Chapter 28

24 0 0
                                    

"Where's the room number of Ms.Camilla Gre--" naputol ang gusto pang sabihin ni Calix ng magsalita ang nasa likod niya.

"Anong ginagawa mo dito!?" galit na tanong ni Eunice ng makita si Calix.

Simula ng dalhin si Camilla sa ospital kahapon ay hindi man lang ito nagpakita kaya ganun na lang ang galit na nararamdaman ni Eunice ng makita ito. Para sa kanya ay para itong pinabayaan ni Calix at magpapakita lang kung kelan nito gustuhin.

"Ah, Eunice gusto ko lang bisitahin si Camill--" bago pa matapos ni Calix ang sasabihin niya ay nakalapit na si Eunice at kaagad siyang sinampal.

Wala ng pakialam si Eunice kung gumawa man siya ng eksena dahil sa pagsampal niya kay Calix."Ang kapal ng mukha mo na magpakita pa rito! Di ikaw ang kasama ni Camilla bago siya naaksidente! Bakit mo siya pinabayaan? Bakit siya naaksidente huh? Nasaan ka huh, maski man lang yung pagdala niya dito sa ospital , wala ka tapos ngayon ka magpapakita!"bulyaw ni Eunice kay Calix.

"Eunice I'm sorry..... I'm so sorr--"

"Anong magagawa niyang sorry mo huh!........A-Anong magagawa niyan?.....Calix mapapagaling ba ng sorry mo yung mga sugat ni Camilla huh!...Calix hanggang ngayon wala pa ring malay yung kaibigan ko.....K-Kung hindi mo lang sana siya pinabayaan ay hindi mangyayari to'!........Asahan ka nung nasagasaan si Camilla huh!...... Kaibigan ko yung halos naubusan ng dugo dahil lang pinabayaan mo. Naiintindihan mo ba huh Calix, GIRLFRIEND mo!" hindi na napigilan ni Eunice ang maiyak.

Umiyak na din si Calix."I'm sorry!" yun na lang ang tanging nasabi ni Calix dahil hindi niya kayang explain kung ano talaga ang nangyari dahil baka lalo lang nito iyong ikagalit.

Umiling si Eunice at pinupunasan ang mga luha."Enough of your sorry, haggang hindi mo nae-explain kung ano ang nangyari kay Camilla hindi ka makakalapit sa kanya."sabi ni Eunice at tumawag ng guard upang palabasin na si Calix.

"Wag niyo na po siyang papasukin dito manong." sambit ni Eunice kahit na nagmamakaawa pa si Calix sa kanya na papasukin siya. Umalis na siya dun at pumunta na sa pwesto niya at inilagay ang kanyang gamit bago puntahan si Camilla.

Nang palabasin si Calix ng guard kahit na nakikiusap pa si Calix na papasukin siya nito ngunit hindi siya nito pinapapasok. Simula ng mawalan siya ng malay ay hindi na niya alam ang nangyari at nung magising siya kanina ay  naalala niya si Camilla at ang nakahandusay nitong katawan sa sahig napuno ng dugo. Ay dali dali siyang bumangon kahit na sumasakit pa ang ulo niya gusto niyang magpaliwanag dito.

Kahit na pinigilan siya ng magulang niya para makapagpahinga siya ay hindi siya nakinig at patuloy lang si Calix sa pag-alis at nung malaman kung saang ospital dinala si Camilla ay kaagad niya itong pinuntahan. Ngunit ng nakita naman siya ni Eunice kaya hindi niya alam ang room number ni Camilla.

Nakaramdam ulit si Calix ng matinding pagsakit ng ulo dahil sa labis na pag-iisip napapansin niya lately na madalas ng umaatake ang pagsakit ng ulo niya ngunit hindi pa rin siya nagpapacheck-up . Napasalampak si Calix sa sahig sa labis na pagsakit  ng kanyang ulo at may lumapit sa kanya walang iba kundi si Kristina at tinulungan siyang tumayo.

"Calix, anong nangyari sayo?" Nag-alalang tugon nito.

Iniwas ni Calix ang braso ni Camilla na nakahawak sa kanya."A-Anong ginagawa mo dito!?......Umalis ka dito! Akala mo ba nakalimutan mo na yung ginawa mo!"

"M-May pupuntahan lang ako dito....tapos....tapos nung nakita kita dito nilapitan kita. Okay ka lang ba?"paliwanag ni Kristina.

"I don't need your fake concerned, pwede ba umalis ka na! Ayoko ng makita yang mukha mo."sigaw ni Calix habang nilalabanan ang matinding sakit ng kanyang ulo.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon