap si Camilla sa kaibigan at pilit na ngumiti dito."A-Ah Eunice, mauuna na ako sayo.......U-Uwi na ako."

Nagtaka si Eunice ng makita na umiyak si Camilla kaya tumingin siya sa likuran nito at doon niya nakita si Calix, kaya hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ito.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko! Hindi pa ba sapat na niloko mo siya at pinabayaan na masagasaan ngayon naman pinaiyak mo pa siya! Sige Calix ano pang gagawin mo sa kaibigan ko huh!"galit na sigaw ni Eunice kay Calix na hindi pa rin maka-recover sa ginawa niyang pagsampal.

"Calix, anong nangyari sayo?"Nag-alalang lumapit dito si Kristina.

"Wow! Naman what a small world? At talaga ibinabalandra niyo na yung kataksilan na ginawa niyo!"sigaw ni Eunice at pumalakpak pa.

Pinigilan si Eunice ni Camilla."Hayaan mo na sila Eunice, pumasok ka na dun. At uuwi na ako."

"Hindi pwede iyon, kailangan maipamukha dito sa dalawa na ito ang kagaguhan na ginawa nila. Nakakadiri kayo! Hindi na kayo mga nahiya! "Sabi ni Eunice sabay tingin sa dalawa.

"H-Halika na Eunic--"

Naputol ang sasabihin ni Camilla ng biglang magsalita si Kristina."Tama yan Camilla, yayain mo nang umuwi iyang palengkera mong kaibigan."sabi nito at itinuro pa si Eunice.

"At talagang ako pa yung sinabihan mo ng palengker--"pinigil ni Camilla si Eunice sa pagsasalita at humarap kay Kristina.

"Alam mo kanina pa ako nagtitimpi sayo eh! Hindi lang kita pinapatulan dahil ayokong babaan yung standard ko sa pang-aaway sa desperadang babae na kagaya mo. At ikaw yung palengkera sa atin."  hindi na napigil ni Camilla ang kanyang sarili.

"How dare you!" akmang sasampalin siya ni Kristina ngunit inunahan ito ni Camilla kaya napasalampak ito sa sahig.

"No, how dare you! Ikaw na ang nang-agaw ikaw pa yung matapang. Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo! Nakakahiy--"

"Tama na!"napaigtad si Camilla sa ginawang pagsigaw ni Calix bago nito tinulungan tumayo si Kristina.

"Hoy! Wag kami ang sigawan mo. Nakita mo naman kung sino yung nauna di ba..... Depende na nga lang kung magbubulag-bulagan ka!"sigaw ni Eunice kay Calix.

"Di ba sabi ko, tama na! Tama na! Pwede ba yayain mo na yang kaibigan mo na umalis. Kung makapagsalita akala mo kung sino, naninira pa samantalang siya nagpapakita ng kawalan ng respeto. Ganyan ba yan pinalaki ng mga magulan--"

Hindi naituloy ni Calix ang dapat nasasabihin niya ng malakas siyang sinampal ni Camilla. Magkabilang pisngi siya sinampal ni Camilla at tumigil lang ng maging manhid na ang kanyang kamay sa pagsampal dito.

Nagsalita si Camilla ng puno ng galit kay Calix habang ito ay nakatabingi ang pisngi dahil sa ginawang sampal ni Camilla."A-A-Ang kapal mukha!......M-Mas maayos akong pinalaki ng mga.....ng mga magulang ko kaysa sainyong dalawa.....K-Kaya wala kang karapatan na sabihan ako na walang respeto..... D-Dahil ang respeto hindi binibigay yun sa mga walang kwentang tao na kagaya niyo!.....S-So, bakit inaasahan ng mga katulad niyo yung respeto ko!" galit na sabi ni Camilla kay Calix habang pinipigilan ang sarili na wag umiyak sa harap nito.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon