Chapter 43: It's Time

24K 589 11
                                    

Brown-Eyed Queen

Chapter 43: It's Time

--

Third Person's POV

Wala pang 8 am, nandun na sila sa kanilang destinasyon. Kailangan nilang mauna para hindi masira ang plano.


"This is it." sambit ni Vera habang nakatanaw sa matayog na building. Malaki ito at malulula ka sa taas kapag tinignan mo pa ito hanggang sa itaas.


Naghanda na si Vera para sa pagpasok niya. Isinukbit na niya ang bag sa kanyang balikat at handa ng lumabas.


"Lady." pagtawag niya kay Vera. Nilingon naman siya nito.


"Be careful." sinserong tugon niya.


Matipid namang ngumiti si Vera sa kanya, "I will, Jinx."


Papalabas na si Vera nang tawagin siya ni Jinx, "Wait."


Natigilan naman siya at nilingon si Jinx.


May kung anong kinuha ito sa loob ng kanyang coat at inabot yun kay Vera, "You'll need this to cover up your face. And the other one was the transmitter."


Tinanggap naman niya iyon at tipid na nginitian si Jinx bago tuluyang lumabas ng sasakyan.


Dumaan sa likod si Vera para sa fire exit ang kanyang diretso ng pasok, pero hindi pa siya nakakalapit nang may mahagip siyang dalawang lalaking naka-itim at parehong may bitbit na baril.


Napangisi na lamang siya, "It's time to kick some asses." nagsimula na siyang maglakad at hinugot na niya ang kanyang baril sa waistband sabay kasa rito.


Agad naman siyang nakita ng dalawang lalaking naka-itim na backdoor na nagsisilbing bantay. Akmang babarilin siya ng mga ito nang unahan na niya. Sunod sunod niyang binaril ang dalawa.


Humarang sa pinto ang walang buhay na katawan ng dalawa. Kinuha niya ang mga dalang baril nila at malakas silang sinipa upang hindi makasagabal. Binuksan na niya ang pinto ng back door at mabilis na pumasok sabay akyat sa may fire exit.


Inakyat niya ang hagdan at lumabas siya sa pinto ng fire exit sa pangalawang palapag ng gusali. Pinakiramdaman niya ang paligid at mabilis na naghanap ng cr.


Nagtungo siya sa cr at pasalamat na walang kahit na sinong tao sa loob. Pumasok na siya sa isang cubicle at mabilis na nagtanggal ng jump suit. Mabilis niyang ikinabit ang transmitter sa tenga. Aakalain mong hikaw iyon pero isa iyong maliit na device na magagamit para makausap ang nasa kabilang linya.


Matapos niyang makapag-ayos, kinuha na niya ang baril na pinatong niya sa ibabaw ng bowl at itinaas ng bahagya ang kanyang suot na dress sabay sukbit sa may hita niya.


Dinampot pa niya yung isang baril at sinukbit naman iyon sa kabilang hita niya at yung isa naman ay sa waistband ng kanyang dress.


Paglabad niya ng cr, sinuot na niya ang itim na facemask. Habag naglalakad siya, hindi maiwasang pagtinginan siya ng mga nakakasalubong niya.


"Tell me where the meeting will be held." sambit niya habang naglalakad.


("Conference room. Third floor.") aniya mula sa kabilang linya.


"Copy." tugon naman ni Vera. "Damon's office, where?"


("Fifth floor, Lady.")


"Okay." pasimple siyang tumingin sa kanyang paligid at mas lalo siyang pinagtitinginan kaya umaktong umubo siya para hindi paghinalaan.


Nagtungo na siya sa elevator. Pagbukas nun ay bumungad sa kanya ang ibang mga tauhan at empleyado ni Damon.


Pumasok na siya at pumwesto sa bandang dulo. Tahimik niyang pinakikiramdaman ang mga kasama sa loob.


Tumunog at bumukas ang elevator at nagsilabasan na ang mga sakay. Nanatili lang si Vera kasama pa ang iilang empleyado't tauhan ni Damon.


Pasimple naman siyang sumulyap sa bandang itaas kung may CCTV ngunit wala. Napangisi na lang si Vera dahil mas magiging malinis ang kanyang plano.


Dumaan ng ilang floor at nagsilabasan na ang iba ngunit ang dalawa sa mga tauhan ni Damon ay nanatili at hindi pa rin lumalabas. Pakiwari niya'y sa opisina ang deretso ng dalawa.


Habang umaandar papaakyat ng fifth floor ang elevator, dahan dahan ng binunot ni Vera ang kanyang baril na kinabitan ng silencer.


Maliksi ang galaw niya at mabilis na binaril ang lalaki sa tagiliran. Dumaing naman yung lalaki sa sakit. Napasalampak sa sahig ang lalaki.


Napansin iyon ng kasama niya at naalarma bigla kaya akmang bubunutin nito ang baril na dala nang mabilis siyang binaril ni Vera sa ulo.


Nabaling naman ang atensyon niya sa isang lalaki. Nanghihina na ito dahil sa tama niya sa kanyang tagiliran ngunit kahit papaano'y may kaunti pa siyang lakas para kumilos. Bubunutin pa sana nito ang baril niya pero sinipa iyon ni Vera palayo sa kanya at tinuluyan na niya ito sa dibdib.


Sakto namang tumunog ang elevator tanda na siya'y nasa fifth floor na. Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na parang walang nangyari.


Tanging tunog ng kanyang takong ang naririnig dahil walanb katao tao sa buong fifth floor.


Bitbit ang kanyang baril, agad niyang pinasok ang opisina. Nilibot niya ang paningin sa buong opisina.


May mahabang sofa at mistulang sala ang itsura ng opisina. Puno ng portrait, libro ang paligid. Sa dakong mesa naman ay may mga nakapatong na bulto bultong files.


Naglakad dun papalapit si Vera. Nilapag niya sa mesa ang baril at naupo mismo sa mesa at saka dinampot ang mga files na nandun. Isa isa niya itong tinignan. Puro lamang tungkol sa kompanya ang laman ng files. Tungkol naman sa mga ilegal na transakyon ng Mafia, hindi iyon basta basta dahil masyadong confidential.


Habang abala siya sa pagtingin tingin ng mga files, biglang nagsalita si Jinx sa transmitter.


("Lady.")


"Where they now?" tanong niya habang patuloy sa pag-iiscan ng mga files.


("They're now on the way.")



BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon