Chapter 27: Invisible

33.3K 863 20
                                    

a/n: happy 18 to me! :3 sa mga babati, just post on my message board, pm me or rather comment here :)

anyway, eto na! enjoy queens!

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 27:Invisible

--

Tyrone's POV

"Wag na wag mong gagaguhin kapatid ko kundi ako makakalaban mo."

Naguluhan ako sa sinabi nya. Kapatid? Paano nya naging kapatid si Vera? Wala naman syang nabanggit sakin at bakit ko lang ngayon nalaman?!

Argh!

Sumasakit lang ulo ko kapag iniisip ko yun. Tss.

"Dude alam mo, hibang ka na."

Tinitigan ko lang sya ng masama at naisuklay ko na lang yung daliri sa buhok ko.

Nandito kami sa parking area. An area which is also exclusive for the four of us.

Inaantay namin yung dalawa. Gusto ko ng mauna dahil ayokong makita pagmumukha ni Axel kaya lang, nagpumilit si JD na antayin namin sila kaya pumayag na lang din ako.

Ilang minuto ang lumipas at si Axel ang nakita kong paparating. Mabilis yung lakad nya papunta samin.

Ibinulsa ko yung kamay ko at sumandal sa sasakyan ni Warren.

Nang makapunta na sya samin, hindi ko inaasahan yung sunod nyang ginawa.

"Naturingan ka pa nyang boyfriend pero wala kang respeto!" nanggagalaiting sabi nya sabay suntok sa kaliwang pisngi ko. Shit! Nakakadalawa ka na ah!

Napaatras ako at napahawak sa gilid mg labi ko. Nagtiim bagang ako at saka ko rin sya sinuntok.

"Bakit sino ka ba para pagsabihan ako nyan? Ano ka ba nya?! May connection ka ba sa kanya?!" sigaw ko sabay hinawakan ko ng mahigpit yung kwelyo ng damit nya.

"Uy tigilan nyo na nga yang dalawa!"

Tinulak naman nya ako, "Mahalaga ako sa kanya, mahalaga sya sa akin. Mas may connection ako kaysa sayo."

"Pwede ba tumigil na kayo?!"

Natigilan kami sa biglang sumigaw.

Si Warren.

Hindi kami natahimik dahil sa pagsaway nya samin. Natahimik kami kasi ngayon lang sya sumigaw ng ganyan.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon