03

506K 15.1K 27.5K
                                    

"PAANO ba 'yan? Maiwan ko na kayong dalawa. I need to attend a meeting. Canna, please take care of Lury," bilin ni Aadavan.

I silently scoffed and roll my eyes. Ano siya? Baby para bantayan? He's old enough to take care of himself!

Hindi na siya bata 'no. Nakagawa na nga siya nga bata e. Tatlo pa.

"Ow, honey! You're so sweet. Don't worry, baka ako pa ang umasikaso sa secretary mo," binabaeng sabi ni Lury.

I just silently rolled my eyes at him. Kung puwede ko lang siyang tirisin ng bunggang-bungga kanina ko pa ginawa.

Magkatabi sila ni Aadavan at nakalingkis ang bakla sa braso ni Aadavan. He even rested his head on Aadavan's shoulder and Aadavan just let him.

Sinusubuan niya pa talaga si Aadavan kanina. Like hello? May tao po rito sa harap? Sarap hambalusin ng baklang ito e. Ito namang si Aadavan, uto-uto. Ayon nagpasubo rin. Game na game si Aadavan sa mga pinaggagagawa ni Lury habang ako tamang nood lang sa kanila. 

Ang sakit nila sa mata. Nakakasuka. Nakakainis. Nakakagigil.

I'm still trying to be calm and collected as if nothing happened but I can't help myself not to be irritated.

Naiinis ako. Lalo na sa pagdikit-dikit niya kay Aadavan. Ang landi-landi niya. Kulang na lang halikan niya ang lalaki sa harap ko. Ang sarap kalbuhin.

"Don't worry, Lury. Mabait si Canna," ani Aadavan.

Matamis akong ngumiti sa kaniya at hindi binigyan ng pansin ang katabi niya.

"Mabait naman talaga ako sa taong mabait sa akin," sambit ko sa kaniya.

He just chuckled but I heard a scoffed beside him. I looked at Lury and he just raised his eyebrow at me at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ni Aadavan.

Peke akong ngumiti sa kaniya. Kung pwede lang talaga kanina ko pa siya kinagat sa paa. 

"Baka gusto mong bitawan 'yong braso ng boss ko, Lury? May meeting siya 'di ba?" sabi ko at pilit na itinatago ang pagiging sarkastiko roon.

Maarte namang namilog ang kaniyang labi. He pout before looking at Aadavan.

"But I don't wanna let go of my honey," parang bata niyang sabi.

I looked at him with disgust before averting my eyes at them. Tumingin na lang ako sa labas at doon tinuon ang pansin ko. Goodness. 'Di ko kaya ang nakikita ko. Nakakakilabot. Hindi sila bagay!

"Magkikita pa naman tayo, Lury. I just need to attend the meeting. Punta ka na lang sa opisina ko mamaya kapag tapos na kayong maglibot ni Canna," rinig kong sabi ni Aadavan.

Bahagyang napataas ang kilay ko sa sinabi ni Aadavan. So may pa-VIP treatment pa pala ang Lury niyo. 

Masaya naman humagikgik si Lury. I mentally rolled my eyes when I heard that. Sayang-saya naman siya, hmp. 

"That's so sweet honey," Lury happily said.

Hindi na ako nakapagtimpi at tumingin kay Aadavan.

"Can't she just go around all by herself? May paa naman siya e," saad ko kay Aadavan at hindi na tinignan pa si Lury. 

Lury dramatically gasped because of my rude behavior.

"E paano kung mawawala ako rito?" Lury asked.

Mataray ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay. 

"E bakit? Bata ka ba para mawala?" sarkastikong tanong ko.

His lips turned into a thin line but after a while, the corner of his lips slanted upwards.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon