20

620K 14.2K 23.4K
                                    

Dedicated to: starrymaxi_lohr14, arianne_jazel, CallMeMeibe, czypatatas

Special mention to: Rizzalyn Salvador, Nicole Dolorpo, Leslie Mae Pudol, Belle Abrera and Gel Jasmine

Sharawawt to RDLW!

~*~

"DAMN, bambolina. I still can't believe that we are already a couple," sambit ni Lurusus habang nakatingin sa akin.

Nakaunan siya sa hita ko at pinaglalaruan niya ang aking buhok. Iniikot-ikot niya ang dulo no'n sa kaniyang daliri. He's been doing that for an hour already.

"Gusto mo ba bawiin ko?" tanong ko sa kaniya.

Unti-unting namilog ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay mabilis siyang umiling na parang bata.

"What?! Of course not," wika niya. "Pinaghirapan kita e, bakit kita papakawalan?"

I couldn't help myself not to giggle because of his cute behavior. Nanggigigil kong pinisil ang kaniyang pisngi, ni hindi naman siya umangal o kaya dumaing. Nagpatuloy lamang siya sa paglalaro sa aking buhok.

"Talaga? Hindi mo ako papakawalan?"

Tumango siya. "Oo naman. Hindi naman ako tanga para pakawalan ka. Sayang din 'yong perang ginastos ko sa'yo 'no," sabi niya.

I scoffed before playfully slapping his chest.

"E paano kung hindi na ako masaya sa piling mo?" tanong ko ulit sa kaniya.

Napakunot naman ang noo niya sa tinanong ko. "We are just starting our relationship and that is your freaking question? What's the matter with you, bilat?"

"Bakit ba? Nagtatanong lang naman ako e. Masama ba 'yon?"

Masama bang maging advance? At saka gusto ko rin marinig 'yong sasabihin niya.

Bahagya siyang natigilan bago ngumuso at mukhang nag-isip. I reached his head before combing his hair using my fingers, feeling each smooth fiber against my palm.

I saw how his face become serious before staring at me directly in the eyes. May kakaibang emosyon akong nakitang dumaan sa kaniyang mga mata pero hindi ko iyon nabasa.

"Kaya kitang palayain kapag nagsawa ka na at hindi ka na masaya sa akin," sambit niya kalunan.

I hummed. "Talaga ba?"

"Oo," seryosong sabi niya bago umirap. "Pero duh, bakit ka naman di magiging masaya sa akin? Limited edition to 'no. Walang makakapantay sa akin at saka sigurado ako, 'di mo ako kayang pakawalan," pagyayabang niya.

Malakas akong natawa sa tinuran niya. Kahit kailan talaga, mataas pa rin ang tingin niya sa sarili niya pero oo nga naman, limited edition lang ang isang Lurusus Nicaise De Azarro. Nag-iisa lang sa buong mundo.

"Okay. Break na tayo," pagbibiro ko.

"What? Why?"

"Hindi na ako masaya sa'yo e," saad ko sa kaniya.

He scoffed before rolling his eyes.

"Sabihin mo na lang sa'kin 'yan kapag kaya mo ng maglakad at hindi na masakit ang kepay mo," he sarcastically said.

My jaw dropped and I gasped. Nagsimulang mag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya, umabot na rin iyon hanggang sa batok ko. I smacked his stomach earning a painful groan from him.

Hiding the Green Carnation's Heirs | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon