Chapter 38: Mortem's Rise

28.3K 710 23
                                    

a/n: credits and special thanks kay @-Knightingale para sa banner x)

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 38: Mortem's Rise

--

Third Person's POV

Vera internally grin as she heard one of her grandfather's capos said that she's perfect for the title of becoming a Mafia Boss. Well, she is.

"The declaration of the future ruler of Mortem Mafia should be held as soon as possible." wika ng isang capo.

"All of your grandfather's alliance should know this." wika pa ng isang capo.

"They should."

Nagkaroon sila ng maikling pag-uusap hindi lang tungkol sa pagdedeklara kay Vera bilang panibagong Mafia Boss kundi tungkol rin sa kompanya at sa negosyong naiwan ng kanyang Dada.

Habang nag-uusap sila ng mga Capos ng kanyang pumanaw na lolo, napadako ang tingin ni Vera sa kanyang cellphone nang bigla itong mag-ring. 

Napatigil naman ang isang Capo sa kanyang pagsasalita sa biglaang distraction ng kanyang sinasabi. Mabilis na tinignan ni Vera kung sino ang tumatawag. Pinatay nya ito at itinuon ang pansin sa kausap.

"Sorry for the distraction. Okay go on." pahayag nya.

"As I was saying Lady, it's great if we associates with the gangsters for our transaction at the Darkground."

Ninanais nila ngayong mapapayag si Vera na kung maaaring gamitin ang mga gangsters bilang associates para sa mga illegal nilang transaksyon. 

"So what can you say, Lady?"

"Transaction for what?"

"For import of high caliber guns."

"Oh. That's great."

Mulat na si Vera sa magulo at maduming mundo ng sindikato. Kumbaga, itong proposal sa kanya ay ordinaryo na lamang para sa kanya. Para lang itong business.

"So..?" halatang nag-aantay ng magiging kasagutan ni Vera. Gusto kasi nilang ipalaganap ang illegal na transaksyon nila sa Darkground dahil mas makakalikom sila dun ng malaking pera at mas lalaki ang kanilang nasasakupan dahil nga ang Mafia ay puro pera ang gusto nila at syempre kapangyarihan din.

"I'll think about that. I'll talk with the councils."

"We're looking forward for you, Lady."

Matapos ang kanilang pag-uusap, nagsitayo na ang lahat ng mga Caporegime at ganun din si Vera saka nila kinamayan ang isa't isa. Isa isa na silang nagpaalam kay Vera pati na rin kay Mr. Blancard bago sila tuluyang lumabas.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon