Chapter 1

71 2 0
                                    

"Kahit na magsungit ka pa sa akin hindi kita titigilan. Baka mas lalo lang kitang magustuhan niyan."-Calixto Jacobe Williams

**********

Camilla Cleir Grey bakit kahit na anong ganda pakinggan ng pangalan niya parang kaakibat nito ay labis na kalungkutan. She is a Fashion Designer student. Only child of Mr. And Mrs. Grey who has a business of a real estate. Pero kahit anong ganda ng buhay niya mas pinili nitong maging simple lang. Madalas ay siya lang mag-isa ang naiiwan sa kanilang bahay dahil madalas wala ang kanyang parents dahil sa business trip nito. Magkikita si Camilla at ang kanyang boyfriend sa isang park malapit sa kanilang lugar. Bihis na bihis si Camilla dahil ito ang kanilang 2nd anniversary. Naalala pa niya nung maging sila ni Anthony nung 3rd year highschool. Sobrang effort kasi nitong manligaw kaya ayun napa-OO sya nito. Kahit na sabihin pa ni Eunice na marupok sya kasi alam niya na babaero talaga si Anthony kaya lang masyado syang nahulog sa mga mabulaklak nitong mga salita. At isa pa sa dalawang taon nila ni Anthony naramdaman niya ang pagmamahal nito sa kanya.

Kasalukayang nakaupo ngayon si Camila sa isa sa mga bench habang nag-aantay kay Anthony, hawak nito ang kanyang cellphone at nag-iintay sa tawag o text ni Anthony sa kanya ngunit wala pa din ito. "Anthony, nasaan ka na ba? Kanina pa ako dito." pagkausap ni Camilla sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang cellphone.

Kanina pa kasi siyang 7:30 nag-iintay malapit ng mag 11:00 wala pa rin si Anthony sa meeting place nila. Konti na lang maiinis na siya dahil halos apat na oras na siyang nag-iintay. Tinatawagan niya si Anthony kaya lang ayaw naman nitong sumagot. Nagba-bakasakali siya na baka na trapik lang ito. Pero halos kanina pa at naiinip na siya sa pag-iintay pero wala pa ring Anthony na nagpapakita.

Maglalakad na sana si Camilla pauwi sa kanilang bahay at ite-text na lang niya si Anthony ng biglang tumawag ang kanyang kaibigan na si Eunice. "Hello, Eunice, napa-tawag ka? May importante ka bang sasabihin?" tanong ni Camilla nang sagutin ang tawag.

Narinig ni Camilla ang pagbuntong-hininga."Asan ka? Di ba ngayon yung anniversary niyo ni Anthony?" nahihimigan niya ang pagtataka sa boses nito. Naalala niya na naman ang dapat pagkikita nila ng binata ngunit hindi ito dumating. 'Oo ngayon nga pero hindi naman ito dumating nag-intay lang ako sa wala.' sa isip isip ni Camilla.

Malungkot na tumango si Camilla kahit na alam niyang di ito nakikita ni Eunice."Oo ngayon dapat yun kaso di naman siya dumating eh. Baka busy siya sa company nila kasi di ba may business pa siyang inaasikaso kaya ayun baka di na dumating, magte-text na lang ako sa kanya."sagot ni Camilla kahit na di naman niya talaga alam kung bakit hindi siya sinipot ng kanyang nobyo. Mas pinili niya pang mag-sinungaling sa kaibigan para lang maipag-tanggol ang kanyang nobyo.

"Ha? Anong busy? Bakit andito siya sa coffee shop na pagkikitaan namin ngayon ni Ate Kyla?. Parang may inintay, hindi ba ikaw yung inintay niya?" sunod sunod na tanong na kanyang kaibigan. Nabalot ng pinaghalong labis na pag-alala at pagtataka ang kalooban ng dalaga sa mga sinabi ng kanyang kaibigan. Pag-alala dahil baka kanina pa ito nag-iintay sa kanya. At pagtataka dahil ang usapan nila ay sa park magkikita at hindi sa isang coffee shop.

Biglang nabuhay ang kakaibang pakiramdam sa kalooban ni Camilla at hindi niya ito magawang mapangalanan. Maaari kaya na iba ang pagkakatagpuin ng binata at di nito naalala na ngayon ang importanteng araw nilang dalawa. 'Pero ang sabi niya intayin ko siya sa park malapit sa amin at dun niya ako susunduin? Paanong sa isang coffee shop ito pumunta.' ayan ang tumatakbo sa isipan ni Camilla. Tinignan niya pa ang kanyang cellphone at nagbabaka-sakali na nag-text ito sa kanya at sa isang coffee shop na lang magkikita ngunit wala man lang itong text or tawag.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon