Chapter 42: Ready

27.4K 656 35
                                    

a/n: hindi ako mapakali dito. hahaha nagtyaga lang sa supersurf. dahil lalabs ko kayong mga readers ko, humanap talaga ako ng paraan para makapag-ud.

ps, hirap ng nasa province. walang wifi.

anyway, sana magustuhan niyo ang update.

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 42: Ready

--

Third Person's POV

"Okay, mic test mic test. Hoy kayong nagtutukaan sa stage!" biglang sabi ni Axel habang may hawak hawak na mikropono.

Agad namang naghiwalay ang labi nilang dalawa sa narinig nila at tumingin sa ibaba ng stage.

"Bumaba na kayo dyan! Samahan nyo kami dito!" paanyaya sa kanila ni Axel na nasa ibaba ng stage.

Parehas nilang tinaasan ng middle finger kaya't nagkatinginan sila at nagtawanan. Kalaunan din ay bumaba sila ng stage at naki-join sa ibaba.

Pagbaba nila, agad silang pumunta sa kinaroroonan ng mga kasama nila ngunit ay biglang sumulpot at tumigil sa daan nila si Stacey kasama ang mga alipores nya.

"Congrats." bati ni Stacey habang nakangiti ng peke. Alam naman iyon ni Vera na hindi bukal sa loob nya kaya napairap sya at sinabihan si Stacey.

"Look, don't congratulate me if you're not that sincere. So, drop that fake smile of yours." aniya Vera.

Nang dahil sa sinabi ni Vera, otomatikong naglaho ang pekeng ngiti ni Stacey at pumalit ang nagngingitngit na itsura nya.

"You bitch! How dare you to--" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang sumulpot si Axel sa likuran niya at agad itong binusalan ng table napkin sa bibig.

"Bawal dito warfreak. Dun ka sa labas." aniya Axel sabay hila kila Vera at Tyrone paalis.

Nagpunta na sila sa pwesto nila.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Sena

"Busy sa session nila sa stage." sagot naman ni Axel pero kutos ang inabot niya kay Tyrone.

Inirapan naman siya ni Sena, "Hindi ikaw ang kausap ko. Che."

Samantala, sumunod naman sa kanila si Stacey na galit na galit kasunod ang mga alipores niya. Hindi nila iyon napansin dahil abala na si Vera at Sena sa pag-uusap. Si JD at Axel naman ay nagsasayaw. At ang dalawang sina Jinx at Warren ay nasa mesa lang.

Si Tyrone lamang ang nakapansin kay Stacey.

Nakita niya itong papalapit kaya napahawak na lang siya sa kanyang sentido. "Damn, this girl won't quit."

Ibinato ni Stacey ang table napkin na pinangbusal sa kanya. Imbis na ibato yun kay Axel na siyang nangbusal sa kanya, kay Vera niya ibinato. Akmang tatama yun kay Vera nang hilahin siya ni Tyrone papalapit sa kanya kaya kay Sena iyon tumama.

"What the." aniya Vera. Tinitigan naman niya ng masama si Tyrone, "Why did you do that?"

"What the hell?!" sigaw ni Sena.

Sumenyas siya na tignan si Sena. Tinignan niya si Sena na nagngingitngit sa galit.

Lumapit naman si Sena kay Stacey, "Hoy ikaw slut. Bakit mo ko binato?! Hindi ka pa ba nadala nang mangudngod yang mukha mo?"

"Stacey, tara na."

"Stacey, nakakatakot yang babaeng yan. Tanda mo ba ginawa samin nyan? Lalo na sayo?" pangungumbinsi ng mga alipores niya. Simula kasi nung nakabangga nila si Sena, natakot na sila. Baligtad nga eh. Imbis na kay Vera sila matakot, hindi.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon