18

559K 14.7K 28.6K
                                    

Dedicated to: VherlynDecera9, jeonabimnl, keeperwatson, lastdrale, and ionaangls

~*~

"MAMA, I'm done eating na po."

Napalingon ako sa anak ko at nakita kong nakatingala sa akin si Calina habang hawak-hawak ang platong pinagkainan niya na wala na ngang laman.

Ngumiti ako sa kaniya bago kinuha ang pinagkainan niya.

"My baby girl is very good. Now, seat down for a while, kakatapos niyo lang kumain. Join your brothers," sambit ko sa kaniya at sinilip ang dalawa niyang kapatid na magkatabing naka-upo at tahimik na nanonood sa sala.

Mas naunang natapos kumain ang dalawa at nahuli si Calina, as usual.

"Okay po, Mama," sabi niya. "Pero Mama, alam mo po?"

"Hmm?"

"Ang sarap po no'ng rice natin hihi. Malambot po siya tapos mas masarap kaysa sa dati nating rice."

Napangiwi ako. "T-Talaga?"

"Oo, Mama. Palaging gano'n kunin mo po ha?" she cutely asked and I just nod at her and she happily went to her brothers and joined them.

Napansin ko rin kanina na magana kumain 'yong dalawa kong anak na lalaki.

Kailangan na sigurong araw-arawin ni Lurusus ang pagbibigay sa akin ng isang sakong bigas.

His kids liked it.

May ambag naman pala talaga ang pa-bigas ng Mayor niyo. Papadagdagan ko na rin ng ulam, para naman 'to sa aming mag-iina niya.

Padagdagan ko na rin kaya ng rice cooker?

Itinuloy ko na ang paghuhugas ng plato at paminsan-minsan ay sinisilip kung ano ang ginagawa ng tatlo sa sala.

I smiled when I saw them quietly watching a cartoon about cars. I'm actually proud that they aren't fighting about what they watch because usually, siblings fight to take turns on the television and watch their favorite cartoon.

But my triplets are different. They know how to take turns. Calina would join her brothers while they are watching some car movies and Caius and Callum would also join Calina when she watches her favorite Barbie show.

Wala naman akong naririnig na reklamo mula sa isa't isa. They just watch and enjoyed each other's favorite cartoon movies.

Pagkatapos kong hinugasan ang pinagkainan namin, lumabas ako para daluhan sila noong sakto namang may narinig akong kumatok.

Lumapit ako sa pintuan bago iyon binuksan at sumalubong sa akin ang isang maputing babae na nakasuot ng mga panlalaking damit. She is inches shorter than me but she looks very pretty.

Mapilantik at itim na itim ang kaniyang pilikmata. Her eyelashes perfectly define her light brown orbs. Her eyes look very deep and powerful and she has a cute pointy nose and thin pinkish lips.

"Hello po. Ako po 'yong mag-a-apply bilang babysitter," she told me and her voice is even soft.

Ngumiti ako sa kaniya at nakipagkamay. "Hi, what's your name?"

"Crystel Ann Maranan po, Ma'am," sagot niya sa akin bago tinaggap ang aking pakikipagkamay.

I chuckled. "I'm Calixta but can just call me Canna. No need to call me Ma'am. "

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon