Chapter 6

32 0 0
                                    

PARADISE beach in Bantayan Island. A turquoise water, rustic appeal and fine, white sand shore. You can laze on the beach, swim in the water or spend hours just relaxing and experience a lot of activities.

Naku! Itsura pa lang sa internet maganda na....Paano pa kaya kapag napuntahan namin di ba?

This is the vacation I needed!

Excited for this one....

Ito ang napiling destination nila Camilla at Eunice para sa bakasyon nilang dalawa. Finally natapos na rin ang exam nila kaya pwede na silang magbakasyon. At nagpapasalamat sila ni Eunice at napasa nila ang kanilang exam kaya wala na silang po-problemahin kundi ang mag-relax.

Basta tiwala at tiyaga lang maipapasa namin yung exam.

Also, di ko nagawang lumabas dahil na rin nasa exam lahat ng pinag-aralan ko.

Hahaha!

Kaya ngayon ay nag-ikot ikot sila para mamili ng kakailanganin nila para sa bakasyon sa Cebu. Bukas na ang alis nila at nakapagpa-reserve na rin sila sa Isla na yun. Mahirap nang maunahan dahil sa mabilis itong ma-fully booked dahil sa dami ng taong gustong mag-bakasyon dito.

Masayang tumingin si Eunice kay Camilla."O-M-G Cleir!......excited na ako sa bakasyon natin......Finally!  I can relax myself for everything na nagpapa-stress sa akin this past few weeks." habang tumitingin tingin sa mga summer outfit sa isang shop sa mall.

"Kaya nga e, buti nakapag-book na tayo ng reservation. And of course sobrang ganda ng napili nating island!......siguradong makakapag-relax tayo dun." nakangiting tugon ni Camilla.

"For sure yan, tara mamili na tayo ng swimsuit and mga beach outfit natin. Para makapag-empake na tayo, para sa pag-alis natin bukas." excited na sabi ni Eunice sa kaibigan. At bumalik na sa pamimili.

Natatawang umiling iling si Camilla dahil mukhang excited na excited ang kaibigan niya sa bakasyon nila."O, sige na Eunice, para maaga tayo makaalis para bukas." masayang sabi ni Camilla at namili na ng mga pang-outfit para sa bakasyon nila.

I hope,maging masaya ako sa bakasyon na ito.

Bantayan Island, here we come!!!

After nila sa pag-iikot sa iba't-ibang boutique at shop sa mall ay naghahanap na sila ng makakainan dahil na rin sa nakaramdam na silang dalawa ng gutom.

Busy sila sa pagpili ng restaurant ng may biglang may bumunggo kay Camilla, kaya naglaglag lahat ng pinamili niya.

Handa na si Camilla na harapin ang babae dahil hindi man lang nito nagawang mag-sorry at hindi rin siya nito tinulungan. Ngunit dali-dali lamang itong umalis na animo'y may hinahabol.

Sino ba yun?

Ang galing ah!

"Hoy! Babae bumalik ka dito hindi mo man lang tinulungan yung kaibigan ko.......Hoy!" sigaw ni Eunice sa babae na nakabunggo kay Camilla.

Hinawakan ni Camilla ang kamay ni Eunice upang pigilan ang pag-habol nito sa babae."Eunice, okay na wag ka ng sumigaw nakakahiya." bulong dahil pinagti-tinginan na kami ng mga tao sa mall. "Okay lang ako......Hayan mo na baka may hinahabol at di nagmamadali." pagpapakalma ni Camilla sa kaibigan.

"Ay naku! kahit ba nagmamadali siya kahit mag-sorry man lang di niya nagawa...Tsk! panira ng araw yung babae..... Kainis!" tinulungan siya nitong pulutin ang mga gamit na nalaglag."Okay ka lang ba talaga? Baka may masakit sayo?" nag-aalalang sabi ni Eunice kay Camilla.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon