Chapter 18

20 0 0
                                    

"Waiter please!" tawag ni Brian sa waiter ng makahanap sila ng upuan.

Sa isang steak restaurant nag-late lunch sila Camilla dahil dito sila itinuro ng mga kaibigan ni Calix. Wala namang reklamo sila Camilla dahil ang mga ito naman ang nag-aya.

Nang makapag-order silang lahat ay umalis na ang waiter para asikasuhin ang order nila ay nagpa-alam siya sa mga ito na pupunta lang ng c.r.

Nag-ayos lang siya ng kanyang sarili sa c.r dahil medyo pinagpawisan siya kanina sa school at nagmaneho pa siya papunta dito sa restaurant. Di rin naman siya nagtagal sa c.r dahil nag-ayos lang ng kanyang sarili. At ng makabalik siya nakita niya na parang nagiging komportable na si Eunice kila Calix dahil nakikipag-usap na siya dito.

"Yes, actually kaming dalawa ni Camilla nag-try kami magtrabaho sa company namin dahil syempre sayang naman yung dalawang linggo sembreak kung nasa bahay lang kami di ba. At tsaka hello, nakakatamad kaya yun. Kaya nagpasya kami ni Camilla na i-try mag-trabaho sa company namin para may alam kami kung paano patakbuhin yun. Kayo ba?" narinig ni Camilla na sabi ni Eunice kila Calix pagkabalik niya mula sa c.r.

Habang sine-serve ang kanilang pagkain ay nagsalita si Kendrick."Ayun, ako sa bahay lang then tamang bar lang sa gabi para mag-chill di ko na naisip mag-short vacation dahil paniguradong mabibitin lang ako."

Pagkatapos i-serve ng pagkain nila ay nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang kumakain.

"Ako naman ay nakapag-vacation pa kahit papaano sa Zambales, actually kahapon lang ako bumalik dito sa Manila dahil na rin kailangan ko mag-enroll." sabi ni Brian at tumingin kay Camilla. "Actually, nung after ng pag-uusap namin ni Camilla ako umalis. Ikaw Calix,anong ginawa mo this sembreak?" tanong ni Brian sabay tingin kay Calix na tahimik na kumakain.

"Me? Actually I also work on my parents company. Syempre one year na lang ga-graduate na ako, so after that I'll take over our family business."sagot nito.

Hanggang sa matapos silang kumain ay nag-uusap lang sila , nagpahinga sandali at ng matapos ay nagpasya ng umuwi.

"Thank you for the food. We really enjoyed it, so I guess this is the time to bid good bye. See you na Lang tommorow."nakangiting sabi ni Eunice.

"Yes, thank you so much." sabi naman ni Camilla.

Ngumiti si Kendrick sa kanila."Wala yun, buti naman at nag-enjoy kayo. Salamat din."

"Ingat kayo."sabi naman ni Brian sabay tingin kay Calix. "Bro' aalis na sila di ka ba magpapaalam?"

Kaagad siyang tinignan ni Calix."Ahm, salamat sa oras niyo, ingat kayo sa pag-uwi niyo."sabi ni Calix sa kanila.

Narinig niya na tumawa sila Kendrick at Brian sa sinabi ni Calix. Masama silang tinignan ni Calix.

"Bro' ayaw mo pang deretsyohin eh, alam naman na gusto mong hingin yung number ni Camilla. Tinutulungan ka na nga namin eh, hina mo naman dumiskarte eh!"sabad ni Brian.

"Oo nga naman bro' parang di ikaw yan eh. Ay, ang hina!"singit din ni Kendrick.

Narinig ni Camilla na natawa si Eunice sa mga sinabi ng mga kaibigan ni Calix tungkol sa kanya.

"Tss! pwede ba tumigil na kayo. Pauwiin niyo na yung tao."saway ni Calix sa mga kaibigan.

"Tsk, tsk,tsk, pauwiin daw. Hahahhaa...Ang hina mo talaga. Di ka naman ganyan ah..Sabagay ikaw nga pala ang nilalapitan." saad ni Brian sabay tingin kay Camilla."Ganto kasi dapat bro', Camilla pwede ko bang hingin yung number mo para sa kaibigan kong na-torpe dahil sayo. Hahhaah."

Tumawa si Camilla."Hahahhaha, O sige yun lang pala. No problem, where's your phone?"

Tumingin si Brian kay Calix na may ngiti sa mga labi."Oh bro' phone   daw, ayan huh ako na ang gumawa ng paraan, para sayo. Hmp! Ang hina mo kasi eh. Hahaha."

Camilla Grey: The Rebound ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon