Chapter 46: Fulfillment

18.8K 504 13
                                    

a/n: queens! hello hello! sorry kung ngayon lang nakapag-update. sobrang busy ako kahit holiday and nagkaroon ako ng conflicts. i tried updating this last sembreak but i failed . sorry again for the past months na hindi ako naka-update.

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 46: Fulfillment

--

Third Person's POV


Pagkalabas na pagkalabas nila sa building, sa backdoor sila lumabas dahil puno na ng mga pulis ang entrance ng building.


Nakikipagnegosasyon ang iilang miyembro ng Mortem upang mapagtakpan at malinis ang insidenteng nangyari sa buong building. Binalaan din nila ang ibang empleyado na huwag silang magsasalita dahil oras na magsalita sila sa nangyari, mamatay sila.


Samantala, ang ibang miyembro ni Damon ay isinama na nila at ang mga tauhan na ni Vera ang bahalang magligpit sa kanila.




"Lady, should we head now to the location?" tanong ni Jinx nang makasakay na sa driver's seat.


"Not yet, Jinx." sagot ni Vera "We still need those four."


"Oh, them." tugon ni Jinx at napatango na lang.


"You know what to do, Jinx." sagot ni Vera sa kanya sabay kuha ng kanyang cellphone. Dinial niya ang numero ni Sena para tawagan dahil magiging parte si Sena ng kanyang plano sa kanila.


("Bitch napatawag ka?") pambungad nito sa kanya.


Bahagyang sumandal si Vera sa kanyang kinauupuan at kumurba ang isang ngisi sa kanyang labi, "I need Garnet now."

----

"Nalintikan na." wika ng isang lalaki nang matapos niyang maibaba ang tawag at matanggap ang mensahe ukol kay Damon na dinakip na ito.


"Bakit?"


"Damon already got them." tiim bagang niyang sambit at madaling inayos ang kanyang gamit.


"Ano ng plano?" tanong ng kanyang kasamahan.


"Maghanda kayo. Susundan natin sila. Alam ko kung saan nila dadalhin si Damon."

----

"Parang laging wala Daddy mo?" tanong ni JD habang prenteng nakaupo sa sofa.


"Nagtaka ka pa. Busy yun sa negosyo nila Tyrone." sagot naman ni Axel na nasa tabi ni JD.


"Paano kaya niya naisasabay yun sa pamamalakad sa school? Owner at President siya diba?" tanong muli ni JD


"He passed being the school president to his business mate." sagot ni Tyrone sa katanungan niya.


BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon