Chapter 26

18 0 0
                                    

Maingay ang lugar kung saan ginanap yung party ng kaibigan ni Calix. Chapter they arrive some of the guests are a little bit tipsy because some of them drunk and arrive earlier. Agad nilang nakita ang grupo nila Brian kaibigan ng boyfriend ni Camilla sa dulong table at mula sa malayo natanaw nila ito na nagkakatuwaan. Medyo may tama na yung iba dahil sa labis na pag inom ng alak.

"Uyy guys andito na pala sila Calix at Camilla e." tawag atensyon ni Brian sa mga kasama niya ng makita niya ang paglapit ng dalawa.

"Hi!" naka-ngiti at medyo ilang na bati ni Camilla sa mga kaibigan ni Calix na di pa niya masyadong kilala medyo pamilyar sa kanya ang iba dahil nakikita niya mga ito sa kanilang school. Si Brian at Kendrick lang kasi ang kakilala ni Camilla sa mga ito.

Nakipag-fist bump naman si Calix sa mga kaibigan niya at tipid na ngumiti sa mga ito. "Happy Birthday bro'." bati ni Calix sa kaibigan na halatang mong may tama na. Mukhang kanina pa ang mga ito nag-iinuman medyo late na din kasi sila ni Camilla dumating dahil marami pa siyang tinapos na trabaho sa opisina at madami ding tinapos na school work si Camilla dahil graduating na rin siya.

Humarap naman si Camilla kay Kendrick. "Happy Birthday Kendrick, thanks for inviting us. Sorry kung medyo late kami sobra dami ko pa kasing school works na tinapos e." hinging paumanhin ni Camilla sa binata.

"Thanks bro' and Camilla for coming. Okay lang Camilla atleast nakapunta kayo kahit na alam kong busy kayo pareho."nakangiting tugon ni Kendrick.

Ipinakilala ni Calix si Camilla sa ibang mga taong naroon at nag-umpisa na ang mga ito sa pagbibigay sa kanila ng mga inumin mabuti na lang at nag-dinner muna sila Camilla at Calix bago pumunta sa bar. Kahit medyo naiilang ay ngumingiti pa rin at nakikipag-usap si Camilla sa mga taong naroon. Nakita pa niya ang pilyong ngiti ni Kendrick kay Calix habang nagbubulungan ang mga ito. Ngunit ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito marahil dahil lamang ito sa labis na kalasingan.

Nagkakatuwan sila nang biglang mag ring ang cellphone ni Camilla at nakita niya sa caller ID ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Eunice. Pa-simple niyang nilapag ang hawak na inumin at mahinang  kinalabit si Calix na nakikipag-usap sa iba nitong kaibigan.

Ipinakita nito ang kanyang cellphone. "Babe, I need to answer this call. Baka importante. Si Eunice yung tumatawag e."pabulong na sabi ni Camilla kay Calix.

Nakangiting tumango si Calix sa kasintahan. "Okay babe, go ahead take your time."

Nagpaalam si Camilla sa kaibigan ng kanyang boyfriend at agad na siyang tumayo at pumunta sa medyo tahimik na bahagi ng bar at  sinagot ang tawag ni Eunice.

"Hey Eunice!, why did you call? May problema ba?" Kaagad na tanong ni Camilla sa kaibigan ng sinagot niya ang tawag nito.

"Hello Cleir?" narinig niyang sagot ni Eunice sa kabilang linya. "Bakit parang maingay diyan!? Asan ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan at sandaling napahinto ng may ma-realize. "O-M-G! Wag mong sabihing nasa bar ka naman!? Don't tell me na nag-awa--"

"Wait! Eunice pwede ba kumalma ka muna." putol ni Camilla sa sinasabi ng kanyang kaibigan.Alam niya kasi na may pagka-OA ito sa relasyon nila ni Calix. Akala ko mo kung makapag-react ay may naka-relasyon na ngunit wala pa naman. "Yes nasa bar nga ako pero di gaya ng nasaisip mo yung dahilan." sagot ni Camilla sa kaibigan.

"E,kung di naman pala nag-away. Anong ginagawa mo diyan ha?"takang tanong ni Eunice kay Camilla. Sasagot na sana si Camilla ng magsalita muli si Eunice."Hoy! Camilla Cleir Grey! Magsabi ka ng totoo! Wag kang magsisinungaling sa akin dahil alam kong alam mo na kilalang-kilala na kita!" alam na kaagad ni Camilla na galit na ang kaibigan kapag binanggit na nito ang buo niyang pangalan. At alam nito kung nagsisinungaling siya o hindi dahil mga bata pa lang sila ay kaibigan niya na ito.

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon